Chapter 5

4 1 0
                                    

Chapter 5

Jared Elliot's POV

"Prim. Paano ka niligawan ni Isaac?"

Tanong ko rito habang nag papractice kami ng linya sa performance task sa English.

Ipapalabas ito next week sa harap ng buong department kasama nadin ang college department.

Tumabi ito saakin at kumunot ang noo.

Siya ang lagi kong nakaka partner kapag may mga groupings sa school at ngayon naman kami ang gaganap bilang Romeo at Juliet sa harap ng madaming tao.

Nung una, aaminin kong naiilang ako sakaniya.

Nawala 'yon habang tumatagal na kasama ko siya.

"Anong tanong yan?"

Ibinalik niya ang tingin sa pag babasa ng script at hindi sinagot ang tanong ko.

"Just asking. Curious lang."

Ani ko ulit habang tinitignan siya sa kanyang ginagawa. 

Magaan ang loob ko sakaniya wala kasi siyang arte at bukod pa don, may sense siya kausap.

Siguro narin dahil parati ko siyang nakaka sama at nakaka partner kaya ganito kadali ang makipag usap sakaniya?

Ewan. Basta magaan siya kasama.

"Kailan ka pa na-curious sa relasyon, Ja?"

"Ngayon?"

Nahihiya kong sabi.

Teka nga, bakit ako nahihiya? Ganon ba 'ko katorpe?

Badtrip naman oh.

Bigla niya akong hinampas ng hawak niyang script at sinimulan akong ituro.

Gulat na gulat siya sa pag amin ko.

"May girlfriend ka na? Sino!?"

"Sssh. Liligawan palang."

"Sino? Uy! Ang daya naman nito."

Nag dalawang isip pa ako kung sasabihin ko sakaniya.

"Secret muna."

Secret muna dahil madaldal ka, Prim.

"Anong secret!? Hindi nga ako nag sisekreto sayo tapos ikaw mag sesekreto saakin!"

Nag tatampo na sabi nito.

 Hinampas muli ako ng paper script na hawak niya.

Ganyan talaga siya.

Mahilig manakit.

Tama siya, hindi nga siya nag sesekreto saakin at alam ko ang lahat ng tungkol sakanya at sa mga problema nila ni Isaac.

"Tsaka na, kapag kami na."

"Eh pano pag hindi naging kayo?"

"Edi hindi mo malalaman."

Natatawa kong sinabi na may halong kaba.

Huwag naman sana niya akong bastedin.

May dahilan ba siya para bastedin ako?

"Tss. Alam mo ba kung anong mga gusto niya?"

"Ikaw, alam mo ba?"

Nadulas ako duon.

Baka mapaisip siyang ang best friend niya ang tinutukoy ko.

"Paano ko malalaman eh hindi ko nga siya kilala. Sino ba?"

Buti nalang slow ka, Prim. Salamat!

"Basta. You'll know."

"Fine! Corny mo talaga. Ganito, tanungin mo muna kung pwede bang manligaw. Baka naman kasi hindi ka niya type? Sayang lang effort mo."

A Second To Infinity (Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon