FOURTY-FOUR

1K 19 0
                                    

Mommy at Eighteen
By: Jlessbiiiiim

Kinabukasan isinama kami ni Kenzie sa mansyon nila.

"Ano bang gagawin natin sa bahay n'yo? Eh, hindi naman namin kailangan dumalaw sa parents mo dahil nagkita lang kami kagabi. Alam mo kasi, Kenzie, mas gusto ko ngayon ang mag-stay sa bahay at matulog. Inaantok ako, Diyos ko naman, wala ako halos tulog dahil sa pag-tulong sa preparations para sa birthday ni Zaiah." Walang preno akong nag-maktol habang nasa loob ng kotse, binabaybay ang daan patungo sa bahay nila.

Inis na inis ako kay Kenzie ngayon ngunit nakuha lang niya ako pag-tawanan.

Nilingon ko siya para samaan ng tingin. Agad namang sumeryoso ang itsura niya. Inirapan ko siya saka nilingon si Zaiah na naka-upo sa likod. Kanina pa walang imik ang anak ko, at kaya naman pala ay dahil mahimbing na siyang natutulog sa likod. Kulang din siguro siya sa tulog.

I wanted to keep nagging Kenzie but I am afraid I might wake my sleeping daughter. Kaya nanahimik na lang ako hangang sa makarating kami sa bahay nila Kenzie.

Agad kaming sinalubong ng mommy ni Kenzie nang makapasok kami sa bahay.

"You're early than expected. Sit down," mahinhin na sabi ni Tita. "Ohh. Our dear Snow. Hi, baby." Nanggigil na pinisil ni Tita ang pisngi ni Zaiah na karga ni Kenzie.

Napahagikgik naman si Zaiah.

"Did you, guys, had breakfast already?" tanong ni Tita.

"Yes po. We ate before kamo pumunta rito. By the way po, why are we here? I mean, nagkita lang po tayo kagabi. Isasama n'yo po ba si Zaiah sa lakad n'yo?" magalang ngunit nagtataka kong tanong.

Mahinhin na ngumiti si Tita. "No, dear. We prepared a surprise for our little Snow. It's actually a birthday gift." Tumango-tango naman ako. "Part kasi ng bahay ang gift namin kay baby Snow." Nagawa pang tumawa ni Tita.

Bahagya akong ngumiti nang may kunot sa noo. Sa ganoong paraan ko ipinakita ang pagkalito ko.

"You'll see," ani Kenzie saka siya umupo para pantayan si Zaiah. "Baby, do like surprises?" Excited ang boses ni Kenzie.

Ilang beses na tumango si Zaiah bilang sagot.

"Okay. Let's go upstairs."

"Why?" naka-nguso na tanong ng anak ko.

"Because we prepared a surprise for you!" masiglang tugon ni Kenzie.

Nanlalaki naman ang mga mata ni Zaiah na parang shock na shock sa narinig sabay sabing, "A surprise? For me?" Nagtatalon pa siya sa tuwa while chanting "I have surprise!"

Pansin ko lang, sa lahat ng bagay na nakapagpapasaya sa kaniya, nagagawan niya ng chant, naturally.

Hinawakan ni Kenzie ang kamay ni Zaiah at sabay silang nagtatatalon paakyat sa taas. Palihim akong natawa dahil kay Kenzie. Tss. Nakikisabay talaga siya kay Zaiah. Lumalabas ang inner isip-bata attitude niya sa tuwing sasabayan niya si Zaiah.

"Hay. Ngayon ko lang nakikita ang ganiyang attitude ng panganay ko. May pagka-isip bata rin pala siyang itinatago," natatawang sabi ni Tita.

Natawa rin ako. "Oo nga po. Dati naman suplado po siya. Ngayon parang ibang Kenzie 'yong kasama namin."

"Napansin ko ang pagbabago sa kaniya magmula no'ng palagi na kayong nagkakasama."

Dahan-dahang napapihit ang ulo ko paharap kay Tita.

Mommy at Eighteen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon