CHAPTER EIGHT

1.5K 121 8
                                    

Keri Tabitha Priscilla Ruiz

"Stop staring!" he hissed. Tiningnan pa ako nang masama.

"I was not!" galit kong sagot. Ang assuming nito! Sinalubong ko ang masama niyang tingin ng defiant look. He frowned at me. Nakita ko pang tila umigting ang panga niya sa pagpipigil ng kung anong emosyon. He then bit his lower lip. Inirapan ko siya at tinalikuran.

Nainis ako sa sarili nang makita ko siyang napakagat-labi. Kasi dapat ay kanina pa ako nakaramdam na I was disrespected. Mantakin mong tinitigan nito ang dibdib ko? At nakita ko pa ang unti-unting pagngangalit ni Manoy! Kaso nga lang bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang natuwa pa ako dahil napag-alaman kong kayang-kaya kong pukawin ang kanyang pagkalalaki.

Teka. Baka nababasa niya ang nasa isipan ko at lalandiin na niya ako! Hindi pwede! Nangangarap pa akong makaalis sa poder niya!

Nilingon ko siya para i-correct ang mali niyang sapantaha. "If you think I was---" I stopped. Ang hunghang ay nakalayo na pala. Nakabalabal na ang puting tuwalya sa kanyang baywang. Wala akong nagawa kundi titigan na lang ang maumbok niyang puwet. Kainis! Hindi ako nakabawi man lang. Peste!

Pagpasok ko sa mansion, nakita kong tila mangiyak-ngiyak si Flora habang nagpupunas ng muwebles sa sala. Hindi ako nakatiis.

"Flora, bakit?" tanong ko sa personal maid ko. Napapiksi ito.

"Miss Ruiz!" pakli niya sa tila nagulat na tinig. Napahawak pa siya ng dibdib.

"Ano'ng nangyari sa iyo at mukhang naiiyak ka?"

Yumuko ito sabay sabi ng, "Wala po ito, Miss Ruiz."

"Maaari ba namang wala? Hindi nalulungkot ang tao nang walang dahilan."

Tumigil siya sa ginagawa sabay buntong-hininga. This time, humarap na siya sa akin.

"Napagalitan po ako ni Sir Seth. Sabi po niya, dapat po raw kasing pinagsasabihan ko po kayo na hindi po dapat mag-swimming sa pool sa gabi nang wala po ako sa tabi ninyo. Delikado raw po," sagot ng katulong sa mahinang tinig.

Napa-huwat ako sa isipan. Napaka-impertinente ng taong iyon, ah!

"Sinabi niya iyon?" paniniguro ko. Napalakas ang tinig ko. Natakot naman si Flora. Pinababaan ang boses ko dahil baka hindi pa nakalalayo ang amo niya't marinig nitong nagsumbong daw siya sa akin.

"Your boss is insane! Iyan lang ang masasabi ko. Paano maging delikado eh nandito lang ako sa loob ng bakuran niya? Ilang security ba ang umiikot sa paligid natin?"

Napayuko na naman si Flora.

"Hayaan n'yo't pagsasabihan ko ang lalaking iyon. Hindi ito puwede. Pagmamalabis sa katulong ang ginawa niya sa iyo. I do not tolerate that kind of behavior!"

Natigilan din ako pagkarinig sa sinabi ko. Daig ko pa si Mommy kapag nangangaral sa akin noon.

"Ay, huwag po, Miss Ruiz! Saka huwag n'yo na ring sabihing sinabi ko po iyan sa inyo."

Bago pa ako nakasagot lumitaw si Seth sa likuran namin. Naramdaman ko agad ang presence niya this time. Naka-bathrobe na siya ng kulay puti with a glass of vodka in one hand.

"Ang alin, Flora?" tanong nito sa katulong. Mahinahon lang din ang tinig niya, pero pareho kaming nag-stiffen ni Flora. Kitang-kita kong nataranta na naman ang katulong. Ako nama'y napalunok nang sunud-sunod. Paano ba naman, he looked like he just stepped out of a magazine photoshoot! Ang hot niya! Para siyang isang playboy billionaire endorsing an expensive wine! I cannot take my eyes off his eyes. Parang hinihigop ako. Nakakainis! I hate my reactions!

QUEEN SERIES #2:  THE HERMES QUEEN (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon