[99]

236 13 2
                                    

[99]

10:09 PM

Key:
Dahil sa sinend mo, naalala ko tuloy yong tindang mga kwek kwek, fishball, fries, kikiam, hotdogs, palamig ni Aling Fidel noon. Haha

Analiah:
Tapos ka ng maligo?

Key:
Oo

Analiah:
Nakakamiss nga luto ni Aling Fidel. Lalo na yung kwek kwek, hindi nakakasawa. Pati na rin yung sauce niya, parang kakaiba dahil sa sarap. Saka yung mga fishball, kikiam kapag siya yung nagluluto, lutong luto talaga. Alam mo yun? Ang sarap kainin kasi parang lumalagutok. Tas hindi maasim yung fishball hindi tulad sa iba

Key:
Oo. Nong kumain ako ng kwek kwek dito pagkabalik ko, mas masarap talaga yung kay Aling Fidel, miss ko na luto niya huhu

Analiah:
Kaso matagal nang wala si Aling Fidel eh.

Key:
Ha?

Analiah:
Matagal na siyang patay.

Key:
Ganoon? Luh. Anong ikinamatay?

Analiah:
Inatake sa puso.

Key:
Sayang. Gusto ko pa man din tikman kwek kwek niya kapag nakabalik na ako diyan.

Analiah:
Hindi ako dirty minded pero whatever!

Analiah:
Tapos ngayon ang mahal na ng fishball. Dati, piso dalawa, ngayon dalawang piso tatlo. Grabe. Pati sa kikiam kapag limang piso, apat lang. Jusme

Key:
Edi hindi na nagtitinda si Aling Fidel ng mga fishball?

Analiah:
Siyempre, patay na eh. Anong inaasahan mo? Magtitinda pa rin siya kahit wala nang buhay? Hahahahah

Analiah:
Jusme, Walwal. Nasa talampakan pa rin ba utak mo?

Key:
I mean argh

Analiah:
Anong I mean argh?

Analiah:
Ungol yan?

Analiah:
Djkl

Analiah:
Gets ko naman. Yung anak na lang niya yung nagtitinda ngayon, si Kuya Rodny pero hindi ganoon na kasarap gumawa. Lalo na sa sauce. Ang tabang magtimpla hahahah kaya hindi na mabenta.

Key:
Ahh

Analiah:
Wait.

Analiah:
Nandito nga pala ako sa bahay. Tas kanina habang naglilinis ako ng kuwarto, nakita ko yung holen, pick-up sticks, eroplanong papel hahaha

Analiah:
Tanda mo yung eroplanong ginawa natin noon?

Key:
Na may nakasulat na pangalan natin na Walwal at Laklak sa magkabilang gilid?

Analiah:
Oo! Tas pinapalipad natin hahha

Key:
Tanda ko rin yung ginawa nating bangka. Na may pangalan ulit natin.

Analiah:
Na pinapaanod natin sa baha kapag malakas ang ulan, oo tanda ko pero laging nasisira yun kaya hindi ko na matabi hahaha

Key:
Keeper ka no?

Analiah:
Hindi naman pero sadyang minsang gusto kong pahalagahan yung mga meron ako ngayon para may mabalik-balikan ako haha

Analiah:
Marunong ka pang gumawa ng star sa lastek?

Key:
Lastek?

Analiah:
Hindi ko alam kung tama spell ko pero goma. Yung iba iba yung kulay.

Key:
Ahh oo pero hindi ko na tanda kung paano gumawa non hahha brief ni batman, alam ko pa. Haha.

Analiah:
Eh yung toroto na gawa sa saging o kahit anong dahon? Tanda mo pa? Nung tinuruan tayo ni Kevin gumawa hahah

Key:
Hindi na rin eh hahah

Analiah:
Yung sipa?

Key:
Alin? Ano yun?

Analiah:
Yong ganito.

Analiah:

Key:Ahhh oo!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Key:
Ahhh oo!

Analiah:
Masaya yan laruin kaso hindi ako marunong.

Key:
Marunong kang gumawa ng saranggola?

Analiah:
Hindi eh.

Key:
Marunong ako hahaha

Analiah:
Oh edi nice

Analiah:
Wait, banyo lang ako.

Analiah:
Sumasakit tiyan ko.

Key:
Sama

Analiah:
Yuck.

Analiah:
Stay ka lang diyan

-------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon