SPECIAL CHAPTER ONE

74 5 1
                                    

Shan's POV

"Ano aatras ka na naman? Duwag ka."

"Kaya mo yan Mikael isa lang naman ang sasabihin mo eh, gusto kita yun lang. Hindi yun mahirap!"

"Sir?"

Agad akong napalingon sa paligid.

Nyeta nilakasan ko ba pagkakasabi nun? Walangya naman kasi eh. Kalalaki kong tao kinakabahan ako.

"Sir eto na po ang ice cream niyo."

"Salamat po."

From the side of the railings, I saw the most beautiful girl in the world.

Huminga muna ako ng malalim bago
lumapit sa kaniiya.

"Grabe ang haba ng pila."

Napangiti ako nang muli kong masilayan ang napakalawak na ngiti niya nang kinuha niya sa akin ang ice cream. Ang babaw talaga ng kaligayahan niya.

Naglalakad na kami ngayon papunta ng sakayan. I don't think I can take this long anymore. Panahon na para malaman niya ang totoo kong nararamdaman.

"Alaska" I called her.

"Oh bakit?"

"I... I wanna-"

Napahinto ako nang bigla siyang nagsalita.

"B-bakit?"

"Alam mo bang pinagkamalan nila tayong magjowa kanina. Sabi ko naman sa kanila na best friend lang kita."

"Talaga?" Blangkong sabi ko.

"Oo." Tumawa siya. "Magjowa daw, imposible kaya diba?"

"Ah o-oo naman yuck. Ako papatol sayo e di ka nga naliligo."

Pareho kaming tumawang dalawa. Hanggang sa naihatid ko siya ay hindi ko nasabi ang gusto kong sabihin sa kaniya.

Palagi na lang ganito.

Sa loob ng 14 years na pagkakaibigan namin, imposible bang mangyari na maglevel up ang relasyon namin?

I don't think I can handle this alone anymore. Especially when she likes someone else.









Nandito ako ngayon malapit sa hardin kung saan nandun si Alaska kasama ang maputlang inchik na karibal ko.

Pasimple lang akong sumusulyap sa kanila habang kunwari ay napapadaan sa lugar.

"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh."

Kinakabahan akong napalingon sa nagsalita pero nakahinga rin ng maluwag dahil si Francesca lang pala ito.

"Ano nagsisisi ka na ba?"

"Tss nagsisisi saan? Wala naman akong kasalanan." Sabi ko at aalis na sana ngunit pinigilan niya ako.

"Nagsisisi kang hindi mo maamin sa kaniya ang totoo."

Agad akong napaiwas ng tingin.

"Sa hula ko pagkatapos ng review nilang yan manliligaw na yang si Julian. Magpapatalo ka ba? Unahan mo na bago pa mangyari yun. Wala namang masama kung subukan mo diba?"

Napaisip ako sa sinabi ni Francesca. Muli ay nilingon ko silang dalawa bago tuluyang umalis.

I should really not waste time or otherwise I'll lose my girl.







Project: I Love You (Academic Strand Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon