PANG-ANIM

5 0 0
                                    

"Ako to" aniya, sa boses palang alam ko na si martin ang nasa kabilang linya.

"Kumain ka na ba?" Malambing nyang tanong.

"Oo" sagot ko habang nilagay ko sya sa speaker mode para mabasa ang mga nag chat sakin.

"Hmm, nabasa mo ba ung note doon sa binigay ko sayo?"

"Hindi, binigay ko sa kuya ko ung bulaklak ks may date sya ngayon." Walang emosyon na tugon ko. At binuksan ang chat sa group chat namin nila Claudette at denise.

Nakita ko agad ang mga pictures na kasama ko si martin! Un ang kinarga nya ako sa balikat nya. At ang pag sakay ko sa kanyan sasakayan.

Denise: eto ba ang dahilan kya di moko pinatapos komopya sayo kanina?!

Claudette: O.M.G! What iz the meaning of this?!

Denise: hello?! Paging Audery Lagatchin? Buhay kapa? Ano to? Walang ya ka?

Claudette: infairness naman girl ang gara ng sasakayan!

Denise: wala akong pake! Ang akin bakt di nya ako pinatapos pakopyahin kanina. Langya!

And so on and so forth. Ganon ang mga chat nila denise at Claudette. Tungkol sa mga pictures namin at ang hinanakit ni denise sakin.

Nag bukas din ako ng iba pang mga filter message at halos tinatanong nila kung kami ba ni martin.
Binuksan ko din ang aking facebook account at kita ko na kalat ang mga pictures namin. May mga nag tag pa sakin regarding sa mga pictures. O.M.G lagot ako nito pagnakita ni papa at mama ang mga ito. Ano na gagawin ko?!

"What the hell!" Bulalas ko.

"Bakit? Anong nangyari?" Alalang tanong nya. Halos makalimutan ko na nasa kabilang linya pla si martin.

"Nakita mo ba ung mga pictures natin?! Kalat na kalat un sa facebook!

"Oo bakit? Wala naman problema doon." Kalamadong sagot nya.

"Sayo wala! Sakin meron!" Halos pasigaw ko na sabihin un. Pero ayaw ko gumawa ng eksena sa bahay.

"Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko kung makita nila un?! Kasasabi ko lang na walang nanliligaw sakin sa school. Tapos ito makikita nila?! Mag mumukha akong sinungaling!" Sobrang frustrated na sagot ko.

"Ah! Oo nga pla strick pala si papa..wag kana mag alala ako na bahala sa mga yan. Bukas or mamaya wala na ang mga yan." Aniya.

"Ano sabi mo?! Papa? Bat alam ko na strick ang papa ko? At ang kapal mo para maki-papa ka! Hoy lalaki! Hindi kita asawa wag kang feeling!" Inis na sabi ko.

"Wag kang didikit sakin sa school simula bukas. Lumayo layo ka sakin baka di kita matantsya at masaktan kita. Nag kakaintindihan ba tayo?" Dagdag ko.

"Sagot?!" Sigaw ko ng di sya sumasagot.

"Opo" alangan sagot nya. At binaba ko na ang tawag nya.

Imbis na mahimbing ako matutulog ngayon, natulog pa akong may konsimisyon sa buhay. Nakakainis talaga.

Muli kong tinignan ang aking facebook at Inisa isa kong nag hide nga mga tag pictures namin. Halos mangalay ang aking daliri kaka pindot sa hide in timeline ang mga naka-tag sakin. Nang matapos ko ito ay may kumatok sa pintuan ko.

Tatlong beses itong kumatok,Ngunit di ako kumibo.
Jusko! Sinu un? Nakita na ba nila? Abot abat ang kaba na nararamdman ko sa pag katot sa aking pintuan..kumatok ulit sya ng tatlong beses.

"Auds? Gising ka pa?" Aniya at si kuya tristan ang nasa pinto.

Napawi ang kaba ko. Kaya pinag buksan ko sya.

