[Chapter:15]
"You know... Cellphone's are not allowed in this school, right? Mr. Vinlidesio?" Tense na tense na'ko sa nangyayari! Nandito si Erick, si Sir K, at ako sa Room 302... Kinumpiska ni Sir ang cellphone naming dalawa. At ako ang may kasalanan! Naguusap kami, mata sa mata, labi sa labi, este naguusap kaming tatlo!
"I know Sir... We know" titig ni Erick kay Sir K na animo lalamunin niya ito ng buo. Hindi naman ako makatitig sa kanilang dalawa, nakatitig na lang ako sa noo nilang pawis na dahil sa malakas na tensiyon sa kwarto na 'to. Kasalanan ko rin e! Ako ang may kasalanan. Naudyot pa ang plano namin dahil sa kabobohan ko.
"So? Ano gusto niyong gawin ko sa inyong dalawa ha?" Sabi ni Sir K at biglang tumayo. Kinuha naman niya ang baso ng tubig sa desk niya at ininom ito saka nahiga sa hospital bed. Tumingin siya sa'kin at biglang ngumisi saka hinubad ang eyeglasses niya. Tsk, hindi ko na alam ang gagawin sa puntong 'to, paniguradong yari kaming dalawa at sabit pa ang mga ka-dorm mates ko. Worst scenario, baka ipahalughog din ni Sir K ang buong kwarto namin.
"Wala... Wala kang dapat gawin" nagulat naman ako ng biglang hablutin ni Erick ang kamay ko at tumayo "let's go Eka" titig niya pa kay Sir K. Napatayo naman si Sir K at hinablot din ang kamay ko "You two are not going anywhere" nanlisik naman ang mata niya dahilan para bitawan ni Erick ang kamay ko.
"Mauuna na'ko Eka, sumunod ka na lang may dapat kayong malaman" titig pa ni Erick kay Sir K at padabog na naglakad at isinara ang pinto. What just happened!? Iniwan niya ko? Mag-isa? Really Erick?
"What now?" Kinuha naman ulit ni Sir K ang eyeglasses niya at umupo sa upuan ni Erick kanina. Habang ako? Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Bakit ba kasi tumawag si Erick? Bakit ganun na lang niya bastusin si Sir? At iniwan niya pa'kong mag-isa rito? Alam niya bang pwede akong mapahamak??! Well, OA lang pero malay mo naman diba?
"S-sir S-sorr--"
"No need, take this..." Inabot naman niya sa'kin ang dalawang de-pindot na cellphone na ikinumpiska niya sa'min kanina. Ha? Bakit ibibigay 'to ni Sir?
"Bakit po?"
"You need this both to communicate" dismayado naman siyang ngumiti habang nakatitig sa mata ko. Umiwas naman ako ng tingin dahil na-aawkward na'ko kay Sir. Nakakatakot siya, pano kaya siya magalit?
"Sir okay lang naman po kung kukumpiskahi---"
"So sinasabi mo bang gusto mong parusahan kita?" Titig niya pa, jusko! Gusto ko na maihi sa harapan ni Sir ngayon sa sobrang takot. Bakit ba kasi ganiyan kalisik ang mata niya?
"Hindi naman po sa ganun kasi po"
"Take it? Or leave it? Mamili ka" agad ko namang kinuha ang cellphone at marahan siyang natawa. This is our only chance noh, mamaya may mangyari pa sa'min ni Erick na masama edi dedu na kaming dalawa.
"Salamat po Sir" ngiti ko pa dahilan para makita ko na naman ang ngiti niyang labas ngipin. Hays, pogi talaga Sir.
"Sige na, may mahalaga pa raw siyang sasabihin" tumayo naman siya at pumunta sa pinto... Binuksan niya iyon at inilahad ang kamay niya papalabas. Wow? gentleman man ka?
"Thank you po"
Hindi naman siya umimik at tumango na lang. Nakalabas naman na'ko ng pinto at lumabas din siya. "See you tomorrow Cheska, make sure... Walang makakakita sa'yong gamit niyo 'yan ni Mr. Vinlidesio" titig niya pa sa'kin at napatango naman ako saka yumuko.
"Hindi ka man lang ba magsasalita?"
"S-sir babyie po" inangat ko naman ang ulo ko at nakita ko ang nakakakilig na ngiti ni Sir. "Magingat ka" napatango naman ako at napatalikod na lang hawak ang mukha ko. Jusko! Ano ba 'tong nararamdaman ko! I just felt... It happened before, itong naramdaman ko! Parang naranasan ko na ang ganitong pakiramdam. Kailan ba 'yun? Hindi ko na matandaan. Hays, Crush ko na rin kaya si Sir? Hindi! Pogi lang siya! Hindi ko crush.
BINABASA MO ANG
Until We Meet Again
Mistero / ThrillerFrancheska Celestine Mirasol Silbeste was a student in a school loaded up with a serial killer founders. The solitary thing to escape this school is to graduate college. However, imagine a scenario in which time passes by and he just considers and t...