Blaire's POV"Blaire ano ba hintayin mo kami!"
"Hoy hintay! Ganun ka ba kagutom ha!"
Dali-dali akong pumasok ng restaurant at hindi na sila hinintay pa.
Gutom na gutom na ako. Kanina pa kami pagala-gala sa city at ni wala lang naman kaming nginunguya.
"Antagal naman!" Reklamo ko pa dahil hindi pa rin dumadating ang order namin.
"Hindi ka ba pinapakain sa inyo at gutom na gutom ka?"
Agad kong pinandilatan ng mata si Shan.
"Kung hindi ka ba naman nakikikain sa bahay malamang na marami sana ang kinakain ko."
"Babe paano naman ako makakatanggi sa future mother-in-law ko." Sabi niya at kumapit pa sa akin.
"Yuck tumigil nga kayong dalawa dyan nakakadiri!"
"Tss inggit ka lang!" Sabay naming sabi ni Shan kaya napatawa na lamang kami.
Hanggang sa dumating na nga sa wakas ang order namin at kumain na kami.
Habang kumakain ng desert ay hindi ko napigilang pagmasdan ang labas. Nasa tapat lang pala kami ng Capitol. Hindi ko na napansin kanina sa sobrang pagmamadali.
Pansin kong may mga tao sa labas na hula ko ay mga estudyante rin.
"Tapos na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Bakit na naman?" Naiinip na sabi ni Francesca.
"Labas na tayo dali!" Sabi ko at tumayo na.
"Teka lang naman!" Rinig ko pang sigaw ni Shan pero binalewala ko siya.
"Hoy!"
Hindi ko sila pinansin at dire-diretso lang ako hanggang sa makatawid sa kabilang kalsada upang lapitan ang mga tao.
Ang isa sa kanila na may hawak na flyers ay lumapit sa akin at binigyan ako.
Binasa ko ang nakasulat dito.
"Be the voice of the voiceless. Protect mass media! Protect press freedom!"
"Ano yun?" Rinig kong tanong ni Jasmine nang makalapit sila sa akin.
I smiled as I realized something. This is the sign I have been waiting for.
Humarap ako sa kanila kasabay ng pagsilay ng napaakalawak kong ngiti.
"I think I know what to do now."
"Ano?" Sabay-sabay nilang tanong.
"I want to e a journalist."
TO BE CONTINUED......
A/N:
Hi loves,
Thank you for staying with me until the end! Project: I Love You is now completed. I will see you again in the next series.
If you have nothing to read, feel free to visit my account because I have different stories for you.
Thank you so much loves!
Saranghaeyo
*finger heart*
-ellerites
BINABASA MO ANG
Project: I Love You (Academic Strand Series #1)
Teen FictionBlaire is a Grade 11 HUMSS student who is running for high honors. In an instant, her attention was turned to a handsome Grade 11 STEM transferee student named Julian. She became unfocused then, but little did she know her friend Shan was helping he...