Bungisngis

36 0 0
                                    

Subject: Malikhaing Pagsulat
Balele Integrated High School, Tanauan City, Batangas

Pantasya
Isinulat ni: Richard Precilla Veralde

Tauhan:
Flora Dela Fuente, 52 taong gulang, Ina
Carlos Dela Fuente, 57 taong gulang, Ama
Marikar Dela Fuente, 24 taong gulang, anak ng mag-asawang Flora at Carlos
Athena Ramos, 13 na taong gulang, ampon ng mag asawang Flora at Carlos.

Tagpuan: Sa isang bayan sa Lipa, Batangas. Nasa siyudad.
Kasalukuyang panahon.

"Anaaaakkk! Bangon kana, tayo'y mahuhuli na sa misa" Sambit ni Madam Flora.
Carlos : Athena, ineng! Pakikuha mo nga ang sinturon ko doon sa pinagsabitan ko noong isang gabi.

Marikar : Dad! Hindi naman ako komportable sa ganitong sandalyas, bilhan mo na kasi ako ng bago e! (pa-inarteng sambit nito)
Flora : Wag kang mag alala, mamaya dadaan tayo sa SM at mamili kana don.

Carlos : Athena! Nasaan na pinapakuha ko.
Athena : Hindi ko po makita. Saan po ba dito? (pahiyaw nitong sabi, dahil nasa loob sya ng isang silid)

(Pumanhik si Don Carlos sa silid na kinaroroonan ni Athena)

Carlos : Ito oh, hindi mo ga nakita na dito ko lamang ito sinabit nung nagbihis ako. Hay nako.
Athena : Pasensya na po kayo, madilim po kasi non. Uuna na po ako sa labas, madami pa po akong tatapusing ligpitin.

Flora : Ano na bang ginagawa mo dyan, Mahal? Daig mo pang babae kung magbihis. Kanina pa tayo inaantay doon.

--

Nagtungo ang mag-anak sa kapilya na madalas nilang pagdausan tuwing Linggo.

Habang abala ang batang si Athena sa pagliligpit ng pinaghigaan nila, tuwang tuwa naman ang iba pa nyang kasama sa bahay dahil sa angking sipag at sinop ng batang si Athena. Magiliw ito at palangiti, hindi marunong magalit at mapagkumbaba. Walang araw na hindi nakabungisngis ang batang ito.

Manang Tessie : Athena, sipag mo ah.
Athena : Wala lang po ito sakin. Nagpapalaki po ako ng katawan e. (Pabirong sabi nito)
Manang Tessie : Hindi kaba nangangalay sa kakangiti mo mag hapon? Nakakatuwa ka naman pag masdan.
Athena : Pano yung natutuwa? (Pag bibiro nito)

*Nagtawanan ang lahat*

Masayang masaya ang muka ng bata, mula sa pagkagising sa umaga hanggang bago matulog sa gabi. Animo'y walang pinagdadaanan.

Ang batang si Athena ay tunay namang kagiliw-giliw at nakakaaliw. Mabuti at magalang siyang bata sa kabila ng mundong kanyang kinamulatan.

*Flashback*

Wiw-wiw-wiw-wiw-wiw-wiw-wiw

"May mga parak! Takbo!!" Pasigaw na sabi ni Bert

Naldo: Inay, kayo na po muna bahala kay Nene. (Athena na kasalukuyang 5 taong gulang pa lamang)

Inay: Ha? Anak? Wala akong maintindihan ano bang pinagsasabe mo, bakit ka balisa?

Naldo: Tsaka ko nalang sasabihin at ipapaliwanag ang lahat 'nay. Mag iingat po kayo.
- at nagmadali na itong umalis.

Isang taon at kalahati ang lumipas, wala padin Naldo'ng nagpaparamdam. Masama ang kutob ni Aling Cora (Ina ni Naldo) sa kung anong nangyayare. Bali-balita pa nito, ay nahuli ng pulis ang kaibigan ni Naldo na si Bert. Ngunit wala siyang ideya sa kung anong dahilan.

--

Athena: Nanay! Andito na po ako. Alam nyo po, mababait po mga ka eskwela ko 'nay. Napaka saya po sa paaralan at lubos na nakakatuwa po makasama sila. Nanay, ito na po yata yung pinaka masayang araw na dumating sakin. Tingnan nyo po oh, may tatak po ako sa kamay.
(Pinakita)

Inay: Aba! oo nga no. Napakahusay naman ng apo kong ito. Siguro'y naging mahusay ka sa klase ano?

Athena: Opo nay! Padamihan po kasi kame ng tatak e, bibigyan daw po kame ng sokoleyt pag lagi kaming ganon.

Inay: Oh sya sya, pumanhik kana sa taas upang magbihis at tapusin mo na din ang iyong mga takdang aralin.

-- Ika-pitong kaarawan ni Athena.

Inay: Naldo, bakit mo naman ilalayo saken ang apo ko? Di ba pwedeng dito nalang sya at ang ina nalang nya ang dumito?

Naldo: Inay, kailangan ko po lumayo. Babalik din po kami. Pangako.

Inay: Hindi anak, ipaintindi mo sakin. Saka ako papayag. Masaya ako na andito si Nene.

Naldo: Oras na yata upang sabihin ko na sa inyo. May ipagtatapat po ako. Noong panahon na wala akong maipagatas kay Nene, humingi ako ng tulong kay Niko at Bert na pwedeng raket. Di ko inasahan na mapapasok ako sa ganong transaksyon. Wala akong magawa 'nay. Anak ko ang may kailangan.

Inay: (umiiyak) Bakit anak? Bakit hindi mo saken sinabe? Magagawan naman naten ng paraan yon. Madaming magandang oportunidad kumpara don.

Naldo: Anong oportunidad? Alam nyo naman Inay na elementarya lang natapos ko, hindi ba? Wala akong ibang pwede pagkakitaan.

(Sa kabila ng hagulgol ng Inay'y patuloy na umalis si Naldo, kasama si Athena at itinira sa Batangas)

Lucy: Atina, aba'y ikaw naman e magkikilos. Dalaga na e, wala ng ibang ginawa kunde mag ten twenti e. Ikaw ba ga naman bata ka e di napapahiya na dadatnan pa ng ama mo areng pinagkainan pa naten kanina? Aba'y tigas na ang kanen sa plato. Ako na naman ang nasesermunan diyan. Kayo itong katatamad.

Athena: Sandali lamang po nay, patapos na po kami.

- Si Lucy ang ina ni Athena ngunit dahil sa Lola lumaki ang bata, hindi ito malapit sa kanyang ina.

Lucy: Naldo, Mahal? Pwede pa ga akong makahiram muna sa iyo ng kahit pitong libo, ipangbabayad ko lang kay Aling Trining, nakakuha na naman ako ng limang kilong bigas kahapon. Abay ako naman e napapahiya, kada-daan ko dun e, nagtitinginan saken.

Naldo: Nakikita mong wala ngang pera ang tao e, ikaw ga e papaputangin ko don kung meron naman pambayad?

Lucy: Balita ko nag sabong kayo e, maige sana kung nananalo ka, lahat nalang ng pera nasa sugal mo, sa bisyo. Wala ka ng naisusulit sakin.

Naldo: Sulit sulit nalalaman mo. Maisusulit wala pero isasauli meron. Sa nanay mo. Dyan kana nga, babarek pa kame kina Pareng Juswa.

Lucy: Kainamang ulaga. Nakakaiyamot ang pag uugali. Sya kaya ang isauli ko. Di yan makakahalik saken mamaya (Sa isip nito)

- Kinabukasan.

Athena: Mama, sa Maynila po napunta akong school kada umaga. Wala ga po school dito?

Lucy: Ano gagawen mo sa school, humingi ka sa tatay mo ng miske isang daan, kamo e may babayaran laang ako. Wag mo sasabihin na pang tong its ha! Malilintikan ka saken.

Ganon na lamang ang takbo ng buhay ni Athena mula nung kinuha sya ng kanyang Ama sa pudar ng kanyang maamong Lola.

Isang umaga...

PantasyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon