Chapter 2

564 52 1
                                    

Nasisiyahan na pinagmamasdan ni Prinsesa Sanya ang mga kaibigan niyang uwak. Isang uri ng ibon na hindi iisipin ninuman na magiging malapit siya sa ganoon klaseng ibon.

Hindi nga ba ang uwak na siyang nagpapaalala sa kanya sa nangangalang Azam?

Hindi man literal na magkamukha. Ito ang mga ibon na siyang sumisimbolo sa katauhan ng lalaki.

Madilim.

Mapanganib.

Isang babala ngunit may pusong handang umibig.

Ipinatong niya ang baba sa braso niya habang ang isa naman ay may nakalagay na pagkain para sa mga kaibigan niyang uwak. Tuwing umaga at bagong magdilim ay binibisita siya ng mga ito para sa pagkain.

Mabuti pa ang mga ito palagi siya binibisita samantala ang bampirang iyun..

Agad na winaksi niya ang umuusbong na hinanakit at pagkadismaya para sa lalaki iyun.

Dalawang dekada na ang lumipas ng huli sila nito magkita pero ni minsan ay hindi man lang nito naisipan na silipin siya.

Malaya naman ito makakabalik sa Womanland mula sa mundo ng mga tao.

Tsk. Marahil nakalimutan na siya nito o di naman kaya ay may bago na itong babae pinagtutuunan ng atensyon. Maraming magagandang babae sa mundo ng mga tao.

"Bakit nakasimangot ang aming prinsesa?"

Agad na napalingon siya sa may-ari ng boses na iyun.

"Lola,"usal niya ng malingunan ang Mahal na Reyna.

Lumipas ang dekada mga taon nanatiling bata ang napakaganda ng Reyna. Isang nakakamanghang pisikal na anyo ng mga tulad nilang bampira.

Matamis ang ngiti sa mga labi nito na lumapit sa kanya at masuyong hinaplos ang nakalugay niyang mahabang buhok na kasing itim ng gabi na aabot hanggang sa beywang niya.

"Iba-iba ang nakikita kong emosyon sa maganda mong mukha kapag nandirito ang mga kaibigan mo,"saad nito.

Bumaling ang mga mata niya sa mga uwak na nag-aagawan sa pagkain na nilagay niya sa makintab na sahig. Papalubog na ang araw ng mga oras na iyun.

"Kung nais mo siya makita. Bakit hindi ikaw mismo ang magpunta sa kanya?"

Agad na napabaling siya sa Reyna na may matamis pa rin ngiti sa mga labi nito.

"Ano po ang ibig niyong sabihin,Lola?"

Hinaplos nito ang kasingputi ng porselas ang balat niya sa pisngi. Tumataas-baba ang mahahaba at makurba niyang mga pilik-mata.

"Batid ko ang kalungkutan at pangungulila mo sa bampirang iyun,"masuyo nitong sabi.

Nagbaba siya ng paningin. Hindi niya nanaisin na makita nito ang tinatago at pilit na kinukubling mga emosyon na iyun para sa lalaking tinutukoy nito.

"Mahal na prinsesa,"untag nito sa kanya at marahan na iniangat ang kanyang mukha upang magtama ang kanila mga mata.

"Isa po akong prinsesa at...hindi po ako maghahabol sa kanya,"mariin niyang sabi.

Tumango-tango ang Reyna. "Alam ko,Mahal na Prinsesa. Minsan wala naman mawawala kung tayo naman ang maghahabol sa kanila,"anang ng Reyna.

Nanlalaki ang mga mata na napalingon siya sa Reyna na kinatawa nito sa naging reaksyon niya.

"Mahal na Reyna!"

Isang malakas na tawa ang kumawala sa Reyna ng makita ang panghihiklabot niya.

May mga tagasilbi na napasilip sa kanila dahil sa lakas na pagtawa ng Reyna. Ultimo mga uwak ay napalipad sa lakas ng ingay na gumambala sa panghihinain ng mga ito.

My Beloved Sanya byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon