Chapter 79 : The Secrets

23 2 2
                                    

Morgan's POV.

Bumalik na nga kami ni Vincent sa Villa para kunin ang ibang gamit ni Andres sa room.

Kinulit ako nila kuya na sumama sa pamumundok para naman daw malibang ako at marelax. Actually nag-volunteer na nga silang mag-alaga sa anak ko basta sumama lang daw ako ee. Kaya para hindi na lang mag-tampo si Zai at Caiden, sumama na lang ako para naman hindi ako lumabas na patay ligaya sa kanila.

"Nag-usap----daw kayo ni Kenzo?" Tanong nang chismosang  si Patch sa akin n humarang sa akin sa may pinto, oo lasing na sya kaya naman dumistansya ako sa kanya.

"Paano mo nalaman ee kararating lang namin?" Kunot-noo kung tanong then ngumiti sya ng nakakaloko.

"Pareho kaya kayong biglang nawala at hindi na nakabalik, nag-alala tuloy kami. But naisip na din namin na baka nag-usap lang kayo" Pag-sabat naman ng Kuya Landon ko then inakbayan nya si Patch.

"Ahh so kami ang topic nyo habang wala kami. Kaya pala dumating si Vincent ee" suplada kung sagot then pilyang ngumiti ng nakakaloko sabay bumulong sa akin si Patch.

"Yang torpeng trying hard pretending fiancee mo kasi, masyadong over protective, porket may nangyari lang sa inyo, grabe kung manbakod sayo." naitulak ko sya that time. Ang bastos kasi ng bibig ee.

"Tigilan mo na nga ako Patricia. Ilang besis ko bang sasabihin sayong walang nangyari sa amin ni Vincent. Lasing ako pero alam ko ang mga pinaggagawa ko. At hindi ganung klasing tao si Vincent. May respeto sya sa akin at pinapahalagahan nya ang pagkakaibigan namin at ang pagkakaibigan nila ni Simon" straight to the point kung sagot then hinampas nya ako.

"Alam mo ang bitter mo pa din. Sobra ka, anu bang ayaw mo kay Vincent?. Gusto sya ng anak mo, okay naman sya sa pamilya mo, sa kanyakami boto. He is the right one for you,  he is an ideal father for your son, at very good looking guy, bagay na bagay kayo ahh, completepackage na sya ahh!?" pangungulit ni Patch then huminga ako ng malalim.

"Ako na naman ang topic dito. Please Patch, okay na ako at ng anak ko, hindi ko kailangan ng tatayong ama para sa kanya at lalong hindi ko kailangan ng sakit sa ulo" direct to the point kung sagot sa kanya then sumersyoso ang mukha nyang tumingin sa akin.

"My--- GOD--- Morgan pareho kaya kayong obvious ni Kenzo, kaya nga galit na galit at selos na selos pa rin sayo si Irex sayo diba?" Sabi nya then hindi agad ako sumagot.

"Patch baka mapikon si Morgan,  punta na lang tayo sa Room." Pag-aya ni Kuya dahil nahalata nyang naiinis na ako.

Huminga ng malalim si Patch then tumango to kaya naman binuhat na sya ni Kuya.

-----------

Hallway....

Halos pasado ala una  na ng madaling araw. May mga mangilan-ngilan pang tao sa labas ng kanilang mga villas at mga cattages.

Sa kakamadali kung maglakad nalaglag ko yung susi ng room ko.

Buhangin pa naman ang kinalaglagan ng susi ko kaya naman kinapa-kapa ko to dahil wala akong phone noon para gamiting pang-ilaw.

Pagkadampot na pagkadampot ko nang susi, saka ko naman nakita si Irex, kaya bigla akong yumuko para hindi nya ako makita oh napansin man lang. Laking pasalamat ko nya dahil medyo madilim talaga sa kinaroroonan ko, nakapag-kubli ako.

Slowmotion...

"Baka may makakita sa atin dito?" Tanong nya then talagang yumuko lang ako dahil ayokong makita na magkasama sila ni Kenzo.

"Wala na nang mga tao dito ohh" naulinigan kung iba ang boses ng lalaking sumagot sa kanya kaya naman dahan-dahan at pasimple talaga akong tumingin sa kanila.

Unwanted Status (7RWIS-book2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon