Napakamot ulo naman akong lumabas sa kwarto ko. Sobrang antok paako gusto kopang matulog pero hindi maari kailangan kopang puntahan yung bakery. Sisiguraduhin kong makakapasok ako doon. Ang hirap kaya mag apply ng iba nanamang trabaho tapos wala pang kasiguraduhan na matatanggap ako. At syaka bibisitahin korin si Query namimis kona kasi yung gagang yun. Sana naman maayos na yung lagay nya.
"Tita Jolly!" sigaw ko at agad na dinambahan sya ng yakap.
"Nandito kana pala kailan kapa nakarating?" tanong ko.
"Kaninang madaling araw palang. May pasalubong ako sa inyo." sabi nya at kinuha yung malaking bag na dala nya.
Excited naman sila Keisha at Cony.
"Ano po yung pasalubong nyo saamin tita? sana naman tita yung iphone phone saakin!" excited na sabi ni Keisha.
"Tumigil ka nga Keisha. Anong akala mo kay tita nag abroad." pigil ko dito napanguso nalang ito.
"Akin naman tita kahit computer lang ayos nako doon." napangiwi naman ako sa sinabi ni Cony. Tong batang to!
"Ehh bakit kakasya ba diyan sa bag yung computer Cony. Isa kapa eh." napakamot ulo nalang ito. Namamawis pa yung mukha nya.
"Ito naman si ate hindi na mabiro!" nakangusong sabi nya.
Aysus biro raw!"Iwan ko sayo Cony."
"Ohh ito sayo." nang ning ning naman ang mukha ni Cony. Dahil sa bola ng basketball.
"Wow astig thankyou tita." sabi ni Cony at umalis. Sigurado na ipapagyayabang nanaman ni Cony sa barkada nya yun.
"Ohh ito naman sayo." bigay ni Tita na malaking box.
"Nako tita mag pro-propose ka saakin?" takang tanong ni Keisha. Kaya nakatanggap sya ng batok kay tita.
"Gagang bata ka! lalagyan yan ng cellphone!"
"Uwahh cellphone to tita?" kinuha naman nya ito at nag tatalon. Agad agad niyang binuksan.
"Wow!" pero agad ring nalukot dahil hindi yun Iphone.
"Pero salamat parin tita kahit hindi Iphone at least touch creen at mukhang hindi naman mumurahin."
"Gaga hindi naman talaga yan mumurahin!" si tita.
"Ang saakin tita?"
"Mamaya na, nasa kwarto kopa." napabusangot naman ako minsan talaga si Tita unfair.
"Halina kayo kumain na tayo!" rinig kong sigaw ni nanay sa kusina.
Tumayo naman si tita.
"Sassy puntahan mo nayung kapatid mo kakain na." sabi ni nanay saakin napakamot ulo naman ako.
"Ikaw na Keisha," ani ko kay Keisha na busy kaka cellphone.
"Ehh bakit ako? ikaw yung inutusan ni nanay eh." maktol nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin. Madala ka sa tingin!
"Ayy nako hindi yan oobra saakin ate." iling iling na sabi nya at umalis. Napapadyak nalang ako sa inis.
Kung hindi kolang yun kapatid baka na sipa ko nayun!"Busit ka talaga!" inis na bulyaw ko at lumabas.
Baka nasa gym si Cony kasama mga kaibigan nya. Umagang umaga nag lalaro ng basketball.
"Oyy Sassy! Mukhang nanaba ka ata ahh!" napairap naman ako nandito nanaman kasi yung mga mababansot.
"Ano bang pakialam mo Purka! eh ikaw naman kunting hangin nalang lilipad kana." sumama naman ang tingin nito saakin.
YOU ARE READING
MR. Billionaire got me pregnant
Sonstiges"Panagutan mo ako!" yan agad ang unang lumabas sa bibig nya. she's Sassy Morene Wenson pangalan lang ang mayaman sakanya. pero hindi talaga siya mayaman wala rin siyang pernimenting trabaho. kaya naman napilitan siyang pumasok sa club para maging d...