Borrowed Time 14

24 0 0
                                    

Gusto niyang sumbatan si Andrew sa paglilihim nito sa kanya tungkol sa pagsunod sa kanya ni Jay sa Amerika noon pero para ano pa? Para umasa at masaktan siya ulit? Nawalan na siya ng anak once at hinding hindi siya papayag na mauulit pa yun. Naiinis siya ng maalala ang banta sa kanya ni Jay na hinding-hindi siya nito papakawalan, hanggang ngayon pinaglalaruan pa rin siya nito kesyo gagawin siyang sekretarya at kung anu ano pa pero hindi maman nito tinutuloy, pinapahirapan siya ng lalaki at naiinis siya sa kaisipang yun.

"I hate you!"

Hiyaw niya at tumalon mula sa diving board ng swimming pabagsak sa pitong talampakang tubig mula sa swimming pool.

"Hey! You okay? Ang lalim naman ng paghingang yan, akala ko ba pinapunta mo ako dito para mag-relax at magswimming binulabog mo pa ang schedule ko tapos bad vibes naman ang mood mo, this is unfair ha"

Reklamo sa kanya ni Marjie, maliban kay ate Via malapit din siya sa pinsang ito ni Jay and they have been close to each other the day they met.

"Nabubwesit ako sa pinsan mo.."

Tumawa na ito ng napakalakas pagkabanggit niya sa pangalan ni Jay.

"Ano na namang ginawa ni Kuya Jay this time maliban sa muntikang makagawa kayo ng baby ulit?"

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

"What? Ano bang pinagsasabi mo----"

"Wala siyang sinabi sa amin ha.. but he was dreaming of you and have been talking in his dreams whenever he got drunk, malakas ang tama noon sayo dati pa! Parehas kasi kayong in denial"

"Marj, it was accident alam namam natin kung bakit kami kinasal di ba? We didn't expect na mabubuntis ako sa isang gabing pagkakamali na yon"

Napabuntonghininga na rin ito sa tinuran niya.

"Yes.. maybe he was drunk and you got carried on sa mga nangyari but hello.. everybody knows that even noong bata pa kayo head over heels na si kuya sayo hindi lang maka-porma kasi nga torpe yun pagdating sayo.. lahat ng mga gustong manligaw sayo noon na kapitbahay o kaibigan niya ay agad nitong hinaharang. Si kuya nagiging totoo lang yan sa sarili niya kapag lasing"

Umahon siya mula sa pagkakalusong mula sa tubig.

"Tumigil kana Marj, sigeh ka baka maniwala ako sayo sa mga pinagsasabi mo diyan"

"Totoo talaga! Siyanga pala pinapunta ko si Mark dito para magdala ng inumin at makakain at baka papunta na rin sina Ate Via ang boyfriend niya"

"Hay naku Marj! Sana naman hindi mo inimbita si Jay dito kasi kukutusin talaga kita kaya nga gusto kong magliwaliw dahil galit ako sa kanya di ba?"

"Ay.. hindi, hindi ko inimbita si kuya Jay at busy yun kasi pupunta yun sa conference sa baguio at marami yung inaasikaso"

Hindi na siya nag-abalang magsuot pa ng roba o tuwalya humilata siya sa isang invertable chair sa pool at nagsuot ng sunglasses at pumikit sana kahit kunti maidlip man lang siya.
She was only wearing her 2 piece swimsuit na kulay brown sila lang naman girls kaya wala siyang dapat ikahiya lahat naman sila magsusuot ng 2 piece atsaka mamaya pa naman siguro darating sina Mark at Ate Via.

Nanlaki ang mga mata ni Marj ng makitang papasok si Mark at Via kasama ang dalawang kaibigan nito na sina Vince at kurt kasunod si Jay.

"Ssssh.. wag kayong maingay natutulog si madam, kuya bakit ka ba nandito? Akala ko busy ka?"

"Busy nga ako kaso hindi ko maayawan ang imbetasyon ni Mark sabi niya I need to chill daw"

Kumunot ang noo niya ng makita ang pamilyar na bulto ng isang babaeng mapayapang natutulog sa invertable na upuan malapit sa pool, ngunit napalunok siya sa nang mapansing nakabilad ang katawan nito na parang walang ibang tao na makakakita nito but he must admit it.. she looks even more hot lalo na ang tatoo nito.

Borrowed TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon