Prologue

169 6 3
                                    

Kiesha

"Okey, that would be - 50 pesos" the cashier said.

"Ahm, can you charge it to my account. Please?" I answered back. The cashier type something on the screen.

"It says here you don't have enough credits left." Napataas iyong kilay ko. Napalunok ako ng ma-alala na hindi pa pala nahulugan iyong accounts ko.

"Oh, I'm sorry." Nilagay ko iyong tray sa tabi at umupo sa malayong lamesa sa loob ng canteen.

It is already past 12:00 noon and I am hungry. Nagugutom na ako kaso wala na man akong cash pambili maging iyong account ko wala ng laman. I was ready to stand. When someone place a food in my table.

"Here." Napa-angat ako ng tingin sa taong naglagay ng pagkain sa lamesa ko. Ngumiti siya sa akin at tinuro ang pagkain. "Eat up. Malapit ng matapos ang lunch break natin," she said with full of sincerity.

I smiled back.

"Thank you," I said and eat the food. Dahil sa sobrang gutom hindi pa lumipad ang thirty minutes na ubos ko na ang binigay niya sa aking isang slice ng pizza at yakult.

"You must be really hungry." I smiled at him after finishing the food.

"Gutom na gutom na talaga ako, eh." She smiled back at me and extend her hand.

"Aubrey, by the way," he said still smiling.

"Kiesha."

"Kiesha Aragon?" Nagulat pa ako dahil kilala niya ako. "Well you're a little bit famous in Engineering Department." ngumiti nalang ako sa kaniya.

Matapos kong kumain sabay kaming tumayo ni Aubrey at naglakad palabas sa canteen. Total first day pa naman ng pasukan kaya hindi masyadong hectic ang schedule namin.

" Dito na ako, Kiesh. "Pa-alam niya sa akin habang nakaturo sa kaliwang hallway. HM Department kasi siya habang ako naman paliko sa right which is patungong Agriculture." Nice meeting you by the way. I'll go ahead. "

Nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad papuntang Department namin. Hindi naman papasok ang mga professors namin ngayon at hinihingi lang nila sa amin na alamin kung saan ang mga rooms namin.

Uwian na ng ma-alala ko na kailangan ko palang lagyan yung account ko. Nakalimutan siguro ni nanay. Tiningnan ko ang laman ng aking wallet. Nakapag-ipon naman ako nung bakasyon dahil sa nakuha Kong sweldo sa pagtatrabaho sa rancho ng mga Yap. Mabilis akong naglakad papuntang office. Hindi naman masyadong mahirap ang ganun kaya madali lang ako natapos.

Quarter to five na ng makalabas ako ng campus. Nilakad ko lang ang pagitan ng school namin at bahay. Pagkarating ko dun agad kong nakita si nanay at tatay na sa tingin ko kararating lang din galing sa rancho.

Simula na mamulat ako sa mundo. Ang pagtatrabaho sa rancho na ang kinagisnan naming hanap buhay. Si nanay at tatay ang magtatatlopong taon ng nagtatrabaho sa rancho ng mga Yap. Ang mga Yap ang pinakamayaman na mamamayan dito sa bayan. Sa lawak ng ka ilang lupain. Nangangailangan na sila ng maraming trabahador. Meron rancho, sakahan, tubuhan at maging kuprasan.

Isa lang anak nila Don Ricardo Yap at iyon si Senor Arkhi Yap. Na ngayon ang nag-iisang namamahala ng buong lupain ng mga Yap simula ng pumanaw si Don Ricardo at maaga namang namatay ang kaniyang asawa. Hindi ko na ata naabutan yun dahil sa aga nitong linisan ang mundo. Mababait naman ang mga Yap sa kanilang mga trabahador lalo na si Senior Arkhi.

Minsan ko ng nakita si Senior Arkhi at masasabi ko lang na ang bait niyang tao at pogi pa.

"Nay, tay!" tawag ko sa kanila habang naglalakad papasok. Sabay silang lumingon sa gawi ko ngumiti ng sobrang tamis.

Mayor's Daughter Series 2: MISSING LOVE (Completed) Where stories live. Discover now