Chapter 33

328 12 33
                                    

"Pag-balik natin sa Pilippines after our vacation here ay isang linggo na lang ang natitirang araw para sa contract and I can't wait the final output of our resort" sabi ni Dwyane habang tanaw namin ang Palacio de Cibeles mula sa labas.

"Yeah" I shrugged. Kitang-kita namin ang magandang structure, a beautiful piece of Spanish architecture dahil sa mga magagandang designs nito it was super amazing in the eyes. 

Dalawang linggo na ang nakalipas simula noong gabing 'yon. Tama ang naging desisyon ko sa buhay umalis ako para makalayo sa gulo at mag karoon ng katahimikan sa aking sarili at gano'n din sa kapaligiran.

Simula noon naging tahimik na ang buhay ko at wala ng gumugulo. Kaming dalawa lang ni Dwyane ang mag-kasama sa araw-araw. Sa bahay ng pamilya ng mga Alvarez ako tumititra sa ngayon kasama si Dwyane at ang ilang mga kasambahay. 

Ang palagi lang naming ginagawa ay mag-punta kung saan-saan. Bibisitahin ko sana ang mga pinsan ko dito sa Españya kaso ang sasabihin ng mga 'yon ay busy sila kaya hindi na rin ako nag atubili na pumunta at saka ay wala sila rito sa Madrid. 

"Ang ganda 'no?" komento ko. 

"Oo" lumapit siya sa akin at kitang kita ko ang kaniyang magagandang mga mata. 

"I love you," he spoke. Pero ako ay nanatiling tahimik hindi ko pa rin kayang sabihin sa kaniya pabalik ang mga salitang 'yon. Para sa'kin ay sobrang halaga noon dahil hindi ko basta basta masabi.

Niyakap ko siya at amoy na amoy ko ang kaniyang pabango binaon ko ang mga mukha ko sa kaniyang didbdib. "You're clingy..." he chuckled. 

"Ano ba Nicolai! E'di 'wag!" kumalas ako sa yakap at sinamaan siya ng tingin. 

"I'm just joking, halika dito yayakapin kita" tawa niya at lumapit sa akin para yakapin ako. Napasimangot na lang ako dahil sa kalokohan din nito 'e. 

"Kamusta nga pala si Dylan?" I suddenly asked. 

"He's okay as far as I know. Gano'n pa 'rin" lumakas ang tawa niya at dahil do'n sinimangutan ko siya. Hindi kasi makausap ng tino kanina pa 'e, "Playboy pa rin ba?" sinakyan ko ang biro niya. 

"He's doing good. Natututo na and yet he is learning managing our business since he graduated naman na kaya tumutulong siya kay dad" sabi niya sa akin habang seryoso ang mga mukha. 

"Bakit ka serious?" biro ko. 

"Bakit ka serious?" he mocked at me. Tumawa kami parehas dahil sa mga kalokohan na aming iniisip. Parang tinatraydor ako ng aking sariling utak dahil kahit ayaw kong maalala ang mga memorya na nag papaalala sa kaniya ay bumabalik ng kusa. 

"Tara na nga, bumalik na tayo" nauna akong pumasok sa sasakyan namin. Buti ngayon ay hindi namin kasama si Gavin at kami lang dalawa kaya kontrol namin kung saan naming gusto pumunta. 

Ibang sasakyan dito sa Spain ang dala namin ngayon at hindi 'yung isang normal naming sinasakyan. Pumasok na din siya sa driver's seat at pinanadar ang makina ng kotse. Humarap siya sa akin "Saan tayo?" 

Tinaas ko ang aking mga balikat dahil halos lahat ata ng lugar dito sa Madrid ay napuntahan namin. Walang araw na hindi kami nag gala at nanatili sa bahay. 

"Ewan ko" walang pakialam kong sabi. 

"Let's bake pizza kaya?" mungkahi niya. 

"Pwede naman tayong bumili na lang, mag papakahirap pa ano ba 'yan?" taas kilay kong sambit. 

"You know para ma-enjoy lang natin? Let's give it a try wala naman sigurong masama doon" he insisted.

"Okay, basta hindi ako marunong..." inunahan ko na siya. Tumawa siya sa inakto ko kaya napairap ako. He's such a type of a bully one lagi niya akong inaasar pero kahit gano'n ay natatawa ako. 

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now