We were at our last round of drinks na sana nang mamataan ni Kyla yung mga dating kabanda niya na papasok sa beer garden. Isang babae at tatlong lalake. Tinext niya agad ang isa dito na agad namang nagpalinga-linga at kumaway sa amin nang mamataan si Kyla na nakataas ang kamay. Agad nitong lumapit sa table namin kasama ang tatlo pa nitong kasama.
"Ky, long time no see!" Tuwang-tuwang sabi nito at agad nakipag-half hug kay Kyla. Sumunod din naman ang tatlo nitong kasama.
"Hahaha. Oo nga eh, taena ka buhay ka pa pala," nakatawang sagot ni Kyla dito.
"Syempre naman pota masamang damo yata 'to," sagot naman nito at tinawag ang dumaang waiter para humingi ng menu. "Okay lang ba maki-join sa inyo?" Dugtong nito sabay tingin sa akin.
"Sure," sagot ko naman at tipid na ngumiti.
Dumating na ang waiter at agad na pumili ng oorderin.
"Oh, by the way, guys, this is Nari. She's my partner in crime," pakilala ni Kyla sa akin. "Nari, this is Hans, drummer ng Eclipse." Ngising-ngising nakipagkamay sa akin 'yung guy na nakausap ni Kyla. Matangkad ito, nasa 5"5 yung height. Mestisuhin din, ayos ang looks.
"Di mo naman ako sinabihang may kaibigan ka palang chikas." Aaaandd, okay mukhang may pagka-playboy yata. Ekis. Haha.
Awkward akong ngumiti sa kanya at binawi ang kamay ko na hawak niya pa rin.
"Ina ka, Hans, wag bestfriend ko," tawang-tawang tinampal ni Kyla ang braso ni Hans, na napahimas naman dito.
"Brutal mo talaga, nakikipagkilala lang eh."
Isa-isa namang tinuro ni Kyla ang iba pa naming kasama sa table. "And this is Gavin, bassist. Red, guitarist. And Yssa, their vocalist." Nakipagkamay din sa akin ang tatlo.
Dumating na ang inorder nilang Redhorse, sisig, at squid rings at nagpadagdag naman kami ni Kyla ng isa pang bucket ng San Mig Light. Chicken skin na din since paubos na ang pinupulutan naming inihaw kanina.
Dating bokalista ng indie band na Eclipse si Kyla, pero napagpasyahan niyang mag-quit two years ago 'nung muntik na siyang di maka-graduate 'nung last year niya sa college dahil sa tambak na INCs. Palibhasa kasi hindi masyadong marunong mag-manage ng time. Dakilang antukin pa kaya madalas absent sa klase kapag may gig sila the night before. Their friendship remained, though, at madalas pa ring manood si Kyla ng gigs nila kapag natityempo sa day-off niya sa trabaho.
"So, what brings you here? Di naman kayo madalas napapadpad dito, ah," tanong ni Kyla kay Red.
"Well, nag-recording kasi kami kanina diyan sa may Sinag Studios. Okay naman na, waiting na lang sa final output so, ayun dumaan kami dito to celebrate," sagot naman nito, pagkatapos inumin ang beer na nasa baso. "Eh, ikaw, taga-Cubao ka, ah. Ba't ka nadayo dito? Ang ligalig mo talaga." Dugtong nito.
"Tanga. Ligalig ka dyan. De ano, kakalipat lang kasi ni Nari dyan sa bago nyang apartment. Tinulungan ko maghakot ng gamit kaya ito nang suhol niya sa akin. Di'ba, chi?" Namumungay ang mata nito at nagpapa-cute na ngumiti sa akin.
"Asa ka, ambagan tayo dito," nakangising sagot ko naman habang pinapapak ang hawak kong chicken skin.
"Bakeeeeet? Di mo na ba ako love?" Eksaherada naman itong nag-pout sa akin.
"Iinom mo na lang 'yan, kinikilabutan ako sayo," natatawa ko namang saad sabay bukas ng isa pang bote ng San Mig para sa kanya.
"Yan! Yan, tama yan, Nari. Wag kang papadala sa pagpapakamukhang itik nyan, scammer yan eh," saad ni Red, na naniningkit ang mata sa kakatawa. Pinakyuhan naman sya ni Kyla.
BINABASA MO ANG
Free Falls and Second Chances
Fiction généraleTamang pag-ibig, maling panahon. Pag napagbigyan ba ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan nina Nari at Gio, magiging tama pa rin kaya na mahalin nila ang isa't-isa? At paano ba nila malalaman kung tama na ang panahon kung tila mali pa rin ang m...