Lutang ang isip ko at mabigat ang aking katawan nang umuwi sa aming bahay.
Pagdating ko sa kwarto ay napahiga agad ako sa aming bagong higaan ni Daisy. Nakatulala lang ako habang nakatingin sa kisami at iniisip ang mga nangyari.Nang matapos ang trabaho ko kanina ay pumunta ako sa office ni Zev para sana kausapin siya at matanong tungkol sa kalagayan ni Donya Anita at kung nakuha na ba si Lexi mula sa mga dumukot sa kanya pero bigo akong makausap siya. Kahit si Sir Paulo ay hindi ko na makita at nakausap muli.
Ang secretary niya lang ang humarap sa akin at sinabing umalis si Zev kasama si Sir Paulo at may mahalaga raw na pinuntahan.
Ang Yaya ni Lexi raw ang nagbabantay kay Donya Anita na ligtas na mula sa pag-atake sa puso.Naging laman ng balita sa telebisyon o radyo ang tungkol sa pagdukot kay Lexi at ang pagpatay sa mga kasamahan nito.
Bakit kailangan pa nilang patayin ang mga kasama ni Lexi? hindi ba sila naawa sa mga pinatay nila?Ano na kaya ang nangyayari ngayon kay Lexi sa kamay ng mga dimonyo na iyon?
Tila sumikip ang dibdib ko dahil sa kaba at takot!
Hindi ko maiwasan na isipin kung sinasaktan ba nila siya ngayon, pinapahirapan ba o baka mas malala pa sa mga iniisip ko.
Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa kung anu-ano na lang ang mga pumapasok sa isipan ko.Kinuha ko ang aking cell phone na makapatong sa maliit na mesa na nasa gilid lang ng aming higaan. Tiningnan ko kung may text o tawag mula kay Zev pero wala, walang ano mang message o miss call galing sa kanya.
Nasanay akong nagtetext siya o tumatawag sa akin pagdating niya sa kanilang bahay.Bahagya akong na tigilan nang makita ang wallpaper sa aking bagong phone na bigay ni Zev. Picture naming dalawa ni Zev ang nasa screen na nakaupo sa kotse niya.
Ayaw ko mang tanggapin ang bigay niyang phone pero pinipilit niya na ibigay ito. Nakita niya kasi ang phone ko na luma na at bukod sa sira-sira ang signal ay may basag na ang screen nito."Kain na po tayo Ate Ela," biglang sulpot ni Daisy sa bagong pintuan ng kwarto namin na noon ay tanging kurtina lang ang nagseselbing pintuan nito.
Napabaling ang tingin ko sa kanya. Suot niya ang isa sa bagong damit pantulog na binili ko sa kanya noong unang sahod ko sa hospital.
Noong una ay hindi ako makapaniwala na ganoon pala kalaki ang sahod ng Janitress sa hospital nina Zev.
Napakurap pa ang aking mga mata nang inabot sa akin ng secretary niya ang subre na may laman na 50 K.
Nagtataka man at na bigla sa sahod ko ay nagkibit balikat na lamang ako kaya iyon... bago ang ilang gamit namin.nakabili na ako ng mga damit nina Daisy at Tita.
Mapaayos ko na rin ang mga pintuan ng kwarto namin at ganoon din ang kay Tita Marie."Bagay ba sa akin ate?" nakangiti niyang tanong.
"Oo, bagay na bagay sa iyo ang damit," sabi ko habang ginugulo ang medyo kulot niyang buhok.
Talaga namang bagay kay Daisy ang pantulog na suot niya. Buti na lang at kasya sa kanya ang mga damit na binili ko kahit na biglang lumaki ang katawan niya.
Pink ang kulay nito na may malaking mukha ni Hello Kitty sa harap.
Ngayon ko lang sila na bilhan ni Tita ng damit na hindi sa ukay-ukay galing.
Hindi naman mahal ang damit na binili ko sa kanila, mora lang naman sakto lang na makaya ng aking bulsa.Lumapad pa lalo ang pagkangiti ni Daisy at tila kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. "Mukhang mayaman na ba ako tulad kay Miss Maganda dahil sa suot ko Ate?"
Na tigilan ako sa sinabi niya at napaiwas ng tingin.
Si Lexi ang tinutukoy niyang Miss Maganda.
Tila hindi pa alam ni Daisy ang nangyari kay Lexi.
Naalala ko pa noon, nang nalaman niya na akcidente si Lexi at nabulag ay napahagulhol siya ng husto.
BINABASA MO ANG
Tears On The White Rose
RomanceI" can not breathe because of the smoke here inside! Ito na ba ang katapusan ko?" nahihirapan niyang sabi. Gusto niya mang makatakas pero hindi niya magawa dahil sa kadena na nakagapos sa kanya at marami ring mga pasa sa buong katawan niya. Pero kah...