Franz
My class for this morning just ended and i was walking along the hallway ng makatanggap ako ng tawag mula kay Kara. Nangingiti ko itong sinagot at huminto muna sa railings.
"Hey, babe."
Di na naman matigil itong ngiti ko ngayong kausap siya. Hanggang ngayon ay kinikilig parin talaga ako.
"Hi! Tapos na ba klase mo?" Ang lambing nong boses nya, napapakagat na tuloy ako sa labi ko.
Grabe lang talaga pagpipigil kong ngumiti baka kase pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante dito sa department namin. Kaloka!
"Yah, papunta na 'kong canteen ngayon. Bakit? Ikaw tapos na ba klase mo?"
"Opo." Napa'hmm' naman ako. "Pwede ka bang lumabas ng uni ngayon?" May pag-aalangan pang tanong nito kaya napaisip ako.
Mamayang alas tres pa iyong susunod na klase ko kaya okay lang na lumabas muna ako. Hmm? Makikipagkita kaya sya sakin? Kilig ako, mukhang namiss nya ako. Hihi.
"Pwede naman, mamayang three pa naman yung susunod kong klase eh. Why, babe? May kailangan ka ba?"
"Let's meet up. Dyan sa malapit na mall sa uni nyo." Dire-diretsong saad nya kaya napayuko ako.
Hahaha! Mukhang miss na nga nya ako.
Ehem! Makapakipot nga muna. Hoho
"Bakit, babe? May problema ba? May bibilhin ka ba?" Haay, mukha na akong loko-loko dito.
"No. I just wanna see you."
Natahimik ako agad. I wasn't able to say anything ng sabihin nya iyon.
Para akong natanga sa kinatatayoan ko habang hawak-hawak pa rin ang phone sa tenga ko.
"Yeess!!!"
Parang tanga akong napapayes sa hallway with a huge smile on my face.
Oh god!
Para akong kinikiliti sa kilig! Oh my, Kara. How could you do this to me. Natatanga na ako sa pinaparamdam mo sakin.
"Babe?"
"Baby! You still there?"
Napatikhim ako bago ulit nagsalita. Yung mukha ko ngalay na ngalay na kakangiti, putik talaga!
"Babe? Sorry, may nahulog lang ako." Narinig ko siyang napa 'oohh'. "So, uhm, kita na lang tayo sa mall? Ilalagay ko lang saglit sa locker itong mga gamit ko and i'll be there in a few."
"Okay... actually andito na ako, so i'll wait for you here?" I can sense from her voice na nakangiti na ito kaya hindi na magkamayaw ang tuwa ko.
Madali akong nagtungo sa locker ko at iniwan muna ang ibang gamit ko at kinuha na rin iyong pamalit ko na shirt at nagbihis. Buti na lang at naka black jeans lang ako ngayon at black rubber shoes kaya okay lang kung gagala ako ng nakaganito with my girl. But of course ay dala ko parin ang sling bag ko kung san nakasaklay ang aking uniform. Mabilis lang naman akong nakapuntang mall and i just got her text na magkita daw kami sa restaurant. When i got there ay agad ko syang nakita na nakatayo sa entrance and my lips didn't fail to put a smile on my face.
She was wearing a light pink sundress and a black wedge. Nakalugay lang iyong mahaba nyang buhok na nakakulot naman ang ends nito just like waves. When she saw me ay yung magandang ngiti agad nya ang bumati sakin. She's really beautiful as ever.

BINABASA MO ANG
Unspoken Feelings
ФанфикThis is a gxg super short story (girl to girl) ... Simpleng estorya. 😋 Dedicated po ito sa crush ko dati hahaha!