"Laguna"
"Keifer bumili ka nga ng magic at mantika" utos ng tita kong maganda na si mama anna.
Syempre joke lang, wala sa bucabolaryo ko ang maganda.
Mama ang tawag ko sakanya kahit tita ko lang siya, same vibes kami eh.
Lumapit na ako rito at kinuha ang pera para ako'y makalabas na at makahanap ng chiks.
Sisiw🐤
"Two, Four, Six..." Bilang ko sa pera habang nag lalakad ako papunta sa tindahan.
Sana madapa
Ng matapos ko ang pag bibilang ay sinimulan ko nang mag hanap ng tindahan.
Kakalipat lang kase namin dito, hindi ko pa alam kung saang sulok ng laguna nakakalat ang mga tindahan.
"Ahh ayun..." Sabi ko matapos makakita ng ilaw.
Habang nag lalakad papalapit sa tindahan ay may nakita akong apat na lalake na nag m-mobile legends.
Pero may isang nakaagaw sakin ng pansin, yung lalake na tisoy at may makapal na kilay, magandang jawline, at makinis na mukha.
Di ako bakla nooh!!
"Bat ba ko nakatingin sakanya, eh mas pogi naman ako don." Wala sa sariling sabi ko
Hobby ko kausapin ang sarili, actually mag eenroll na ko sa mental.
"Pabili magic tsaka mantika" sabi ko sa tindero.
"Ikaw yung bagong lipat?" Tanong niya dakin bago iabot ang pinamili ko.
"Ahh oho, bakit Ayaw nyopo? Dejok" sagot ko sa tanong niya.
Ang chismoso neto
Tumawa lang rin siya bago iabot saakin yung magic tsaka mantikang muntik ko maibato sakanya, ang daldal.
Matapos makuha ang pinamili babalik na ako sa bahay, at syempre madadaanan ko nanaman yung apat na mukhang selpon.
Charot
Ng palapit na ako sakanila awtomatikong napatingin ang mata ko sakanya.
Napansin kong may binulong yung kasama niyang mataba dahilan para tumingin silang apat sakin.
Chismoso ba talaga mga tao dito?
Hindi ko alam pero nung nag salubong ang mata tingin namon, bigla ako nakaramdam ng panginginig, pag-init ng pisnge, at pananakit g dibdib.
Wag kayong ano jan, Alam ko feeling ng inlove mukha lang kase siyang multo.
Hindi nag tagal ang titigan namin dahil sa narinig ko na ang boses ni mama anna na tinawag ang napaka gwapo kong pangalan.
Malapit lang kase yung tinatambayan nila sa unit namin.
Tumakbo na ako at ini-abot dito yung magic at mantika.
"Ikaw ahh... Bet mo nohh Gusto mo tanong ko pangalan ni marshmallow?" Pang-aasar sakin ni mama anna
"Sino po yung marshmallow?" Tanong ko rito dahil wala naman akong kilalang marshmallow.
"Yung tisoy na lalakeng nakipag titigan sayo. Ang puti kase kaya marshmallow" sagot niya sa tanong ko na medyo ikina-cringe ko.
Marshmallow??
Okay kalang marsh?"Ahh wala po yun, akala ko po kase kakilala ko" pag dedepensa ko sa sarili, dahilam para mas lalo pa niya akong inisin.
<Time Skip>
"Keif gising na umaga na" sabi ni tita marian habang yinuyugyog ako.
Bumangon na ako at nag hilamos tapos ay nag almusal narin.
"Ang lamig kagabe" bigkas ko bago isubo ang tinapay na may palaman
"Ang lakas kase ng hangin sa dagat" tugon ni tita marian.
Oo, nakatira kami sa tabing dagat, Apartment kase tong inuupahan namin pero sila mama marian din ang may-ari.
Tapos ay may dagat sa gilid, nasa first floor kami. Sa bawat isang floor ay may tatlong magkakadikit na unit, At meron itong 3rd floor.
Yung second and third floor ay kasalukuyanpang ginagawa, kaya first floor lang ang may bakanteng upahan.
Dalawang unit nalang ang bakante sa first floor kase naupahan na namin yung nasa unahang unit.
Inaantay naming dumating si mama anna dito sa bahay, May sarili kase kaming church at doon sila natutulog ni papa rondy.
Tito ko rin papa ang tawag ko.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na kami ng motor, hindi naman ganun kalayuan ang church pero nakakatamad talaga mag lakad.
Nang tignan ko upang kumpirmahin kung sila na nga ang narinig namin.
Nagulat ako dahil pag silip ko sa balcony ay nakita ko yung lalakeng nakita ko kahapon at nakaupo ito sa gilid ng bahay namin.
Agad akong tumakbo papasok at hindi ko na inalam kung sila mama anna ba yung nakamotor.
Pag pasok ni mama anna sa pinto ay tinignan niya ako nang nakakaloko at binigyan ako ng ngiting hindi mapag kakatiwalaan.
"Bakit ka pinag papawisan?" Nakangising tanong nito saakin.
"Sino? Ako? Hindi ah" pag tatanggi ko rito pero obvious naman.
"Sandali lang tawagin ko nga" pang-aasar sakin ni mama anna habang palapit sa pinto.
Agad naman akong tumakbo s kwarto at nag lock ng pinto.
Ilang segundo ang lumipas ay lumabas na ako, dahil mukhang nakaget over na rin naman sila.
Yun ang akala ko.
"Fritz nalang daw ang itawag mo sakanya" sambit saakin ni mama anna ng makalapit ako sa sala
Nag tawanan naman sila tita marian, tito algy, at tita levelyn na stepmom ko.
"Ayieee HAHAHAHAHA" sambit ni tita marian na sinundan ng malakas na tawanan.
R.I.P sa shippers
"Mas bet ko yung tawag na marshmallow" tugon naman ni tita levelyn.
Wala akong nagawa kundi makisabay nalang sa trip nila. "Mas gusto ko nga na marshmallow nalang para sweet" pakikisabay ko na dapat ay hindi ko na ginawa.
Dahil nagulat ako ng makita ko siya mula sa pinto, tumayo na tila ba narinig ang sinabi ko sa lakas ba naman ng boses ko.
Bigla akong natiklop at bumagsak sa couch at nag iikot-ikot.