Chapter 20 - Stalker problems

277 5 4
                                    

May meeting ang SC ngayon tungkol sa isang project. Hindi kasi mapag-desisyunan ng members kung ie-execute ba talaga ito. 6:30 pm na at wala pa ring nararating ang pag-uusap. 

"Guys, come on. Mag-decide na kayo." Drew says as he taps his fingers on the table.
"Bakit hindi na lang natin ipagpabukas 'to?" tanong ni Arnold, ang public relations officer namin.
"Bukas? We just have to decide if this project is a go or not. Mawawalan ng saysay yung pag-stay natin dito sa school ng almost three hours kung ipagpapabukas pa." sabi ni Drew.
"Bakit, Drew? Uwing-uwi ka ah?" Eloisa points out.
"Eloisa, we all have other things to do. Must I repeat that we have used up 3 hours of our lives para pag-usapan kung yes or no?"
"Eh anong magagawa natin, everytime magbo-botohan tayong lahat, may mga debate bigla." sagot naman ni Harmony.

Hindi ako nakikisali sa usapan. Ayoko kasing umuwi nang maaga. Baka andun pa si PJ sa street namin. Wala naman akong magagawa sa bahay at maririnig ko lang ang usapan nila ni ninong, baka lalo lang akong malungkot. 

Although...these past few days ay hindi na siya dumadaan. But I'm just being careful.
Or hopeful?
No! No. I'm being careful na baka nga andun siya at ayoko siyang makita. Hindi na rin siya nagti-text. I guess, napagod na rin siya kakatanong kung kamusta ang araw ko. 

I told you, Bianca. Hindi naman maghahabol si PJ Simon.
Sino ba ako? 

"Cassandra, saang planeta ka na naman?"
Umupo ako nang maayos sa upuan ko at tumingin sa SC members. 

"I'm sorry." I muttered. Eloisa rolled her eyes.
"Yung president natin, uwing-uwi na tapos yung VP naman,  lutang." She says. Magsasalita na sana si Drew when I cut him short.
"Okay guys. As your VP, itong Tambayan project na ito ay dapat pag-isipan pa." I said. 

Everybody groaned. Kasi naman, yung sinabi ko ibig sabihin we have to stay longer to talk or meet again tomorrow. Hindi naman ako pwede dahil loaded ako ng subjects bukas. 

"Guys naman. Wag na mag-reklamo. You should have expected these kind of meetings when you ran for your positions in the SC." I said as I flipped through some papers.
"Okay, once and for all. Sino ba ang Yes to Tambayan project."

A few lamely raised their hands. Majority, hindi nagtaas. Even Drew.
"Alright." I sighed. 

Ayoko naman pahirapan pa ang mga tao dahil lang hindi ko pa gusto umuwi.
"Wala ng debate. We'll not push through the project. We'll talk about the other concerns next meeting."

Nagsimula nang mag-tayuan ang mga tao at lumabas ng headquarters. Si Drew naman naka-upo pa rin sa seat niya at tinitignan ako.

"Oh, bakit nakatingin ka diyan? Salamat sa maayos na pagle-lead mo kanina ha?"  I sarcastically said while arranging the papers in my hand.. 

"Bakit parang ayaw mo pang umuwi?" tanong niya.
"Siyempre, gusto kong maayos yung meeting. Eh, ikaw, napansin pa ni Eloisa na uwing-uwi ka na."
"Hindi ah. Wala na kasing papatunguhan yung usapan. I didn't even like the project in the first place." He says as he stands up and grabs his bag. 

Together, we exit the SC headquarters.
"Cass, hatid na kita." sabi niya habang papalabas kami ng school.
"Hindi na, Drew. Okay lang. Umuwi ka na."
"Tara na, wag maarte." Sabi niya at pumara ng jeep. 

Pumayag na rin ako. Una, medyo nakakatakot umuwi mag-isa kasi nga ganito yung oras na nagkalat na ang alagad ng dilim. Pangalawa, siguro naman wala na si PJ dun. Or wala talaga siya dahil matagal na rin siyang tumigil kakadaan sa amin at huminto na rin ang pagdating ng messages niya.

Oo. Ulit-ulitin ko yung sentence na yan para may emphasis.

Pagbaba ng jeep ay naalala ko ang isang poster sa school.

