My Annoying Kouhai

9 1 0
                                    

Merong isang babae sa class ko na may gusto saakin and madalas lagi niya akong kinikulet.
Isang araw tinanong niya ako, "Senpai, anong pinaka gusto mo sa isang babae?".
Tiningnan ko siya ng medyo naiirita, "Kahit ano basta di yung nakakairita tulad mo?"
Kahit na napaka lamig ko sa kanya nginitian niya lang ako, yun yung kinakainisan ko sa kanya. Di ba siya nag sasawa na kulitin ako araw araw?

sa sumunod na araw, tinanong niya ulet ako. "Senpai ehehe."
"Ano yun?", sabay bigay ng malamig na titig.
ngumiti siya pero tila ba may pait na aftertaste pag katapos "May nagugustuhan ka ba ngayon?"
Napaisip ako ng saglit at wala akong maisip kundi yung araw araw na pangungulit niya sa akin na tila ba nakakairita, "Kahit sino basta hindi ikaw."

Tumingin siya sa baba at may nabuo na katahimikan sa pagitan naming dalawa.


Dumaan ang isang araw, at di ko na siya nakita. "Ahh buti naman salamat sa diyos at wala na ring nangugulo sa araw ko."
Ngunit bakit tila ba nararamdaman ko na kinukumbinsi ko lang ang aking sarili na iyon talaga ang nararamdaman ko?

"Asan na kaya siya, bakit ang tagal niya." Na realize ko na hinahanap ko yung pangungulit at presence niya...

Napaisip ako na baka galit at nag tatampo siya sa akin, medyo nag sisisi ako siguro di ko lang napansin...
may narinig ako sa likod ko na familiar na boses, "Senpai~"
lumingon ako at nag dadasal na sana siya ang makikita ko pag talikod ko. Ngunit pag talikod ko, hangin lang ang tanging kumamusta saakin.
medyo nakaramdam ako ng lungkot, at napansin na may namumuo na tubig sa mata ko.
"Senpai~", sabi ng familiar na boses.
Sa pag tingin ko sa harap nakita ko siya at labis ang tuwa ko, "Anong itsura yan haha" sabay punas ng luha ko.
Medyo nag bago siya ng pananamit at pananalita, siguro ilang weeks din niyang prinaktis to, di ako makapag salita sa sobrang saya na may taong gagawa ng ganon ka lokong effort.

"gusto kita senpai," labis yung tuwa na naramdaman ko nung marinig ko yung mga salitang sinabi niya.


"Ngayon uulitin ko may nagugustuhan ka ba ngayon?", nakaramdam ako ang init na para bang niyakap ako, na nag tanggal ng lahat ng lungkot na nararamdaman ko nung mga nakaraang araw na wala siya.
Tumungo ako at sinabi sa kanya, "Oo, pero mas gusto ko yung ikaw na kinukulet at iniinis ako, kasi yung ikaw na yun ang bumubuo ng araw ko."

My Annoying KouhaiWhere stories live. Discover now