ika-walo

0 0 0
                                    

Still VLADIMIR'S POV

kumalma lang si duke ng malayo na ang dalawang hunter samin

"Teka!!!!!! kung malapit sila sa prinsesa, sa tingin mo miyembro sila ng class-S kamahalan" tanong ni satana sa prinsipe

"Tsk... Why are you asking me? Do I look like I care"  Prince Drake said

Hmmmm... Suplado ng prinsipe namin ano? Hhahhahahaha K lang yan guyss magtiis nalang kayo

Nakarating kami sa isang malaking Ball Room napakalaki nito at malawak ang espasyo nito kayat di na ako magtataka kung kasya ang lahat ng mamamayan ng Roseville dito sa loob,ng ipahayag ang aming pagdating ay alam kung nakuha namin ang atensiyon ng mga taong naririto sa loob,

Una ito ay dahil sa prinsipe ng GrieftenFort ang kasama namin o pangalawa ay dahil kilala kami dahil sa mga balitang matatagumpay naming misyon,

Naroroon ang pagmamalaki sa mata ng aming mga kalahi gayun din ang paghanga sa mata ng ibang hunter,meron pangang ilang mga dalagitang palihim na tumitili

Di na rin kami magtataka kung ang ibang hunter ay naroroon parin ang disgusto samin

Napukaw ang atensiyon ng lahat at tumahimik ang mga taong nasa loob ng silid na ito dahil sa ipinahayag ng guwardiya ng palasyo at kasunod nito ang pag-ugong ng trumpeta

"Mamamayan ng Roseville gayundin sa inyo mga mamamayan ng GrieftenFort tayoy magbigay galang sa Hari at Pinuno ng unang Pamilya ng Roseville, pinakikilala si King Rashner Demetrio Xier ng Roseville"

Kasunod nito ang pagbukas ng malaking pintuan ng silid at pagpasok ng hari suot ang kanyang mamahaling damit at makapal na kapa na kulay pula na ang disenyo ay may mga ginto ang kapa ay lampas hanggang sa talampakan,taas noo siyang lumakad sa kanyang trono

Kapansin pansin rin ang sabay sabay na pagbibigay galang ng mga hunter

At promise para nila itong pin-ractice dahil sa synchronization nito, kamot batok nalang ako habang nakayuko

"Ayon sa nabasa ko si Haring Demetrio daw ay talagang perfectionist, at kilala rin siya dahil sa pagiging istrikto niya kayat wag na kayong magtataka kung napaka elegante nilang kumilos dahil pinag-aaralan daw ang pagiging  well-mannered nila" sambit ni Satana sa amin

Hehe ang astig talaga nila,ang petmalu talaga ng hari nila,

Pinakilala narin ang pinuno ng mga  konseho nila at tulad ng hari ay taas noo at may pagmamalaki ang kanilang bawat hakbang

Ang konseho ng magkabilang bayan ay naguusap samantalang ang dalawang hari naman ay nanonood lang

Ang pagtitipon sa pagitan ng dalawang hari ay gaganapin sa silid ng konseho ng mga hunter ngunit sa ngayun ay nagkakaroon pa ng kasiyahan 

Muling umogong ang trumpeta kayat lahat ng atensiyon ay naagaw at napunta sa pintuan gayun narin ang mga maharlika

"Kumpleto na ang konseho sino pa ang darating"

"Teka hindi bat hindi makakapunta ang maharlika ng Holy beast clan"

"Sino pa nga ba?"

Journey Of The Hunter PrincessWhere stories live. Discover now