Chapter 1

9 0 0
                                    

Magkababata sina Drake, Lizette, Blake at Athena. Nagkakilala sila sa isang pagdiriwang ng isa sa mga kompanya ng pamilyang Zunniga. Matagal na silang magkakakilala at magkakasama pamula pa noong isang taong gulang pa lang sila. Habang naglalaro ang magkababata ay abalang nag-uusap ang kanilang mga magulang.
"Mga kumpare't kumare, tingnan niyo sina Drake, Lizette, Blake at Athena. Bagay sila di ba? Ipagkasundo kaya natin sila sa isa't-isa? Tutal alam naman natin na mahal nila ang isa't-isa," aniya ni Phillip.
"Oo nga ba, pareng Phillip. Bagay na bagay sila. Sige, payag kaming ipagkasundo sila. Huwag muna nating sabihin sa kanila. Kapag nag-high school na natin sabihin sa kanila para masorpresa sila," aniya ni Duke.
"Mga pare't mare, alam niyo bang pumunta kagabi si Drake sa silid namin at sinabi niyang ipagkasundo sila ni Lizette sa isa't-isa. Si Liz daw ang gusto niyang pakasalan balang araw," sabi ni Aurora habang nakangiting nakatingin sa dalawang bata.
"Parehas tayo, mareng Ara. Ganyan rin ang sinabi sa amin ni Blake nung nakaraang gabi. Kaya nga sinabi agad namin na gusto naming ipagkasundo sila," aniya ni Leonard.
"Kaya lang, mga pare't mare, may masama kaming balita sa inyo. Mag-ma-migrate kami nina Lizette sa England. Next week na ang alis namin," aniya ni Duke.
"Ganoon ba? Mag-iingat kayo roon ha? Ma- mi-miss namin kayo. Ilang taon kayo roon?"
"Anim na taon, pare. Stay in touch na lang tayo. Pwede niyo kaming puntahan at bisitahin kapag summer."
"Oo naman, pare. Every summer at pasko kami ay bibisita sa inyo. At saka magpa-despedida naman kayo bago umalis."
"Oo naman sige, bukas tara sa private resort namin sa Batangas. Three days tayo roon, dito sa living room na tayo magkita-kita. Alas kuwatro ng madaling araw tayo aalis. Mahaba ang biyahe so dapat maaga kayo ay nandito na."
"Okay, kita-kita na lang tayo bukas mga pare't mare. Sige, aalis na kami para mag-empake. Mga hijo, hija tara na."
Pagkatapos magpaalam ng magkababata ay umakyat na sa kanyang silid si Lizette at nag- empake na. Maya-maya ay tinawag na si Lizette ng kanyang mga magulang para makakain ng hapunan.
"Hija, nasabi mo na ba kay Drake na aalis na tayo papuntang England? Diba nasabi mo na kina Blake at Athena ang balita?"
"Opo, Dad, nasabi ko na kina Blake at Athena ang balita by message. Pero sabi nila ay hindi nila sasabihin kay Drake, ako na raw po ang bahalang magsabi sa kanya. Naghahanap lang po ako ng tiyempo."
"Okay, hija. Huwag kang mag-alala tutulungan ka naming mapag-solo kayo ni Drake bukas."
"Salamat po, Dad. Sige po, aakyat na po ako sa aking silid at matutulog na po ako. Inaantok na po kasi ako."
"Goodnight and sweet dreams, princess."
Humalik muna sa pisngi ng mga magulang niya si Lizette bago siya umakyat sa kanyang silid. Treinta minutos pa lang natutulog si Lizette nang biglang tumawag si Athena.
"Athena, o ano? Bakit ka napatawag? Tulog na kasi ako nung tumawag ka."
"Sorry kung nabulahaw kita, beshy. Nasabi mo na ba kay Drake na mag-ma-migrate ka?"
"Hindi pa eh. Naghahanap pa ako ng tamang tiyempo. Baka kasi magalit at sumama ang loob niya. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa kanya nang hindi siya nasasaktan."
"Well, kailangan mo nang sabihin sa kanya bago ka umalis. Don't worry, girl tutulungan ka namin. Tutulungan ka naming lahat para mapag- solo kayo."
"Sige, salamat Athena. Ma-mi-miss kita. Video chat na lang tayo kapag may free time."
"Sige, beshy. Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas."
Ibinaba na ni Lizette ang tawag at natulog na ulit siya. Maya-maya kumatok ang Mommy niya at dinalhan siya ng gatas. Hinalikan siya nito sa noo at hinaplos ang mahaba niyang buhok.
"Hija, pasensya na kung naistorbo kita. Nakalimutan mong uminom ng gatas mo. At saka may ibibigay ako sa'yo, hija."
"Salamat po, Mom. Ano po iyong ibibigay niyo sa akin?"
"Ginawa ko itong locket na 'to para sa'yo. Dalawa ang ginawa ko, yung isa ibigay mo kay Drake bago tayo umalis."
Binuksan niya ang locket at napaiyak siya. Napakaganda ng locket na iyon. May music sa loob ng locket at may nakalagay na picture nilang dalawa ni Drake. Niyakap siya ng kanyang mommy.
"Mom, salamat po. Napakaganda ng locket na bigay niyo."
"Sige, hija matulog ka na. Goodnight and sweet dreams, princess."
"Goodnight rin po."
Bandang alas kuwatro ay tulog pa si Lizette at hinihintay na siya ng lahat sa living room.
"Ang tagal naman ni Liz. Drake, hijo, pwede bang pakigising na si Liz? Hindi siya magigising hangga't walang gumigising sa kanya," aniya ni Skylar.
"Sige na akyatin mo na siya, hijo," aniya naman ni Duke.
"Okay po, Tito Duke. Ako na po ang gigising kay Liz."
"Sa second floor gitnang parte ang silid ni Liz."
Umakyat na si Drake at kumatok sa pintuan. Walang sumagot kaya binuksan na niya ang silid ni Lizette.  Mahimbing  itong  natutulog.  Kinuha  niya ang alarm clock nito sa may bedside table at ini- alarm sa kasalukuyang oras. Nagulat si Lizette at napasigaw ng malakas.
"Ahhhhh! Ano ba iyan, Drake! Ginulat mo ako! Nakakainis ka naman oo!"
Pumailanlang ang sigaw niya sa baba at nagtawanan silang lahat.
"Sorry naman, Liz. Himbing na himbing ka kasi. May outing tayo kaya bumangon ka na."
"Oo na, eto na maliligo na ako. Umupo ka muna diyan sa one-seater sofa. Saglit lang ako. Huwag kang sisilip ha? Matakot ka sa kilitiw."
Nagtungo siya sa banyo na nasa loob ng kanyang silid at mabilis na naligo. Pagkaligo ay nagbihis na siya ng isang puting shorts at yellow blouse na tinernuhan ng puting sandals bago bumaba sa living room.
"O ayan na, tara na. Let's go!" "Ang tagal mo, Liz! Hahahaha!" "Tsk! Psh! Oo na nakakainis!"
"Doon ka na sa kotse matulog, Liz. Hahahaha! Nakakatuwa kang asarin, alam mo ba iyon Liz?"

Destiny Seasons of Love: Childhood Love Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon