Chapter 3

115 9 4
                                    

Tara na?"

Pagkalabas pa lang namin sa classroom ay agad na akong inakbayan ni Vengiel. Matalim ko siyang tinignan para itago ang paghuhuramento ng puso ko.

Ramdam ko kung paano kami tignan ng mga kapwa namin estudyadente kaya kahit labag sa loob ko ay tinanggal ko na ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko.

Nanlalaki ang mga mata niyang makita kung paano ko hawakan ang kamay niya at ibaba.

"What?" I raised my eyebrow. He's looking at me with perspicuous amusement in his eyes!

Tumingin siya sa kamay kong nakahawak pa pala sa kamay niya. Agad ko itong binitawan.

"Yuck, pasmado." Sabi ko na lang pero hindi niya 'yon pinansin.

"Hindi mo naman sinabing mas gusto mo pa lang magka- holding hands tayo."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Sira!" I glared at him to hide my blushing face because I know for sure, it's heating up again! Good thing I'm wearing my cheek tint. Shit.

He grinned but I know deep within than silly smile, he's supressing himself to guffaw. Inirapan ko na lang siya at mabilis na naglakad.

"Doon ang hagdanan, uy." Hinawakan niya ang braso ko

Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lang ako sa paglalakad. Narinig ko ang mahina niyang mga tawa.

"Bumanat lang ako, wala ka na sa direksyon."He chuckled like he couldn't believe he said that.

"Tangina."

Humawak siya sa kanyang buhok at mahina itong ginulo.

"Ba't ka ba kasi nandito?"

"I'm going to pee." Itinuro ko ang nasa malapit na restroom for girls. "Puntahan mo na sina Riox. Hintayin niyo na lang ako sa guard house."

"I'll wait you here."

"Venge..."

"Umuulan sa labas." Sa sinabi niyang 'yon ay parang doon ko lang napansin ang munting bagsak ng ulan sa bubong ng building.

"Ano naman?"

"Wala kang taga payong."

As if I needed one? It's just drizzle!

"Wala akong dalang payong."

"May payong ako."He said with finality. Sa tono niya ay parang gagawin niya ang lahat para pumayag lang ako.

Gusto kong matawa sa sarili ko. Kung patuloy na gaganito si Venge, hindi ko alam kung hanggang saan kalalim ang ilulunod ko.

"Fine—"

"Lancelot?"

Sabay kaming napalingon ni Venge sa tumawag sa kanya gamit ang kanyang second name. Gusto ko pa kaninang matawa dahil ayaw na ayaw ni Venge ang matawag gamit ang pangalan na 'yon ngunit nang nakitang si Gabby ito ay biglang nawala ang boses ko.

"Gabby..." He flashed his famous smirk that could dazed every girl he'll direct it with.

Naglakad na ako para pumunta sa restroom. I even heard Vengiel calling my name ngunit hindi ko na siya nilingon. Nang makarating sa may pinto ay bigla itong bumukas at iniluwa doon si Marga.

Her pretty winged eyeliner was the first one that I noticed. Mapula ang mga labi niya at sobrang straight rin ng kanyang buhok. Mas matangkad ito ng kunti sa akin dahil mas angat ang kanyang heels.

"Vengiel?" Kumunot ang noo niya nang makita ang nasa likod ko.

Nilingon ko si Venge at nasa tabi pa niya ngayon si Gabby. Napanguso ako at pinigilan ang sarili para hindi matawa. Venge doesn't look nervous though, but he's looking at me like he's warning me not to say something stupid!

His Hand Over MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon