Rest in peace, Jeramae Lhyn Santiago. Best Prayers To Her Family...
Huehue. Goodbye to me, 'di joke lang. Pero sa totoo lang gusto ko nang mamatay... Kasi naman e! Pinasok ba naman ako sa isang school na punong puno ng mga artista! Argh. Alam naman ng mga magulang ko na kahit ma-rape ako ng isang gwapo na artista, hindi parin ako matutuwa.
Wala akong hilig sa mga artista. Nagbabait-baitan lang naman sila, gusto lang nila yung Fame.
At paano ko iyon nalaman? Tss. Eh ang iisang Tiffany Hwang, sinampal ako kasi kinausap ko raw yung fiancé niyang si Decler. Like why the hell do I care?! Hindi ko nga kilala yung Decler, e.
Pero infairness yung kasama nung Decler, gwapo! Pero siyempre, hanggang tingin lang ako. Gwapo kasi e! Hihi. Sayang nga e, snob kasi siya.
Hihihi. Gusto ninyo malaman yung nangyari no? HAHAHA. Ayoko nga!
Hihihi. Sige na nga! 'Eto na! Pero siyempre dahil Echosera ako, hindi lahat ikukuwento ko! Hihi. Paasa lang kasi ee.
======FLASHBACK======
"Mommy! Sigurado ka ba? Bakit mo ba kasi ako dito inenroll e! Alam mo namang wala akong hilig sa mga artista e!" Paulit-ulit kong tinatanong,
"Anak! Siguradong sigurado ako! Ayaw mo ba 'nun? May makakasama kang artista?" Pagpumilit niya. Ee, ayoko lang talaga!
"Ma! Please, okay na ako doon sa public! Please," Pagmamakaawa ko,
"Hindi! Ayan na yung school bus mo, oh! Sige bye anak, ingat ka palagi," Paalam saakin ni Mama. Hay nako, sabing ayaw ko e. Pero dahil andito na ang bus at masasasayang lang ang scholarship ko, sumakay nalang ako,
Simple lang naman ako e. Walang kaartihan sa buhay, ayoko sa mga taong nangingisda ng pansin. Nag susuot ako ng damit na kung saan ako komportable. Pero siyempre hindi naman ako ganoon ka baduy kaya medyo fit din saakin yung uniform ko,
"Tss, oy Gillian paupuin mo naman yung matanda oh!" Parinig nung isang lalaki. HOY! Excuse me, hindi ako matanda no! 17 lang ako! Ang sasama talaga ng mga artista, tss. Kaya nga ayaw ko sakanila e.
Naglalakad na ako papunta sa likod ng bus, kung saan walang tao. Kaya nga lang nung naglalakad na ako papunta roon, may naramdaman akong may humarang sa pinaglalakaran ko kaya nadapa ako,
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"LAMPA!"
"NERD!"
"PATPATIN!"
Argh! Tumayo na agad ako at dumiretso na sa likod ng bus. Hay nako, gustong gusto ko na talagang basagin yung bintana at tumakas dito sa bus na ito. Who cares about my scholarship? Haaaay. Ayoko sa lahat ito, ang napapahiya. Oo, lampa ako, nerd, pero may pakiramdam din naman ako no.
Finally, andito na kami sa University. Yes, Survived the school bus,
"Wow, ang ganda--- ARAAAAY!" Manghang-mangha na ako sa school nang natamaan ako ng basketball sa batok, ang sakit kaya! Argh, bawal pa naman ako matamaan sa batok dahil sa disorder ko. Tss, pag ako inatake ng disorder ko mamaya, sila magdala saakin sa St. Lukes.
May Selgnirp Disorder ako, parang sa memory disorder siya pero minor lang naman ang Selgnirp Disorder. Kapag may tumama sa medulla ko na something hard pupuwede akong atakihin ng Disorder ko mamaya, which is pupuwede kong makalimutan ang lahat ng nangyari last 3 days. And since tinamaan ako ng bola sa batok ko which is sobrang lapit lang sa medulla, asahan na na wala akong maaalala for the past days....
"Ay, shit. Sorry miss," -??? Chiz Whiz ang gwapo. Ang tangos ng ilong, ang haba ng chin, seductive eyes. Hay,
"Uhm, err. Okay l-lang," -Jeramae, papalag paba? Gwapo e. Kaso may sumunod sakanya! Emerged, mas gwapo,
"Ah, o-okay, sorry ulit ha? Decler, Decler Privado," -Decler, inabot niya yung kamay niya para makipag shake hands saakin. Papalag paba? Siyempre nakipag shake hands ako!
"Pare, doon ka na. Ako na rito," -??? Ay shocks, 'eto na yung isang lalaki na kasama niya! Guwapo sobra putek,
"Err. Uhmm, papasok na ako," -Jeramae. Kailangan ko magpakipot, MUWAHAHAHA. Wag kang Feeling Jeramae! Asyumera,
"Ay wait, miss! Jeremy, Jeremy Matsui. And you are?" WAH! Malapit sa pangalan ko! Gravity~
"Jeramae, Jeramae Santiago, bye. Nagmamadali na kasi ako ee," -Jeramae, nginitian ko siya at naglakad na papalayo,
"Jeramae!" -Jeremy, lumingon naman ako at kinindatan niya ako. HUWAAAAH! Omg, ang gwapo. Tumalikod na agad ako para hindi mapansin ang kamatis kong mukha,
"E-EHEM!" -??? Lumingon ako nang makita ko ang isang magandang babae. Matangkad, matangos ang ilong, para bang anghel na nahulog?
"Bakit po?" -Jeramae, kitang kita mo sa mukha niya ang inis. Luh? Ano bang ginawa ko?
"Stay away from Decler please? He's mine. Don't even think of stealing him from me. I'm the fiancé so you have no right to steal him. Kaya please lang, lubayan mo na si Decler. Bago pa kita mapatay. Tiffany, Tiffany Hwang, fiancé ng nilalandi mo," -Tiffany. Luh? Di ko nga alam kung sino si Decler e. Ang alam ko lang siya yung nag-sorry saakin kanina,
Siya pala si Tiffany, palagi ko na 'yun nadidinig sa mga eskinita ee. Maganda raw kasi. Oo kilala ko siya pero wala parin akong paki. Hindi ko siya kilala. At ayoko siyang kilalanin ng buong buo. Tss.
"Huh? Hindi ko nga kilala 'yun ee." -Jeramae, bago pa ako makapag lakad sinampal na niya ako. OA niya no? Miski nga siya hindi ko kilala ee.
===END OF FLASHBACK===
Kaya tignan mo may marka ng kamay ako sa pisngi ko.
Nakakabadtrip yung Tiffany na 'yun.
Hindi ko nga kilala lahat ng nagaaral sa buwiset na University na 'yun ee.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Decler at Multimedia~
A/N: Yung Selgnirp Disorder HAHA, Made up lang 'yun. Try ninyong baligtarin yung Selgnirp, HAHAHA. PRINGLES XD. Kumakain kasi ako ng pringles ee. XD
Vote. Comment. Follow
BINABASA MO ANG
Forbidden Love
Teen FictionJeramae Lhyn Santiago, isang celebrity hater na pinasok ang isamg malaking pagsusubok na pupwede niyang ikamatay, ang mag-aral ng sampong buwan sa Privado University, isang University kung saan lahat ng artista ay nag-aaral. Then she met Decler Jude...