Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Halos ayokong gumalaw at idilat ang mga mata dahil pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko sa matinding sakit.
"Damn that whiskey!" Sikmat ko habang nakapikit pa din at nakatabon amg mukha sa unan.
"Don't blame the whiskey. Hindi yun kusang dadaloy sa katawan mo kung hindi mo ilalagay."
Bigla akong napabalikwas dahil sa narinig. At kahit na nahihilo at sumasakit ang ulo ko ay hindi ko na inalintana pa dahil may tao sa loob ng kwarto ko.
"Who are you?!" Sigaw ko sabay hanap sa kung sino ang naroon. "D-Decks?" Gulat kong sambit. "What are you doing here? And how did you entered my room?"
Tinaasan niya ako ng kilay habang itinagilid nang bahagya ang ulo.
"Maybe you're still dreaming." At iginala saglit ang mata sa paligid. "Take a look around and tell me if I'm the one who's in the wrong place."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero sinunod ko siya. At doon ko nga napagtanto kung anong ibig niyang sabihin. This isn't my room. This isn't my room so where the fuck am I?
"What the heck?!" Malakas na ang boses ko. "Where am I? Did you bring me here? Why did you bring me here?! At pano tayo naging magkasama ngayon?!" Sunod sunod kong tanong sa kanya.
"Try to remember it." Tila naghahamong sagot niya sa akin.
Pinilit kong alalahanin ang lahat at ang huli kong natatandaan ay ang pagsusuka ko bago ako nawalan ng malay.
"I remember we were drinking at the bar and then I felt my head spinning so I ended throwing up." Paglalahad ko ng mga nasa isip nang biglang may sumingit sa aking alaala.
You're one stubborn bride, Little Miss.
Napatakip akong bigla ng bibig dahil sa pagkabigla at kaagad napatingin din sa kanya na ngayon ay may multo ng ngiti sa labi.
"I guess you remembered." Aniya habang nakataas ang isang kilay.
"But that's impossible, you weren't there. You weren't real. You're just a figure of my not-so-creative imagination!" I am still pushing what I believe.
"Really?" Sabay tayo mula sa kinauupuan niyang silya malapit sa may bintana. "Do you think this is just a dream?" Pagkatapos ay tinuro pa niya ako. "You, lying on my bed was just a part of your not-so-creative imagination, huh?"
Gusto kong lumubog sa kinahihigaan ko dahil sa hiya. Wala akong maisip na isasagot dahil sa totoo lang ay lutang pa din ang utak ko sa mga totoong nangyari.
"Kung totoo nga ang huli kong naalala, ibig sabihin andun ka din sa bar?" Pinipilit ko nang intindihin ang mga pangyayari. "At kung andun ka, bakit mo ako inuwi sa bahay mo?" Nagtataka kasi talaga ako eh.
Nagkibit siya ng balikat.
"Simply because I don't know where you live."
"Right." Tanging nasagot ko kasi may punto siya.
"So, why were you so wasted last night?" Tanong niya sabay pinagkrus ang mga kamay sa harapan ng dibdib habang nakatayo sa may paanan ng kama kaya nakita kong nag-flex ang mga muscles niya sa buong braso. "Was that your bridal shower? Despedida de Soltera? Did you had fun?" May pang-aasar sa tono niya na para bang natutuwa.
Tumaas ang kilay ko dahil naasar ako sa paraan ng pagtanong niya at sa mismong tanong niya.
"Bridal shower?!" Ulit ko gamit ang sarcastic na tono. "May bridal shower bang hindi masaya at nag-iiyakan? May bridal shower bang nagpapakalunod sa alak habang patuloy sa pag-iyak?" Tila naman nagbago ang itsura niya at napalitan ang masayang mukha ng kalituhan. "We were not happy last night, Decks. We were there not to celebrate but to mourn." our broken hearts if I may add, pero di ko na ginawa. "Pare-pareho lang kaming may mga pinagdadaanang magkakaibigan kaya naisipan naming uminom."
BINABASA MO ANG
This Time, it's Forever
Aktuelle Literatur"Yes, I still love him. There is no point in denying it now. I never stopped loving him and if the only way to be with him is to do this deal with him, then I am willing to risk it all. I will marry him."