Anika ended up winning the Grade 8 level. At least that much is expected, anyways. May nanalo na rin sa Grade 7 at Grade 9, all that's left to complete the roster for the finals is me.
Kumaway ako sa mga sumisigaw para sa akin sa taas. Everyone is wearing maroon shirts because it's Grade 10 day, and I took advantage of that by wearing a boxer costume, in the color maroon.
Kaya ang iilang mga taga-suporta ng mga kalaban ko ay nagmistulang sa akin ang suporta dahil sa kulay ng mga suot nila.
Even without doing anything, majority of everyone here roots for me. Puro mukha ko ang nakikita ko sa mga nakasabit na tarpaulin, sa mga banner na hawak nila, mayroon pa ngang malalaking letra ng pangalan ko.
I didn't have to give it my all. Nanalo ako agad. It was already a given that I'd win, no questions asked.
And no, it is not unfair. I know that my opponents tried, but I've been trying all my life. It took me years of experience to get to this level.
I deserve the credit for all the years I've spent in perfecting this field. I deserve to be praised for the process I went through, for this to be as easy as it is for me today.
Ayaw kong kuwestiyonin iyon dahil iiyak ako.
"Water, Gem?" alok ni Kuya Gael. Tinanggap ko ang tumbler na hawak niya.
His shoulders are occupied with my towels and some of my other stuff. Assistant ko siya ngayon at mukhang wala naman siyang reklamo.
Hinubad ko ang sash na nakasabit sa katawan ko at inabot iyon kay Kuya Gavin. Pati ang bouquet at trophy ay kinuha niya na rin mula sa akin.
Only my brothers are here. Nag-absent pa sila sa klase nila para lang suportahan ako dito kahit ilang beses kong sinabi na hindi naman kailangan.
Sana ay gumaya na lang sila kay Mommy na sa finals lang manonood. Iyon lang naman ang kahit papano'y importante.
"Lumi!" dinig kong tawag sa akin. My mood suddenly became a lot better when I saw Nikolai jogging towards me.
May hawak pa siyang malaking handwritten banner na may pangalan ko. Ang ganda ng pagkaka-lettering.
"Hi!" I couldn't contain the excitement from my voice. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang paghawak-kamay namin noong isang araw.
Simula noon ay napadalas na... pati mga yakap.
Tumigil siya sa harapan ko, malawak ang ngiti.
"Congratulations!" Aktong yayakap sana siya sa akin pero pekeng umubo si Kuya Gavin, binabantayan kami.
Ano ba 'yan!
"Save that congratulations for the finals, Nikolai." sabi ko.
"Hindi naman ako mauubusan ng ganoon para sa'yo." Napansin ko na medyo paos ang boses niya.
Ayos naman 'to kaninang umaga bago nagsimula ang contest. Sumigaw ba siya para suportahan ako?
I pouted to hide what I'm thinking.
Lumapit si Kuya Gael sa amin at nakipag-high five kay Nikolai. "Ayos ba, Lai? Galing ng kapatid ko, 'no?"
Tingnan mo 'to, dinaig pa ako. I don't even call Nikolai anything else other than his name, tapos sila, nasa nickname basis na!
"Oo naman po, si Lumi pa ba..."
In a blink of an eye, finals na. Naturally because it's literally the day after my first competition for the Grade 10 spot.
Ako ang pinakawalang oras para makapaghanda sa pangalawa.
Si Mommy ang mismong nag-ayos sa akin sa bahay.
BINABASA MO ANG
Hiding Behind the Lenses (Arte del Amor #3)
RomanceNichole Malachi, or Nikolai as his friends call him, fell in love at an early age and had his heart broken by her. It hurt him terribly, that he thought nothing could ever bring him down, not anymore, but he was wrong to believe so. He lived through...