"Bakit kuya?" Bungad ko ng pag bukas ng pinto.

"Binasa ko nyan." Sabay abaot sakin ng note at halatang binuksan na ito.

"Hindi ko na sasabihin to kay papa, ks alam ko na babastedin mo sya. Diba?" Seryosong tanong nya.

"Oo na basted na sya."

"Good. Pag nangulit sabihin mo sakin. Ako na ang bahal." Aniya saka lumabas na ng kwarto.

At binasa ko na ung note. Please, give me a chance. Let me love you.

Seryoso ba talaga to? Hayy bahala na. Tulog nako. May pasok pa ako bukas. Nilagay ko nalng sa drawer ang kanyang letter at nahiga na ako sa kama para makatulog.

"Goodmorning sa pinaka magandang babae sa balat ng section natin." Natatawang bati ni Denise sakin ng pag pasok ko sa classroom.

"Oh titignan nyo ung dinadaanan nyo baka maapakan nyo buhok nya." Pang gagataong pa ni Claudette.

Napailing nalang ako sakanila. At natawa na rin.
"Mga baliw!" Natatawang sambit ko.

Naramdman ko ang pag vibrate ng aking cellphone. Nakita ko ang text message galing kay sunny.

"Auds, sabay tayong mag lunch. Ung tayo lang dalawa."

Agad akong nag reply.

"Okey. Sige. Saan?"

"Sa usual na kinakainan natin." Agad syang nag reply.

"Okey sige.Muli kong reply at pinindot ang send.

"Sino yan?" Bigla akong napatalon sa tanong. Di ko namalayan na nasa likod ko pla si martin, kya pla na nahimik ang mga bruha.

Agad akong umatras at tinago ang aking cellphone sa aking bulsa.

"Paki mo?" Matapang na sagot ko.

Pinanliitan nya ako ng mata at bagyang ngumisi ng nakaka loko.

Ewan ko ba? Bakit sa tuwing nakikita ko syang ngumingisi ng ganya. Ang lakas ng dating nya, kht di naman sya ganoon ka gwapo bigla syang nagiging gwapo. Tsk!

"Ikw lang ang sumasagot sakin nyan." Aniya

Ngayon ko lang din na pansin ang proma nya. Hindi sya mukhang matinong studyante. Mukha syang gangster. May inner white shirt sya pero bukas naman ang white polo nya. Hindi sya naka black shoes, kundi naka rubber shoes sya. May mga naka sabit sa  lagayan ng sintoron ng kanyang black pants na di ko mawari kung anong chain. At higit sa lahat may hikaw sya sa kanyang kaliwang tenga.

"E ano ngayon?" Mas kalamadong sagot ko saka umupo na sa aking pwesto.

Agad naman nya akong sinundan, na pinag takahan ko.

"Ginagawa mo?" Iritang sabi ko.

Umupo sya aking tabi. "Tinatabihan kita." Simpleng sagot nya.

"Para saan? Atska may naka upo na jan."

"Para alam nilang akin ka." Aniya.

"Huh? Ano sabi mo?" Di ko alam kung mandidiri ba ako o kikiligin sa ginagawa nya.

"Binabakuran lang kita." Simpleng sagot nya.

Dahilan para mapataas ang isang kilay ko. Hinarapan ko sya.

"Ano ka aso? Teretorial?"

Napabaling sya sa aking gawi. At ngumisi.

"Aso? Di ko pa alam. Pero ung teretorial oo at sayo lang ako magiging ganito."  Seryosong sambit nya.

dahilan para manahimik nalang ako dahil wala ng pag asa ang isang to. Nakaka tuyo pa ng dugo. I give up. Ayaw ko ng ganitong kausap. Hindi sya kapanipaniwala.

"Malala ka na. Pagamot ka na." Tanging na sabi ko.

At sakong dumating din ang aming guro sa first subject.






heartbeatsWhere stories live. Discover now