Other Side 1

8 1 0
                                    

Megan's POV

"Meg, don't be like that. You know naman na maganda ka di ba? Hindi lang si Joshua ang lalaki sa mundo." My friend reminded me for the nth time.

"Pero siya lang ang gusto ko. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya ulit sa Olivia na 'yun. Ang kapal ang mukha niya. Kakarating lang niya dito sa lugar natin pero inagaw na niya lahat ng sa akin." Mahabang litanya ko.

"Well... Ipapaalala ko lang uli sa'yo friend. Walang sa'yo. Hindi naging sa'yo si Josh." 

"Nauna ko siyang nakilala." - ako.

"Pero nauna siyang minahal ni Josh." 

"Pero kung hindi siya dumating ako sana ang minahal ni Josh." - ako.

"Wake up girl. Magmula pa ng mga bata pa tayo magkakasama na tayo. At sa tinagal-tagal noon, ni minsan hindi ko nakitang nagkagusto sa'yo si Josh."

Teka nga. Kaibigan ko ba talaga ito? Pakipaalala nga sa kanya. Di ba dapat suportahan niya ako? Bakit parang kinokontra pa niya lahat ng sinasabi ko?

"Lumayas ka na nga dito kung wala kang matinong sasabihin." Pagtaboy ko sa kanya.

"Bahala ka nga dyan. Ikaw na nga dinadamayan e." At iniwan na nga niya ako.

Kung ganun rin lang ang dadamay sa akin, mas mabuting wag na. Nakakasira lang lalo ng araw. 

Teka bakit nga ba ako nagkakaganito ngayon? I will give you a short flashback.

Flashback

Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa may subdivision namin. Papunta ako sa bahay ng aking long time crush na si Joshua Rodriguez. Kung tatanungin niyo kung bakit? Wala lang. Gusto ko lang. Routine ko na din kasi. Pampabuo ng araw. Bakasyon kasi ngayon. Wala akong ibang way para makita siya kung hindi sadyain siya sa bahay nila.

Malapit na ako sa block nila ng may makita akong bagong dating na truck. 'Yung truck na para sa naglilipat bahay. Ito siguro 'yung lilipat sa katabing bahay nina Josh. Sayang. Sana kami na lang ang  lumipat diyan. Hindi sana ako nahihirapan kakalakad dito.

Dumeretso na ako sa bahay nina Josh. Hindi naman importante sa akin kung sino ba 'yang bagong lipat na 'yan. Ang importante lang sa akin ay makita ang prince charming ko at mabuo ang araw ko.

Nagdoorbell ako pagkarating ko sa harap ng gate nila.

"Uy Meg. Napadalaw ka... ulit." Bati sa akin ng ate ni Josh. Si ate Kate.

"Alam mo naman ate. Para namang may bago. Nandiyan ba siya?" Sanay na ang ate niya sa akin. Hindi lang kasi ako 'yung may crush na tumitingin mula sa malayo. No way! Kapag gusto mo iparamdam mo. Paano niya malalaman na gusto mo siya kung tatanawin mo lang siya?

"Naku. Kanina pa umalis e. Nasa court yata. Kasama sina Calvin pati 'yung ibang barkada niya." 

"Ganun po ba. Salamat ate. Una na po ako." Paalam ko at dumeretso na sa dereksyon na papunta sa court. Sinong nagsabi na susuko na ako ngayong araw? Never! Wala sa bokabolaryo ng  Megan Martinez 'yan.

Nang makarating ako doon ay umupo ako agad sa bleacher na pinakamalapit sa kanya.  Sabi ko nga sa inyo hindi pwede sa akin ang tanaw lang sa malayo.

"Josh! 'Yung manliligaw mo!"  Sigaw ng isa sa mga kalaro niya. 

"Magtigil ka nga diyan Mike."  Saway niya dito.

"GO JOSH!" cheer ko sa kanya. Sablay. Ano ba 'yan? Minsan na nga lang akong magcheer sumasablay pa siya.

"TIme out muna tayo. Kanina pa naman tayo dito." SI Josh.

"Naku! Sumablay ka lang umayaw ka na. Sabihin mo kasi diyan sa manliligaw mo galingan magcheer ng hindi ka pumapalpak." Pang-aasar ng pa ng isa.

"Uuwi na ako. Bukas na lang uli tayo maglaro." Paalam niya sa mga ito. Sumunod naman ako sa kanya.

"Hindi ka ba talaga titigil ng kakasunod sa akin Megan?" Napansin niya din ako sa wakas.

"Hindi." Tipid at may diin na sagot ko. Bakit naman ako titigil di ba?

"Hindi ka ba napapagod?" Tanong niya ulit. Ano ba 'to? Question and answer portion? Hindi ako prepared.

"Hindi." Sagot  ko ulit.

"Ako kasi pagod na kakalayo sa'yo." Siya ulit.

"So? E di lumapit ka naman para hindi ka na mapagod lumayo. Simpleng simple lang e." Hindi naman ako slow para hindi ma-gets ang gusto niyang sabihin. Sadyang ayoko lang siyang intindihin. Sa tinagal-tagal ba ngayon pa ako susuko? No way!

Nasa tapat na kami ng bahay nila ng bigla siyang tumigil. Sinundan ko naman ang tingin niya. Nakita ko 'yung isang babae na kakababa lang ng sasakyan. Siguro siya 'yung bagong lipat.

Lumapit 'yung babae sa amin. 

"Hello! Ako nga pala ang anak nung bagong lipat dito. I'm Olivia Fuentes." So what? Walang nagtatanong.

"I'm Joshua." Tipid na sagot ni Josh at iniabot pa ang kamay niya dun sa babae. Pero teka. Namumula ba si Josh? Siguro napagod lang siya sa kakalaro ng basketball kanina.

"And I'm Megan." Pakilala ko naman sa sarili ko. Mukha naman kasi siyang mabait.

At doon na nga nagsimulang masira ang buhay ko. Nadalas na silang magkasama ni Josh. Tuwing pupunta ako sa bahay nila, lagi siyang wala. Laging kasama si Olivia. Hanggang sa dumating ang araw na kinakatakutan ko. Isang taon mula ng lumipat sina Olivia sa subdivision namin.

"Megan can you just leave me alone?" Galit na sabi sa akin ni Josh. Ano bang bago?

"No. Bakit naman kita iiwan?" Makulit na sagot ko na alam kong ikakainit lalo ng ulo niya. Naniniwala din kasi ako sa kasabihang 'The more you hate, the more you love'. Baka kaya laging mainit ang ulo ni Joshua sa akin dahil mahal niya talaga ako. Kaya lalo ko siyang iinisin para lalong madagdagan ang pagmamahal niya sa akin.

"Pwede bang layuan mo na ako? Girlfriend ko na si Livy. Baka magselos siya." Ang mga salitang nagpaguho ng mundo ko. 

"Girlfriend? Sinasabi mo ba 'yan para layuan na kita. Pwes nagkakamali ka. Hindi ako titigil Josh. Tandaan mo 'yan." Ang mga salitang binitiwan ko sa kanya bago ako umalis.

Hindi pwede. Hindi siya pwede magka-girlfriend. Ako lang ang pwedeng maging girlfriend niya. Sa akin lang si Josh. 

End of Flashback

The Other Side of the StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon