Akala ko hindi na kami magkikita pa pero nang malaman ko kung saan siya mag-aaral ay nagpalipat ako. Tyempo na may scholar ako kaya naging maayos ang pasok sa eskwelahan nila. Lumibot ako at inalam kung ano na nga ba siya. Marami akong nakilala na sobrang crush siya kahit maldita. Hindi ko aakalain na magiging magkaklase kami.
Marami akong sinusulat na mga tula para sa kaniya. Matagal na kasi akong may gusto sa kaniya ngunit hindi ko masabi ng diretso. Sinulat ko sa bawat papel ang nais kong sabihin sa kaniya nang malaman kong magiging kaklase ko siya. Unang araw ng klase, hindi ko na maalis ang mata ko sa kaniya, gano'n pa rin ang hatak ng mata at mukha niya sa akin. Nahuhulog pa rin ako.
Nang mapansin niya, alam kong ito na 'yon. Tyansa ko na para mapalapit muli sa kaniya. Hindi ko sinabi kung sino ako, natatakot ako na baka layuan niya ako muli kung malaman niya kung sino ako.
"Point out ko lang spelling ng name ko."
"Omg! Sorry. I will change it na lang later. I'm sorry." Sabay aligaga niya sa pagbura ng pangalan ko.
"It's okay. You better be careful on writing someone's name, baka kasi hindi ako ma-identify. Be aware."
Hindi ko alam pero mukhang nainis siya sa sinabi ko noong umalis ako ng classroom. That's my way na mapansin niya ako.
Nang sinundan ko sila, naririnig ko ang rants ni Kristina patungkol sa akin. Nakakatawa, siguro hindi lang 'yan ang masasabi niya sa akin kung nagpakilala ako sa kaniya bilang childhood friend/secret admirer niya.
"May gusto ka kay Ms. Aquino no?" Pansin ng isang babae.
Napangiti lang ako at patuloy sa pagtingin sa kaniya.
"Akong bahala sa'yo, cutie boy. Mapapansin ka ni Ms. Aquino. Akin na 'yang mga cards mo."
Nakita ko na lamang na habang natutuwa ang girls sa mga sulat ko, si Kristina ay napatingin na sa akin.
Pinipilit ko siyang kuhanin ang cards ko, at magmukhang mahangin para makuha ko ang loob niya. At dahil do'n nakuha ko nga muli ang loob niya.
Nakasama ko siya sa mga kulitan na tipong madalas ko siyang naasar. Gusto ko siyang naasar lagi kasi ang cute niyang magalit haha.
"Bakit mo tinawag na Kristina si Love?" Pagtataka ni Teresa habang nasa labas kami ng clinic nang matamaan si Kristina ng bola ni Alvin.
"Ano? Uhmm. Syempre, Kristina Love. hehe"
"Hindi naman kayo close para tawagin siya niyan, madalas family niya at..." Biglang napahinto si Teresa. "Yong childhood first crush or love niya!"
Bigla na lamang ako nagulat sa sinabi niya.
First crush? So naging first crush, first love ako ni Kristina? Wow! Compatible hahah.
Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko pero masaya ako sa nalaman ko. Naging close kami ni Teresa simula no'n at nakasama ko siya sa mga gimik ko noon. Madalas kasing bawal si Kristina lumabas.
Naging masaya naman lahat sa pagitan ko at pamilya ni Kris. Except sa tita niya.
"Alam mo ba ang pinapasok mo, bata?"
"Mahal ko po ang pamangkin niyo."
"Herbert. Isipin mo nga, ano ka ba? Ano ba si Kris? Hindi kayo para sa isa't isa. Paiiyakin mo lang si Kris palagi dahil sa sandamakmak na problemang maidadala mo sa kaniya sa pagiging mahirap mo. Hindi mo ba naisip 'yon?"
Simula nang ma-encounter ko ang tita niya. Hindi ko na alam kung bakit pinili kong sundin siya. Mahal ko si Kris, but I don't want to see her suffering because of me. Umiiyak pa nga lang siya parang dinudurog na ang puso ko. Ako pa kaya ang maging dahilan.
BINABASA MO ANG
Love Me Till The End (Complete)
FanfictionKristina Love Aquino. A successful woman, well-known as the Queen of All Media of the Philippines and a great mother to her two sons. However, when her love life fails many times, she decides to not entertain anybody and concentrate on her work, unt...