Isang balita ng babaeng nagpakamatay ang kalat ngayon sa siyudad. Usap usapang serial killer ang nagpakamatay. Marami ang nagbigay ng komento patungkol sa balitang ito. Marami ang nagsabing nararapat lamang ito sa kaniya dahil marami na rin siyang pinatay.
Pero sa lahat ng isyung nagkakalat patungkol sa babae walang sinuman ang nakaka alam ng totoo. Ang mga Pulis ay hindi naniniwala sa mga sinabi ng babae bago ito nawala.
Wala sa kanila ang nakaka alam ng katotohanan. Ang katotohanan na isa lamang biktima ang babae. Biktima ng paghihiganti. Paghihiganti dahil sa nakaraan.
Lahat sila ang tingin sa babae ay masama, mamatay Tao, serial killer at Kung ano ano pa, pero wala silang alam na ang babae ang lubos na nagdudusa sa lahat.
Siya ang nagdusa sa mga kasalanan ng mga magulang niya. Siya ang naghirap. Siya ang biktima sa lahat ng ito pero ang lumabas pa ay siya ang suspek.
Oo, Si Shane ang pumatay sa kaniyang mga magulang, mga kaklase, Pati na ang kaniyang guro at pusa ay pinatay niya. Pati na rin ang lalaking ilang taon niyang minahal ay nagawa Rin niyang patayin, Si Gelo.
Pero hindi Nila Alam na sa mga pangyayaring ito isang babaeng galing sa kanilang nakaraan ang may pakana. Ang babaeng naging karibal ng nanay niya sa tatay niya. Ang babaeng kumitil sa buhay Ng lahat gamit ang katawan ni Shane. Ang babaeng dahilan ng depresiyon na naramdaman ni Shane.
TAYO NGAYON AY MAGPA ALAM KAY ROSHANNE, ANG BABAENG BIKTIMA SA LAHAT NG KA DEMONYOHANG ITO.
@enamazing