Kabanata 2:"Maiko..."
Hindi makapaniwala si Teagan na makikita niya ulit ang babae pagkalipas ng sampong taon. Hindi lang iyon, sa bahay pa ng ama niya.
Hindi kaagad niya naiproseso ang nangyayari.
Tumikhim ang babae saka tuluyan bumaba, walang gulat sa mukha nito
Hindi niya maiwasan hindi pasadahan ng tingin ang babae, she changed a lot.Nakasuot ito nang maluwag na dress pantulog na kulay pula kaya angat na angat ang maputing kutis, idagdag pa ang mahabang buhok.
Lihim siyang napalunok nang makalapit ito sa kanila.
"Nako, Mam. Wala pa po si Sir Benedict. Nga pala, si Sir Teagan po. Isa sa anak ni Sir Benedict, hindi ba nakita mo na si Reagan ang kakambal niya?" ani Manang Doris humarap ang matanda sa kanya. "Iho, si Mam Maiko, nobya ng ama mo."
Tumango si Maiko habang blanko ang mukha, dahan-dahan tumaas ang sulok ng labi ng babae.
"Oh, yeah. Akala ko kanina si Reagan siya. Anyways, nice to meet you. Your father told me a lot about you and your twin."
He clenched his jaw, Maiko is his father's bride-to-be?
Paanong nangyari iyon? Mas matanda lang siya ng isang taon kay Maiko, parang ama na nito ang ama niya. Anong nangyari?
What happened to the timid and vulnerable Maiko? Ibang-iba ang awra ng babaeng nasa harapan niya, puno ng awtoridad.
Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pintuan sa likuran niya, pumasok doon ang isang pamilyar na bata na tumatakbo. Dumeretsyo ang bata kay Maiko saka yumakap sa beywang.
"Mama! Binili namin si Tigan ng bagong collar! Kumain din kami ni Daddy sa labas tapos nagpunta kami sa park!" masayang pahayag ng bata.
Nagtama ang mata nila ni Maiko bago bumaba ang tingin nito sa bata. "Really?" Hinalikan nito sa noo ang bata. "Amoy pawis ka na, umakyat ka na muna sa kwarto mo at maglinis ka ng katawan. Tatawagin na lang kita kapag kakain na okay?" mahinanong sabi ni Maiko sa anak.
Parang may kumurot sa puso niya habang nakatingin sa bata, nagtama ang mata nila. Tumabingi ang ulo nito animong kinikilala siya, ilang segundo ang lumipas ay tinuro siya ng bata.
"Oh! Si Kuyang mabait! Mama nakita ko siya kanina!"
Napakurap-kurap si Maiko bago tumango. "Hmm, sige mamaya mo ikwento kay Mama. Akyat ka na muna."
Hindi niya magawang maialis ang tingin sa bata, anak ni Maiko? Kanino? How old is he?
"M-Maiko is he our—"
Hindi na natuloy ni Teagan ang sasabihin nang may tumapik sa balikat niya, kaagad siyang napalingon sa kanyang ama na malawak ang ngiti.
"Son! I didn't know that you will visit me!"
Hindi pa siya nagalit sa ama niya, simula noon lagi niya itong iniintindi kahit lagi nitong kaaway ang kakambal niya noon. Lagi siya ang taga-awat at nasa gitna ng dalawa.
Pero ngayon, parang gusto niyang sapakin ang ama lalo na noong lumapit ito kay Maiko at umakbay. Nakaramdam siya ng matinding inis para sa sariling ama.
"Daddy what's the meaning of this?" Hindi maiwasan ni Teagan ang matabang na tono.
Sinamaan niya ng tingin ang kamay ng ama sa braso ng dalaga, at talagang sa harapan pa niya?
May sinabi ang ama niya sa babae bago ito tumango, parehas na umalis at pumasok sa kusina si Maiko at si Manang Doris. Sinundan niya ng tingin ang babae hanggang tuluyan makapasok sa kusina.
"Let's talk, anak."
***
Umigting ang panga ni Teagan habang nakaupo sa harapan ng ama, kasalukuyan silang nasa opisina nito sa bahay.
"What do you mean magpapakasal kayo?" Sa ilalim ng lamesa ay nakakuyom na ang kanyang kamay, handa ng manuntok.
Mas lumawak ang ngiti ng ama saka umayos ng upo sa swivel chair nito.
"Bakit naman hindi? Teagan."
"Kakakilala niyo lang, Daddy. Katulad ng sinabi mo, limang buwan pa lang kayong magkakilala. How about Mom?"
Malakas na bumuntonghininga ang ama. "You know that I loved your mom, alam mo kung gaano ko kamahal ang mama mo kahit wala na siya kaya nga ang tagal kong hindi naghanap ng iba. Pero anak, iba 'to. Iba si Maiko."
He can feel it, he want to burst his anger. Gusto niyang sigawan ang ama at sabihin ditong hindi pwede pero ayaw rin niyang saktan ang magulang lalo't ito na lang ang magulang nila. Alam niya ang pinagdaanan ng ama sa lumipas na taon, hindi niya maku-kwestiyon iyon dahil alam niyang naging mabuti itong ama.
"Dad, she has a s-son."
"Tristan is our son," mabilis na sabi ng ama.
Hindi makapaniwalang napatitig siya sa ama ng ilang segundo. No fucking way.
Kaya ba kamuka ng bata ang ama niya? Ang mata ni Tristan ay kamukha ng sa Daddy niya, hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng inggit at galit. Inggit dahil umaasa siya kaninang sa kanya ang bata, baka sa kanya iyon, galit dahil hindi niya alam na ganito.
"S-Sayo Daddy? How sure are you? Ilan taon na ba ang bata?"
Tumabingi ang ama animong may nakakatawa, may kinuha ito sa drawer saka inilapag sa harapan niya.
"One hundred percent sure, that's our DNA test. Nagkakilala na kami noon ni Maiko, I got her pregnant. Hindi ko alam, siguro nga para kami sa isa't isa kasi pinagtagpo ulit kami anak."
Gusto niyang masuka sa mga salitang sinasabi ng ama, hindi naman ganito ang Daddy niya. At lalong hindi ganito si Maiko, hindi gano'n klaseng babae si Maiko, naging kasintahan niya ito ng isang taon kaya alam niya.
Parang may dumukot sa puso niya nang buksan ang folder na inilapag ng ama.
Positive iyon.
Pumukaw sa atensyon niya ang edad ni Tristan. He's eight, magni-nine pa lang, kung sa kanya ang bata dapat ay nine na ito at magte-ten. Ibig sabihin, isang taon pagkahiwalay nila ay nagkakilala ang dalawa?
"Alam na ba 'to ni Reagan?" mahinang sabi niya saka isinara ang folder.
Mabilis tumango ang ama.
"Oo naman, nagkita na sila. Anika likes my Maiko." Nagpantig ang tainga niya sa sinabi ng ama kaunti na lang sasabog na ang galit na namumuo sa dibdib niya. "Para na silang magbestfriend, tinuturuan nga ni Anika si Maiko ng mga dapat gawin lalo't buntis."
"What did you say?" seryosong aniya, nakalimutan na ang ama ang kausap.
Lumawak ang ngiti ng ama.
"Maiko is five months pregnant."
***
BINABASA MO ANG
SDSS 5: Greed
General FictionSEVEN DEADLY SINS SERIES 5: 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐃 After Maiko's parent death, she decided to live on her own and not rely to her other relatives. Everything is fine. She's a working student and she has a sweet and responsible boyfriend - Teagan Flavier. Destin...