Rihanna's POV:
Ilang araw ang nagdaan at ganoon pa din ang pakikitungo ng mga kaklase namin kay Shane. Naaawa ako sa kaniya. Sa tuwing papasok siya ay palagi siyang binabato ng mga papel at palagi siyang pinaparinggan na mamatay tao. Minsan nang pumunta si Shane sa CR ay may inilagay na mannequin ang aking mga kaklase na pinangungunahan ni Faith at dinesenyuhan ng tulad ng kay Megan suot. Tinakot Nila si Shane at Doon ako naawa ng lubos, Kita Kasi sa mukha ni Shane na takot siya.
Ilang araw ang lumipas at ganoon pa rin sila kay Shane. Pati ako naaawa na. Si Gelo ang palaging nagtatanggol sa kaniya. Narito ako sa cafeteria at kumakain. Hinihintay kopa si Sabrina dahil o order pa daw siya.
Biglang pumasok si Shane sa Cafeteria. Dali dali namang tumayo sila Faith dala dala ang kanilang mga pagkain pagkatapos ay ibinuhos ito kay Shane. Awang awa na ako kaya kahit na hindi ako kumbinsido na inosente si Shane ay alam kong hindi siya nararapat na tratuhin ng ganito.
Agad akong tumayo para puntahan si Shane. Hindi ko pinapahalatang naaawa ako kaya seryoso akong lumapit sa kanila.
Agad kong inilayo si Shane kela Faith.
"Ano ba Faith Tama na sumosobra na kayo" Sabi ko ng seryoso ang mukha. Walang bahid ng takot ang mukha ni Shane. Parang wala siyang pakealam kung mamatay siya sa ginagawa Nila Faith Sa kaniya. Tss dapat pala hinayaan ko nalang to."Oh oh look who's where. Isang babaeng akala mo kung sino. Akala koba naiinis ka sa kaniya? Ikaw nga ang nagkumbinsi sa amin na siya ang may gawa ng lahat ng ito" sabi ni Faith.
"Pero hindi ito tama" halos sumigaw na ako sa panggigigil kay Faith.
"Gusto mo bang isali Kapa namin? Kakampi ka ni Shane? Bakit mamamatay tao ka din ba?" sabi ni Faith. Hindi ako nakapagsalita bagkus ay pumikit nalang ako sa galit. Ilang minuto nalang ay mukhang sasabog na ako. Gusto ko mang saktan siya ay Hindi maaari mas sasabihin lang nilang pumapatay din ako.
"Bakit Faith gusto mo bang mamatay na? Kung totoo nga ang sinasabi mong mamamatay tao ako pwes sige papatunayan ko sainyo ngayon na tama kayo at ikaw Faith ang gagawin kong patunay" seryosong sabi ni Shane. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi pa ako kumbinsido na inosente siya kaya pati ako ay kinilabutan sa sinabi niya.
Walang nakapag salita sa Grupo ni Faith. Si Faith ay seryosong nakatutok ang mga mata kay Shane.
"Ows talaga?" gigil na sabi ni Faith. Halata sa mukha niya ang takot sa sinabi ni Shane.
Tiningnan ko si Shane ngumisi siya ng nakakakilabot. Akmang sasampalin na sana ni Faith si Shane ng biglang dumating si Gelo.
"Anong ginagawa mo sa kaibigan ko?" seryosong tanong ni Gelo kay Faith. Napatitig si Gelo sa akin Pero umiling ako at sinabing Hindi ako kasali sa Grupo ni Faith.
"Oh andito na si Prince Charming HAHAHAHAHAHAHA ang Ganda ng Grupo niyo noh, Grupo ng mga mamamatay tao tss tss tss" sabi ni Faith at linabanan ang titig ni Gelo.
Grr bat pa kasi ako naawa Kay Shane ngayon tuloy ay nagmumukhang kasali na ako Sa Grupo Nila.
"Tara na girls, okay bye losers" Sabi ni Faith at diretsong naglakad kasama ang mga alipin niya tss.
Aalis na Sana ako ng biglang magsalita Si Shane.
"Bat moko tinulungan kanina? Akala koba galit ka sa akin? Akala koba na ang tingin mo rin sa akin ay mamamatay tao?" biglaang tanong niya. Maski ako ay nagulat sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita at tumitig lamang Sa kaniya. Oo inaamin Kung Hindi ako kumbinsido na Si Shane ang pumapatay. Hindi ako sigurado.
"Tinulungan kita kasi naaawa ako sayo yun lang" Sabi ko at naglakad na palayo sa kanila.
Pagkarating ko Sa table namin ay nandoon na Si Sabrina at kumakain.
"Bat ang tagal mo? Bat mo kausap sila Shane? Akala koba ayaw mo Sa kaniya?" tanong ni Sabrina. Hindi ko Alam Pero parang imbes na awayin Si Shane ay mas gusto kopa siyang tulungan.
"Wala kumain ka nalang" Sabi ko. Tiningnan ko sila Shane at nakita Kong nag uusap sila ni Gelo. Seryoso ang mukha ni Shane at Kung titingnan mo ay para siyang inosente at mabait.
Tiningnan ko si Gelo. Para siyang may tinatagong mga sikreto at kung papansinin ang pagiging maalaga Kay Shane ay sasabihin Kung may gusto siya dito. Tss pag ibig nga naman.
Natawa na Lang ako Sa mga naiisip ko. Tumunog na ang bell Kaya dali dali akong tumayo para pumunta Sa Cr.
"Sabrina Mauna kana Sa classroom may pupuntahan lamang ako" sabi ko at agad na tumayo.
"Bat Hindi ka kumain?" Tanong ni Sabrina Sa akin. Hindi naman ako ginugutom Kaya Kaya ko Ito. Hindi ko na siya sinagot at Dali dali akong tumayo para pumunta Sa Cr.
Gelo's POV:
Saktong uwian na at sakto ring nauna si Shane umuwi dahil masama raw ang pakiramdan niya kaya heto ako naglalakad papalabas ng gate. Nang nasa labasan na ako ng gate ay biglang may humila Sa akin at dinala ako sa may mga halaman na katabi nang gate.
Hindi ko inaasahang Makita si Rihanna dito.
"Bakit anong kailangan mo?" tanong ko. Hindi siya sumagot bagkus ay tintigan niya lamang ako.
"Kung wala kang kailangan aalis na ako" Sabi ko at akmang kinuha ang aking braso ngunit hinila niya Ito."Si Shane ba ang pumapatay?"tanong niya na ikinagulat ko.
Hindi ako nagsalita at tiningnan siya ng matalim.
"Tss Kung Hindi ka sasagot ay mas lalong mapapahamak ang kaibigan mo" Sabi niya.
"Anong pakealam mo Kung mapahamak siya?" tanong ko.
"Matutulungan kita, magtulungan tayo para mawala na ang problemang ito" Sabi niya. Hindi ko Alam Kung dapat ko ba siyang pagkatiwalaan o ano.May iniabot siya Sa aking isang papel.
"Bukas ng gabi sa Bahay namin mag usap usap tayo, tutulungan ko kayo. Nasa sainyo na iyan Kung pupunta kayo ni Shane" Sabi niya at diretsong naglakad papalayo sa akin.Eto naba? Eto naba ang sinasabi ng matanda na mga kaibigan na maaaring makatulong sa amin ni Shane?
-edina🖤