"Ay, Drew!!!" I exclaimed. Excited masiyado?
"Woah, woah. Chill." natatawang sabi niya. "Taas ng energy mo, gabi na."

I laughed. "May nakita akong poster kanina sa school. Sa announcement board ng Music. Ed."

"Oh? Ano ngayon?"
"Tungkol siya sa isang international internship. Basta, about music eh."
"Uulitin ko, ano ngayon?" Hinampas ko siya.
"Mag-send ka ng application! Magandang opportunity 'yun. Sa Singapore kaya, ang ganda dun ah."
"Singapore?" His eyes widened. Kahit madilim, parang nagningning yung mga mata niya.

Alam ko, pag sinabi kong Singapore magpapa-book na 'to ng ticket bukas. Favorite place niya yun.

"One and only, Singapore." sagot ko.
He sighed. "Kailan 'to?"
"Sa susunod na sem pa naman. Kasabay ng practicum siguro natin. Pero yung deadline, mga after three weeks na ata?"
"Gusto ko. Gustong-gusto ko. Pero parang di ko kayang umalis. "
"Drew, sayang yun! Kung may ganung opportunity sa Baguio, pupunta ako."
"Kahit pa ang ibig sabihin nun ay hindi mo makikita si PJ?" tanong niya. 

Well, best friend, matagal ko nang hindi nakikita at nakakausap si PJ.
Maya-maya ay nakarating na kami sa street namin. 

"Oh, Cassandra, kasama mo ba si tisoy?" nakangiting tawag ni ninong Larry.
"Good evening, mang Larry." bati ni Drew at nawala ang ngiti sa mukha ni ninong.
"Cassandra, hija. Hindi na dumadaan dito si tisoy ha?" tanong naman ni mang Popoy.
"Nag-away ba kayo ng boypren mo, Cassandra?" tanong ni ninong na mukhang worried naman talaga.
"Mang Larry, hindi po boyfriend ni Cassandra yun." sagot naman ni Drew.
"Ikaw ba ang tinatanong ha?" sagot ni ninong. 

Hinila ko na patawid sa tapat ng pinto ng bahay ko si Drew at baka kung anu-ano pa ang sabihin sa kaniya ni ninong. 

"Hindi na pala kayo nagkikita ni PJ?" tanong ni Drew.
"Hindi na." sagot ko naman.
"Anong nangyari?"
"Wala." I tried to hide my sadness. But my best friend knows me too well.
"Kaya ba ayaw mo pang umuwi? Kaya ba nilulunod mo na naman yung sarili mo sa school works at sa student council? Tulad nung ginawa mo last year nung natigil yung landian niyo ni Cordova."
"Drew, shut up." I said.
"Ewan ko sa'yo, Cass." He pinches the bridge of his nose as if he's getting a headache. 

Siya pa ang sasakit ang ulo?

"Osha, good night Drew. Salamat sa paghatid. Wag ka na huminto diyan kina ninong baka habulin ka niyan ng itak."
"Anong baka? once na pumasok ka, yun ang gagawin niya."

I laughed and went inside. Wala naman akong narining na nagsisigaw kaya I assume that Drew's safe from my ninong. 

Bago ako matulog ay ginawa ko muna ang ginagawa ng ibang babaeng may crush na hindi nila maabot. 

Mag-stalk.

Masokista ba ako? Maybe.

I checked his instagram dahil parang dun naman siya medyo active. Nakita ko ang picture ng printed  airline ticket. Napaupo ako bigla. Ang caption, pauwi siya sa kanila para sa bakasyon niya. 12:45 pm bukas ang flight niya. Okay, wala akong kailangan alalahanin pag-labas ng school dahil 1 pm naman uwian ko. 

Relieved ba talaga ako? Maybe.
Nalungkot ba ako? Maybe. Kasi for sure hindi ko na siya makikita sa labas ng bahay ko habang nakikipag-usap kay ninong.
Disappointed ba ko? Maybe? Kasi hindi nga ako nakapag-paalam man lang.

Masokista ba ako? Definitely.


(A/N): As promised, here's the chapter. Sorry na parang filler chapter talaga siya. But I also promise, may update din sa 14. Valentine's day ;) 
Hirap mag-proofread habang nanonood ng game! So, kung may mali pa diyan. Oh well. Blame the Hotshots. HAHA.

The Leading ScorerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon