Chapter 9

109 89 3
                                    

a/n: Typographical error ahead

______________________________________

Chapter 9: Start Anew

DAYA'S POV

Pinagbuksan agad ako ni manong guard ng gate ng matanaw niya ang kotse ko. It made me smile atleast kasi kahit papano kilala niya pa din ang kotse ko. Mag-iisang buwan na kasi akong di dumadalaw sa bahay ng parents ko.

Nadatna ko si Elay na nagpupunas sa sala kaya agad ko siyang nilapitan. "Nandyan ba sila Dad Elay?"

"Wala nam-MA'AM DAYA!" kala mo naman. nakakita ng multo si Elay."Na-napa -da dalaw ka po Ma'am ?" Utal-utal niyang sabi. She then keep looking around. kala mo may hinahanap.

"Okay ka lang?"

"Ah-eh o-opo . A-alis na ko ma'am mag-maglilinis lang ako sa ku-kusina" Saka siya kumaripas ng lakad.

Nagkibit-balikat na lang ako. Nasa kalagitnaan na ko ng hallway ng bahay ng makarinig ako ng kaloskos sa kwarto ni kambal . Di naman na ako nagulat ng marinig akong kaloskos dun dahil sa nakita ko na naman siya kahapon so, why brother di ba?

I keep thinking kung nasaan lahat ng mga photo albums then , I remember may roon palang certainly place kung saan nila nilalagay lahat. Its in my dad's study room. Di lang puro libro ang nakalagay sa book shelves dun dahil karamihal dun puro photo albums lahat. Na ni minsan di ko nagawang buklatin dahil sa lokaret kong ina.

Bababa pa sana na ako para kunin ang susi sa study table ni dad pero naalala ko di pala niya madalas e lock yun dahil kadalasan si Mommy ang nagbabantay dun. Halos araw-araw ba naman siyang nagbabantay diyan wag lang akong nakapasok.

The books arrange in alphabetical order pero sa bawat pagitan ng mga libro nakatago ang mga photo albums.

I took the first one. Yung mga barbies ang book cover. I Start scanning the pages. Para lang akong bumalik sa pagkabata. Sa bawat larawan ay may naka lagay na date sa baba nun. September 18 year **** , 9:23 pm. Araw kung kailan kami pinanganak ni kambal. Our first ever day on earth.

May mga larawang nakahiga kami ni kambal, umiiyak habang pinapatahan kami ni mommy.

Maraming damdaming pinapaalala ang bawat litrato pero wala ni isang alaala akong naaalala.

May mga larawan ding kasama namin si Allan pero sa larawan nerd siya dito, bugnutin at palaging di nakatingin sa kamera.

Para lang akong nanonood ng pelikula , mula sa pagkabata ng bida hanggang sa magdalaga siya. Isang pelikulang ako nga ang bida pero di ko alam ang storya. Isang bidang sumasabay sa kung anong gawin ng mga kasamagan niya, bidang akala mo di nag e exist dahil sa walang patutunguhan.

Ang ganda na sana e. Ang ganda na sanang manood ng pelikula pero ang masama di mo alam kung pano o saan nagsimula ang storya. Para kang manonood sana sa sine pero ang tanging naabutan mo na lang ay ang kalagitnaang parte ng pelikula. Nakakagulo , wala man lang kahit anong clue kung bakit.

Nasa pangatlong photo album na ko , kung saan nakunan ang ilang bahagi ng High School life namin ni kambal pero hanggang ngayon palaisipan parin sakin kung pano at saan to nangyari.

Nanatili ako sa ganoong posisyon ng Ilang oras , patuloy na nagbubulat pero kahit anong gawin ko para lang akong tumitingin sa salaming di ko man lang makita ang aking repleksyon.

Di pamilyar sakin ang lahat. Kaya wala ding saysay ang patuloy kong pagbuklat.

Tanghali na ng maisipan kong bumaba at bumungad sakin ang pigura ng lalaking di ko kilala.

The forgotten moments (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon