Pare! I Love YOU!

733 33 43
                                    


Halos mag-iisang oras na rin akong naghihintay sa Waiting Shed ng School ni Cloud. Pinagtitinginan na rin ako ng mga dumadaang estudyante malapit sa waiting shed dahil sa itsura ko, siguro bihira lang silang makakita ng gwapong mukha sa tanang buhay nila kaya ganoon na lang sila kung makatingin. 

"Girl, nakikita mo ba ang nakikita ko?" bulong ng babae sa kanyang katabi. Maganda 'yung babae, balingkinitan ang katawan, makinis, at maputi na sa palagay ko ay kaedad rin namin ni Cloud.

Napalingon rin yung isang babae sa direksyon ko.

"Oo, nakikita ng dalawang mata ko. Kasing gwapo nya si Fafa Cloud." bulong naman nung isang babae. Maganda rin 'yong babae. Masasabi ko na sila yung tipo ng babaeng may maipagmamalaki. 

Nalungkot ako bigla, ganoon kasi ang mga tipong babae ni Cloud. Mga babaeng may makinis na legs, maputi, at sexy. Samantalang ako, kabaliktaran. Kagaya nga ng sabi ng dalawang babae kanina, kasing gwapo ko si Cloud. At malabong maging type nya rin ako.

Bata palang kami ay kaibigan ko na sya. Magka-classmate kami since elementary at highschool, ngayon lang kami nagkahiwalay dahil magkaiba ang pinapasukan naming university. Kung tutuusin para na kaming magkapatid ni Cloud, nagdadamayan at hating kapatid sa lahat ng bagay.

Kagaya rin ng mga makakapatid na lalake, sabay rin kaming maligo. Para sa kanya, wala 'yung malisya, pero para sa'kin, nakakailang.

"Pare, anong gagawin mo kung mahal na mahal mo 'yung tao pero wala kang lakas ng loob para magtapat sa kanya?" tanong ko sa kanya 'nung minsang naligo kaming sabay sa pool nila. Kapwa kaming walang damit na pantaas kaya naman kitang-kita ko yung mala-adonis nyang katawan.

"Torpe ang tawag dyan." sabi nya. 

Napatango ako bilang pagsang ayon at muling nagtanong.

"Anu nga ang gagawin ko?"

"Kung ako ang nasa posisyon mo, uhm . . ." napaisip sya saglit at muling nagsalita.

"Unang-una, aalamin ko muna sa sarili ko kung mahal ko ba talaga sya. Minsan kasi,isang maling desisyon mo lang ay maaaring mawala yung dating samahan ninyo. Nandyan 'yung mga posibilidad na mailang sya at ang masaklap pa, magigising ka na lang na wala na  pala sya sa'yo."

Tama sya, maaaring mawala ang lahat pag sinabi ko sa kanya ang tunay na nararamdaman ko. Pwedeng mawala ang matagal na naming pinagsamahan. 

Napaisip rin ako. Kung hindi ko sasabihin sa kanya, paano na ang nararamdaman ko? Hahayaan ko na lang ba ang feeling ko para sa kanya? Pababayaan ko na lang ba ang sarili kong masaktan, sa tuwing may kalandian at kalampungan syang babae?

"Pare, pano kung mahal ko talaga sya? Pano kung mahal nya rin pala ako, parehas lang pala kaming natatakot na sabihin sa isa'i-isa?" 

"Pare, walang salitang torpe sa taong nagmamahal. Kung alam mo na sa sarili mo na sya talaga, edi wow! Sabihin mo na bago mahuli ang lahat. Wala naman masama ang mag try di'ba? Kaya kung ako sa'yo, hindi na ako magpapakatorpe. Love is all about taking risk, kung hindi man magwork-out, atleast alam mo sa sarili mo na nagawa mo yung part mo. Malay mo, natatakot rin pala syang umamin? Kagaya ng sinabi ko kanina, natatakot rin siguro syang umamin kasi nga, ayaw nyang masira ang friendship nyo." mahabang sagot nya sa tanong ko.

Naliwanagan ako sa sagot nya. Pano kung mahal nya rin ako? What if, natatakot lang pala syang umamin katulad ko? 'Yan ang mga tanong na paulit-ulit na nag pi-play sa utak ko ngayon. Hindi ko rin akalaing sa mismong taong mahal ko pa ako hihingi ng advice. 

Dahil sa mga advice nya ay natauhan ako. Sasabihin ko na talaga ang nararamdaman ko sa kanya.

"By the way, who is the lucky girl?" nakangiting sabi nya.

Pare! I Love YOU! (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon