27

937 32 3
                                    

MATAPOS manganak ni Ava nakatulog ito sa sobrang pagod. Nilipat namin siya sa itaas para makapagpahinga siya ng mabuti. Ang kanyang dalawang anghel naman na kay Zion. Nasa magkabilang bisig niya ang mga ito. Hanggang ngayon di pa rin makapaniwala sa mga nangyari. Wala siya ibang magawa kundi titigan ang mga anak niya. He's so overwhelmed and speechless. In a short span of time, he is now a father of twins.
Kamukhang-kamukha pa niya ang dalawa.
He is so blessed and beyond happy.

Tiningnan niya ang payapang natutulog na ina ng kanyang mga anak.
Malaki pa rin ang kasalanan niya dito dahil sa ginawa niyang kapangahasan.
Tanggap niyang hindi siya nito mapapatawad pero hindi niya rin matanggap na lalaki ang mga anak niya na hindi siya ang kinikilalang ama. Hindi yun pwede.
They deserve everything he have right now.

Kanina pinauwi na niya ang mga tauhan sa kastilyo kasama si Percy. Si Percy lang ang may alam kung ano ang nangyari kanina kaya humingi siya ng pabor dito na hindi muna sasabihin kahit na kanino ang tungkol kay Ava at sa babies nila dahil hindi pa sila sigurado sa kaligtasan ng mga ito sa mga kaaway nila.
He need to protect them at all cost.

Biglang umiyak ang kanyang babaeng anak pero hindi niya alam kung ano ang gagawin.

"Anong nangyari?!"

Biglang pumasok si Lance ng marinig nito ang iyak ng sanggol.

"H-hindi ko alam eh, paano ba to?"
Wala kasi siyang kaalaman tungkol sa ganitong bagay.

"Ihele mo kaya para tumahan. Akin na yung isa".

Kinuha ni Lance ang isa. Payapa lang itong natulog.
Pero kahit inihele pa ni Zion ang umiiyak na sanggol hindi pa rin ito tumigil sa pag iyak kaya hindi na siya mapakali sa pag alala kung napano na ito.

"Tss. Pag ang sanggol umiiyak ibig sabihin gutom yan".

Sabat ni Marcus di nila namalayan ang pagpasok nito. May dala itong feeding bottle na may lamang gatas. Iniabot iyon kay Zion.
Huminto naman sa pag iyak ang sanggol.

"Thank you".

Ani Zion kay Marcus. Nagkibitbalikat lang ang huli.
Kahit may hindi magandang nangyari sa kanila noon, ngayon may malaking utang na loob na si Zion dito.
Kailangan nilang mag usap.



********************

Nagising na si Ava. Una niyang nasilayan ang kambal niyang anak na nasa bisig ngayon ni Zion.
Hindi niya namalayang umiyak na naman siya dahil sa tindi ng emosyon na naramdaman niya ngayon. Hindi niya naisip na masilayan niya sa ganitong tagpo ang kanyang mag ama. Hindi pa rin siya makapaniwala na nandito ngayon si Zion.
Masakit man ang katawan pilit siyang kumilos para maisandal ang sarili sa headboard ng kama.
Agad naman siyang napansin ni Zion. Akmang tatayo ito para tulungan siya pero pinigilan niya iyon sapagkat karga nito ang mga anak niya.

"Pwede ko ba silang makita?"
Sabik siyang makita ang mga ito.
Kusa namang tumulo ang luha niya ng makita ang munting mga anghel. Inabot naman ni Zion sa kanya ang isa. Ang cute ng mga anak niya. Karga niya ngayon ang isa sa mga ito. Hindi naman siya makapaniwala sa nangyari. Ang bilis ng panahon heto na siya may anak na.
Himbing na natulog ang bata sa bisig niya. Pinaglipat- lipat niya ang tingin sa dalawang bata.

"Ang cute naman nila".
Wika niya na napangiti kahit lumuluha pa rin.
Hindi naman umimik si Zion. Hindi niya tuloy alam kung anong naramdaman nito dahil wala siyang mabasa na emosyon sa anyo nito.
Naiilang pa siya dahil sa pagtitig nito sa kanya.
Hindi niya alam kung kanina pa ba ito nakatitig sa kanya. Di tuloy siya mapakali ngayon.
Hindi na lang siya muling nagsalita. Pilit niyang pinakalma ang sarili.

"We need to talk".

Mayat-maya bigla na lang itong nagsalita. Nabingi ba siya o guniguni lang niya nang marinig na medyo mag pagka tender ang pagkasabi nito.

ALPHA of CENREDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon