CHAPTER 52:

88 6 0
                                    


Hindi ako nakatakas sa kanya nong gabing iyon. Pero walang nangyari sa amin. Magkatabi kaming natulog at hindi ko na alam kung natulog ba siya o hindi.

Magdamag lang siyang nakayakap sa akin habang hinahaplos ang aking buhok kaya nakatulog ako at paggising ko wala na siya sa tabi ko.

Training nanaman namin ngayon at parang ayaw ko ng pumunta dahil kay Blue. Napaigtad ako ng biglang may umakbay sa akin. "Dior?" Inis na sabi ko at kinurot ang tagiliran nito. "Aray," daing niya.

"Good thing Miles, Nag invite ang korea C.A branch para sa joint training ng Juniors. Kaya mamayang hapon mag iimpake kayo para sa one week training doon." Nakangiting sabi nito.

"Seriously? Korea? Oh my God....matagal ko ng pinangarap makapunta don." Napapatalon pang sabi ko at halos mayakap ko na siya ng mahigpit. Pero agad na napawi ang ngiti ko ng mamataan ko ang mukha ni Blue na masama ang tingin sa aming dalawa sa di kalayuan. Nagtama ang tingin namin ngunit agad rin akong nag iwas ng tingin at kumawala na kay Dior.

"Grabe halos di na ako makahinga." Reklamo niya. Hindi na ako sumagot at hinila ko siya paalis sa lugar na iyon. Ngunit napahinto ako ng biglang nag echo sa utak ko ang sinabi niya kahapon.

'Kung plano mong gamitin ang singkit na iyon, asahan mong pangalan lang niya ang makakauwi sa basura niyang bansa'

"Bakit? May problema ka ba, Miles?" Nagtatakang tanong niya. Bigla akong kinabahan sa  pagbabanta niyang iyon kaya nabitawan ko ang kamay ni Dior at tumakbo ako palayo sa kanya.

Ayaw kong madamay si Dior dito. Hindi ako mandadamay ng tao. Napaiyak na lang ako habang naglalakad papunta sa kung saan. Mahalaga na sa akin si Dior. At kapag nawala siya sa akin habang buhay kong sisihin ang sarili ko.

Napatili ako ng biglang may humila sa akin at isinandal ako sa isang malamig na pader. "B-lue?" Na uutal na sabi ko habang nakatitig sa mga mata nito. Gusto ko ng lumubog sa kinatatayuan ko sa sobrang takot sa kanya.

His Death glare is the one who always makes me weak. And powerless woman.

Napayuko ako habang hinahayaan ang mga luha kong tumulo. "I told you not to use that punk!" Galit na sabi nito. Lumapit ito sa akin at inamoy amoy ako na akala mo kung nakaamoy ng kakaiba.

"B*llsh*t!!!" Napatili ako ng malakas nitong sinuntok ang pader. At nanlaki ang mata ko ng pinunit nito ang jacket ko at itinapon ito sa kung saan saan.

He remove his jacket at iniabot niya iyon sa akin. "Wear this, itong pabango lang ang pwedeng dumikit sayo. Kung ayaw mong punitin ko lahat ng damit mo." Ma awtoridad na sabi nito.

Inabot ko naman iyon at kahit na labag sa aking kalooban sinuot ko iyon habang nakayuko pa rin. Iniangat nito ang mukha ko sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking baba.

Akmang hahalikan nito ang labi ko pero mabilis akong umiwas. Mukhang nainis naman ito sa ginawa ko kaya mas idiniin niya ako sa pader at iniharang ang kamay nito sa gilid ko.

"Iniiwasan mo na ngayon? Alam mo dati halos magkandarapa kang mahalikan ako. Muntikan ka pa ngang pumatay ng tao para makuha ang pagmamahal ko. Look, Miles ako na mismo ang humahalik sayo aayaw ka pa! Or you want to do it yourself." Cold na sabi niya. Inilapit nito ang mukha niya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Do it! Grab the chance."

I look straight on his eyes and never do what he wants. But suddenly he did it and almost stop me from breathing. He kiss me harshly and wild.

Yah, pinangarap ko ang halikan niya ako. Pero hindi ganto. I dream about it when he would take me in the altar. Its about 'you may now kiss the bride'. He would kiss me passionately and with love.

Not like this.

Full of Revenge

No love

Aggressive

Hindi ko na namalayan na naipasok na pala nito ang kanyang kamay sa aking damit at halos hawak na nito ang d*bd*b ko. Agad na akong nagpumiglas. Hindi na tama ang ginagawa niya.

Oo desperada ako pero noon yon. I use my full strength to push him at nagawa ko. Sinampal ko siya ng malakas para naman magising siya.

"Oo, ganon ako kadesperada noon. Na halos gusto ko ng magpa angkin sayo. Pero ngayon hindi! I realize that i should treasure myself. Hindi yong isinusugal ko yong buhay ko para sa isang taong hindi ako kayang mahalin. Yung mga nagawa ko noon? Sobrang pinagsisihan ko iyon. Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa mga pinaggagawa ko. Lahat ng nasaktan ko natanggap ko na ang karma siguro nga mas sobra pa nga sa naiparamdam ko. Bakit? Kulang pa ba lahat ng dinadanas ko para pagbayaran ang pag alis ng gf mo." Sumbat ko sa kanya habang umiiyak.

"Yes!" Bulyaw niya. "Kulang pa!" Dagdag niya. "Magiging sapat lang ang lahat kung namatay ka na! Naintindihan mo?" Para akong sinaksak ng pa ulit ulit sa sinabi nito sa akin. Nanlalambot na ang mga tuhod ko habang hawak hawak ko naman ang dibdib ko.

Pero kahit naghihina ako pinilit kong maging matatag. Tumango ako "Then wait until that day comes.  Siguro hilingin mo na lang na madaliin na ang araw na iyon para sa akin para matapos na ang lahat." Umiiyak na sabi ko.

Hindi ito sumagot at nag iwas ng tingin. I remove his jacket at iniabot sa kanya. Ngunit itinapon niya lang yon. I wipe my tears at napayuko habang tinatahak ang daan paalis.

"Do you love him?" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig iyon. Napabuntong hininga ako "I think i might love him." Seryosong sabi ko at lumayo na sa lugar na iyon.

Pumasok ako sa aking kwarto at hinanap ang aking cellphone. Agad kong dinial ang number ni Aivy ng nahanap ko ang aking cellphone. Wala na akong pakialam kung magmukha akong talonan. Isa lang ang gusto kong mangyari ang matapos ang lahat ng ito.

"Sino to?" Mataray na tanong ni Aivy.

"Comeback here, as soon as possible. Your secrets is still safe. Kapag hindi ka pa bumalik dito papatayin ko ang mag ama mo." Diretsong sabi ko at agad na ibinaba ang cellphone.

'Magiging sapat lang ang lahat kung namatay ka na! Naintindihan mo?'

Napahikbi ako ng maalala iyon. Akala ko okay na ang lahat hindi pa pala.

'Please comeback, I'll be waiting. Ràk lûuk jà, Miles'

Pinaglalaruan niya lang pala ako. Ayaw ko ng umasa pa sa kanya. Akala ko ayos na ang lahat hindi pa pala.

WHEN THE TRILLIONAIRE FALL IN LOVE(BOOK1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon