Chapter X

328 20 8
                                    

Chapter X

HINDI ako nakatulog ng maayos dahil sa mga salita ni Elias. Hindi ko naman dapat maramdaman 'to ngunit bakit parang pinapatamaan niya ko sa devotional quote na 'yon? Entry niya 'yon sa contest pero bakit tila sinasabi niya mismo sa akin?

I'm rich but sad because my mom is gone and my grandpa is still in coma. I don't have anyone in my life to stand up for me. I only have myself. I'm beautiful but rejected by my own family and sometimes, by the society. Is that all because I don't believe in God?

Napailing ako. Kung talagang pinapakinggan Niya ako, hindi Niya gagawing miserable ang buhay ko. Kung talagang concern Siya sa akin, hindi Niya ako pahihirapan ng ganito. Hindi sana namatay si Mommy.

Malalim ang naging buntong-hininga ko at naligo na. I wore my red and white checkered dress matched with three-inch white ribbon heels. Sinukbit ko ang sling bag at lumabas ng silid.

Sakto namang kalalabas lang din ni Elias sa kwarto ni Ledger. Parehas kaming natigilan nang magtama ang aming mga mata. Bumaba rin ang tingin ko sa hawak niyang vacuum cleaner at isang plastik ng basura.

"You cleaned it?" I asked.

Tumango siya. "Inutos ni Ma'am Barbara."

"May nakita ka bang picture ng babae?"

"Meron."

"Sino?"

"Si Yara."

Ngumiwi ako. "Ibang babae?"

"Wala naman."

Umirap ako at akmang aalis nang maalala kong hindi ko nadala ang chocolates. Pumasok ulit ako sa kwarto at sinilid 'yon sa bag. In case lang na tumaas ang anger level ko.

"Pero may nakita akong kasama niya sa restaurant," wika pa ni Elias.

Nakuha niyon ang atensyon ko kaya lumapit ako sa kaniya upang ipakita ang litrato ng babae. "Ito ba?"

Namilog ang mata niya. "Siya nga."

"Anong ginawa nila sa restaurant?"

"Baka kumain at uminom. Iyon lang naman ang ginagawa ro'n, 'di ba?"

"Pinipilosopo mo ba ko, Elias?"

Kumamot siya sa ulo. "Hindi."

"Next time kung magpapa-video ka ng devotional quote, 'wag na sa akin."

"Bakit?" Ngumiti siya. "Nagkaroon ka ba ng spiritual reflection dahil do'n?"

"Hindi," irap ko. "Na-stress lang ako." Nilagpasan ko siya at sumakay sa elevator.

"Wait!" habol niya at sumakay rin. "Nag-lunch ka ba? Nagdasal ka ba bago kumain?"

"Hindi ka ba talaga titigil, ha? At ano bang meron sa dasal na 'yan? Paulit-ulit mong pinapaalala."

"Prayer is the best armor in all trials. A heart to heart talk will lessen our burden for He will bless all who believe in His name."

"Talaga?" Sarkastiko akong natawa. "Bakit, lahat ba ng pinagdasal mo, nangyari na?"

"Hindi lahat pero masaya ako kung ano ang binibigay Niya."

"Anong nabigay Niya sa'yo?"

"Peace of mind."

"Siya lang ba ang may kakayanang magbigay no'n?"

Drops of DivineWhere stories live. Discover now