Sa Dulo ng Bus

24.5K 172 21
                                    

Sa dulo ng bus,

doon tayo nagtagpo.

Naaalala ko pa noon, sising sisi ako kasi nagbus pa ako imbis na mag MRT na lang. Nalate tuloy ako sa klase ko non. High school pa lang ako pero ang layo na ng school ko, aba matinde!

Pero nung nakita kita, nawala ang inis na nararamdaman ko. Mukha kang malungkot, nakatingin ka lang sa bintana at pareho tayong nakalagay yung earphones sa tenga .

Sa dulo ng bus,

doon ako nakaramdam ng kakaiba.

Pang-ilang beses na kita nakasabay pero ngayon wala nang earphones na nakalagay sa tenga mo, pero nakatingin ka pa din sa bintana.

Naaalala ko pa nung nag-preno bigla yung tsuper kaya nalaglag yung mga gamit mo, tinulungan kitang kunin ang mga ito kaya naman nahawakan ko yung kamay mo. Nagkatinginan tayo.

"Salamat." nginitian mo ako.

At doon na ako nakaramdam ng kakaiba.

Sa dulo ng bus,

doon tayo naging close.

Nalaman ko na ang pangalan mo pala ay Erica, napakagandang pangalan at nababagay ito sa'yo.

Hindi ka na tumitingin sa bintana kundi sa akin na. Lagi ka nang nakangiti at napapatawa na din kita kahit konti.

Lagi din tayo naghahati sa earphones tuwing pinapatugtog ko yung mga kanta paborito mong banda na Eraserheads. Minsan tayo pa'y kumakanta ng sabay habang ang iyong ulo'y nakapatong sa aking balikat.

Sa dulo ng bus,

doon ka naging akin.

Ika'y inalok na maging aking nobya at ika'y pumayag. Sobra sobra mo akong pinasaya.

Malaki din ang ngiti sa iyong mukha ngunit nagsimula ka nanamang tumingin sa bintana.

Ikaw ma'y nakangiti ngunit bakas pa din ang lungkot sa'yong mukha. Sana dumating ang araw na mapapasaya ulit kita.

Sa dulo ng bus,

doon huminto ang aking mundo,

Ika'y lubhang pumayat, namumutla din ng sobra. Tinignan mo ko sa aking mga mata at hinawakan ang aking pisngi sabay halik sa aking mga labi na naging dahilan kung bakit pakiramdam ko huminto ang mundo at tayo lang ang tao dito.

Sa dulo ng bus,

doon tayo'y nagkahiwalay.

Pinatugtog ko lahat ng paborito mong kanta ng Eraserheads, nakapatong pa din ang iyong ulo sa aking balikat at magkahawak ang ating mga kamay.

Nararamdaman ko ang mabilis mong paghinga. Tinignan kita at ika'y namumutla lalo mo pang hinigpitan ang kapit sa aking kamay.

"Tulong!" sigaw ko. "Tumawag kayo ng ambulansya!" dagdag ko.

Lahat ay nataranta, ganun na din ang tsuper. Tumawag ng ambulansya, tinawagan din ang iyong magulang.

Hindi ako pinasama sa ospital ng iyong mga magulang, hindi daw nila ako kilala baka daw kung anong ginawa ko sa'yo.

Sa dulo ng bus,

doon muling huminto ang aking mundo.

Wala ka ngayon sa normal mong inuupuan ngunit may papel na nakaipit sa tagiliran ng inuupuan mo. Agad ko iyong kinuha.

Ako'y naluha sa mga nakalagay dito.

Sa isang parte ng papel, nakaguhit ang aking mukha sa kabila naman ay may liham.

Nung araw na makasabay kita, kakahiwalay lang namin ng nobyo ko kaya't ako'y malungkot. Nung araw din na 'yun ay nalaman kung may Stage 2 Lung Cancer daw ako.

Natuwa ako nung magkahawak ang ating mga kamay, noong araw na yun na lang ako ngumiti, alam mo ba 'yun?

Natutuwa ako dahil nasasabayan mo yung mga trip ko, pagkain ng mga tig-pi-pisong tsitserya at natuwa pa akong lalo nung nalaman kong gusto mo din ang Eraserheads. Lalo akong nahulog sa'yo noon.

Inalok mo akong maging nobya mo, pumayag ako dahil ito na lang ang magpapasaya sa akin dahil nung araw na 'yun ay sinabi ng doctor na hindi na ako magagamot.

Hinalikan kita. Dahil gusto ko kahit isang beses ay matikman ang matamis mong labi.

Isinugod na ako sa ospital at alam kong 'yun na ang huli nating pagkikita. Simula pa lang ng biyahe natin nung araw na 'yun, ako'y nahihirapan nang huminga.

Sumasakay pa din ako sa bus kahit masama ito sa akin. Hindi ako nagpa-chemo dahil ayokong makita mo akong nakakalbo.

Masaya akong magpapapaalam dahil ika'y nakita ko sa dulo ng bus kung saan tayo nagtagpo.

"Yan ay dala ng mga magulang ni Erica." pagsasalita ng tsuper.

Ang aking luha ay tumulo ng hindi ko namamalayan.

Sa dulo ng bus.

All rights reserved 2015
© L0ugaw

Sa Dulo ng Bus (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon