~ First day ~
Sandra POV's
First day of school ngayon kaya maaga alo gumising ayokong malate kasi bago palang ako .. nagayos muna ako bago lumabas ng kwarto ...si carla ? Ayun nagaayos pa rin hamggang ngayon .
Bago ako lumabas ng kwarto .. " carla , sasabay ka ba sa akin ? ." Tanong ko ..
" nope . Susunduin ako ni prince ..." sabi niya ..
" ok sige una na ako sayo ha .." sabi ko tapos lumabas na .
Bago ako umalis kumuha muna ako ng tinapay tapos pinalaman ko ng mayonaise .. " ma , tita ! Alis na po ako .." sabi ko sa kanila ..
" ganun ba ? Ohh eto allowance mo wag mong masyadong magastos .." sabi ni mama ..
" o sige po ma .. " sabi ko tapos umalis na ako .. nang makalabas na ako nakita ko yung kotse ni prince sa tapat ng bahay ..
Dumeretso lang ako ... pero nakita ko siyang lumabas sa kotse niya ..." excuse me ? Diba ikaw yung cousin ni carla ? .." tanong niya sa akin nung tinawag niya ako ..
" ha ? Ahh oo .. kung hinahanap mo siya .. nandun pa siya sa loob pero palabas na rin yun ..." sabi ko sa kanya ..
" ahh ok .." sabi niya tapos bumalik ulit ng kotse niya , saktuhan naman na lumabas na si carla ...
" andito ka na pala babe .. bat di ka man lang tumawag naghintay ka pa tuloy .." sabi niya ..
" wala akong load .." sabi naman ni prince ..
" ok .. lets go .. " sabi ni carla tapos sumakay na siya .. habang ako naglakad na rin papasok ..bago pa sila makaalis binaba ni carla yung salamin ng kotse .. " cous , gusto mo ba sumabay ? .." yaya niya sa akin ..
" hindi na cous ... mamasahe na lang ako .. sige ingat kayo .." sabi ko tapos nagsimula na maglakad ..
Bat kaya pinagtitiyagaan ng pinsan ko yun .. ganun niya ba kamahal nun ? Mukha namang hindi siya mahal ni prince ..? Napapaisip na lang talaga ako ... nang makarating ako sakayan sumakay na agad ako baka malate pa ..
..
Nang nasa school na ako agad kong hinanap si kim ...siya palang kasi ang kilala ko dito bukod kay carla ..
Umupo muna ako sa may parang study area habang hinihintay ko si kim may katabi akong dalawang babae hindi ko alam kung sino ba yun ... pinakinggan ko lang sila ..
" alam mo ba kacilyn , hindi naman daw totoo na niligawan ni prince si carla ? .." sabi niya dun sa kasama niya ..
" talaga xena ? Paano mo naman nasabi na hindi naman niligawan ni prince si carla ? .." tanong naman nung kasama niya sa kanya ?
" narinig ko lang din sa mga schoolmate natin .." sabi naman niya ..
" sus ! Wag kapapaniwala dun .. sinisiraan lang nila si carla para maghiwalay na sila ni prince .." sabi naman nung kausap niya .. totoo kaya yun ? " sige na mauna na ako sayo ha .." dagdag niya pa ..
" o sige una na rin ako sayo .." sabi naman nung kaibigan niya tapos umalis na sila .. pagkaalis nila sakto naman na kararating lang ni kim ..
" oyy ! Sorry na late ako ha .." sabi niya sa akin ..
" ok lang naman hindi pa naman oras .. anong gagawin natin dito ? . " tanong ko .
BINABASA MO ANG
I'm Inlove With A CoC Player
Novela Juvenilpaano kung mainlove ka sa taong sobrang pagkaadik sa larong coc ? paano kung mainlove ka sa taong nanakit ng isang taong malapit sayo ? matatanggap mo ba sa siya sa buhay mo o hindi ? ABANGAN!!