Chapter 3

145 6 0
                                    

Chapter 3

Freelance Model

••••••••••••••••••••••••••••••••

Nakahiga ako buong hapon sa kama ko. Friday ngayon at wala akong klase. Inaabala ko lang ang sarili ko kakatext sa boyfriend ko.

Ako:

Hi babe.

Still busy?

Text mo ko pag wala kanang ginagawa babe.

Ingat ka dyn, i love you.



Walang reply si Kevin buong araw. Mag-alas 5 na ng hapon ng lumabas ako sa kwarto ko. Papasyal ako kila Karen. Hindi kami close nito pero makikikumusta lang ako baka nakakausap nya ang kuya nya.

Pumasok ako sa kwarto nila. May mga bisita si Karen na mga kaklase. Karamihan ay mga lalaki. Namataan ko syang nakaupo sa kandungan ng isang lalaki.

Napatayo sya ng makita akong nakatayo sa pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sa kin at humalukipkip.

Tumingin ako sa lalaking inupuan nya. "Ahmm. Itatanong ko lang sana kung nakakausap mo si Kevin"

"Bakit sa kin mo tinatanong? Edi ba boyfriend mo yun?" pag irap ni Karen.

"Tska wala ka nang paki dun kung nakakausap ko si Kuya. Dapat inaalam mo kung san sya nagpupunta at kung sino ba kasama nya. Para hindi ka maagawan" dagdag nya pa saka tinalikuran ako.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Sinara ko nalang ang pinto.

Hindi kami close ni Karen, at hindi naman ako manhid para maramdamang ayaw nya sakin. Tinitiis ko nalang kung pano nya ko tratuhin dahil mahal ko si Kevin.

Hindi ko pinansin ang sinasabi nya though alam kong may laman yon. Lagi nman syang ganun eh. Basta alam kong hindi ako kayang lukohin ni Kevin.

Lumabas nalang ako sa apartment. Pupunta ko sa karinderya sa tapat para bumili ng pagkaen. Nakashorts lang ako at loose white shirt. Nakaponytail ang kulot at wavy kong buhok.

Pabalik na ko sa kwarto ko ng may tumawag sa kin. Akala ko si Kevin pero mula sa unknown number.

Sinagot ko iyon.

"Hello?" ani ko.

"Hello, may I speak to Ms. Marionne Aliyah Esguerra?" tanong nang nasa kabilang linya.

"Yes, Marionne Aliyah Esguerra speaking. Who's this?" nakapasok na ko sa kwarto

"Ahm, I'm Ralph from Calikasan Photography. I would like to ask if you're free tomorrow. We'll inviting you to be our model for classic theme." sabi ng nasa kabilang linya.

Ngumiti ako. Racket nanaman ito. Magkakapera nanaman ako.

"Uhhm, yes. I'm free." inipit ko sa tenga at balikat ko ang cellphone. Inaayos ko na ang pagkaen na binili ko.

"Okay Ms. Marionne. We'll text you the address for the shoot. And the details as well." ani ni Mr. Ralph.

"Okay. How much salary will I earn? Are you using per hour basis?" tanong ko. Syempre kelangang tanungin yon. Sila ang tumawag eh.

"Yes Ms. Esguerra. We offer 5k per an hour."

Wow! Nanlaki ang mata ko roon. Hindi kaya scam to? Usually kasi 2-3k lang per hour binabayad sa kin noong mga kumukuha sa kin bilang model.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon