CHAPTER 48: BOMBA

34 3 0
                                    

Habang pinagpipira-piraso nila ang tumumbang tuyong puno. Napansin ni Fred na may kung anung kakaibang bagay ang nakasilid sa loob ng puno kaya naman kinuha nya ito at ipinakita sa mga kasamahan nito.

Fred: "Hoy!! Mga pre!!! May nakita ako dito!!

Agad namang nilapitan nila Arman at Marcel ang sinasabing bagay.

Arman: "Anu na naman ba yan ha? Fred."

Fred: "Tingnan mo Arman! Ang laking bakal nito oh! Oblong oh!! Ilang kilo kaya maibebenta ko sa magbabakal kaya nito?"

Marcel: "Hay....parang hindi na naman maganda ang pakiramdam ko jan sa hawak nya.

Tuwang-tuwa si Fred dahil kikita sya ng malaking halaga sa sinasabi nyang bakal na ibebenta nya sa junkshop. Napansin naman nang magbayaw na parang korteng bomba noong World War 2 ang bagay na hawak ni Fred.

Kaya naman si Marcel, agad nang sinabihan ang mga anak na uuwi na sila.

Marcel: "Bayaw!! Ayokong ilagay pa sa peligro ang mga anak ko dahil lang sa kasama ko si Fred. Kaya naman aalis na kami. Mabuti pa Arman, iwan mo na yan taong yan dito."

Arman: "Bayaw!! Gusto ko man sana iwan yan, pero, dadalhin naman ng konsensya ko kung matuluyan yan dito dahil sa katangahan nya. Mas mabuti pa na mauna na kayo ng mga anak mo at babantayan ko tong si Fred."

Marcel: "Sige bayaw! Mag-iingat kayong dalawa. At ligtas sana kayong makauwi."

Umalis na sa naturang gubat si Marcel, kasama ang dalawang anak niya at bumaba na ng bundok dala ang ilang kahoy na gagawin nilang uling.

Habang si Arman naman ay naiwan para kumbinsihin si Fred na iwan na lang ang naturang bagay na nahanap niya.

Arman: "Pre!! Mas mabuti na iwan na lang natin yan dito."

Fred: "Pre!! Napakalaking halaga nito kapag ibenenta ko to sa magbabakal kaya dapat ibenta natin to."

Hindi nagpapigil si Fred na ibenta ang nahanap nyang bakal, kaya nagmadali syang bumaba papunta sa junkshop sa ibaba lamang ng bundok. Agad naman syang sinundan ni Arman.

Pagdating sa junkshop, naibenta na agad ni Fred ang oblong na bagay sa magbabakal kung saan kumita sya ng 2000 sa bakal na dala niya.

Nakahinga na ng maluwag si Arman nang wala na sa kamay ni Fred ang delikadong bakal na dala nito at sila'y sabay ng umuwi.

Habang pauwi na ang dalawa, inakala ng mga magbabakal na naloko nila si Fred.

Magbabakal 1: "Akala siguro ni Fred ordinaryong mabigat na bakal lang ang dala nya. Alam mo ba pare, ginto ang laman nito at naloko natin sya!! Hahaha!!!"

Magbabakal 2: "Oo nga pare!! Kawawa naman sya. Pero dahil jan, yayaman na tayo!! Buksan mo na pre nang makita na natin laman nyan."

Magbabakal 1: "Sige pare!!

Nang dumikit ang apoy ng Acetylene torch sa bakal ay bigla itong sumabog.

Arman: "Fred, may narinig kabang sumabog?

Fred: "Pre!! Baka sumabog na naman yung transformer ng poste ng kuryente sa kabilang barangay."

Arman: "Grabe naman! Kung ganun, brown-out na naman sa atin."

At nagpatuloy ng naglakad ang dalawa pauwi sa kanilang nayon.

Himala namang nabuhay pa ang mga magbabakal na nagbukas sa bakal na nalaman nilang isa pala itong bomba.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon