CHAPTER 54: PANGANGAHOY PART 1

32 2 0
                                    

Pagdating ni Fred, agad na nitong sinabihan ang mga batang kasama nya na umalis at nagmamadaling pumunta ng bundok. Napansin nila Archie na para bang may hinahabol si Fred, kaya nagmadali na din silang naglakad.

Pagdating sa bundok, agad na din na naghanap si Fred ng mataas at patay ng punong-kahoy na puputulin.

Hindi man lang pinagpahinga ni Fred sa paglalakad at hinihingal na sa pagod sina Archie, Rochel at ang magkapatid.

Kaya naman nagtanong si Archie kay Fred kung bakit masyado silang nagmamadali.

Archie: "Mang Fred, Pasensya na po, pero bakit po kayo sobrang nagmamadali na pumutol ng punong kahoy? Hindi po ba tayo pwedeng magpahinga po saglit?"

Rochel: "Oo nga naman po, Tiyo! Pagpahingahin nyo naman po muna kami! Para na po kayong tumatakbo sa bilis nyong maglakad!"

Nang marinig ni Fred ang hinaing ng dalawa nyang kasama, hindi na sya sumagot at hinayaan nya ang mga ito sa gusto nilang mangyari. Nagpatuloy pa rin si Fred sa paghahanap ng patay na punong puputulin.

Buboy: "Wow! Rochel. Grabe yung Tito mo. Parang walang kasama ah."

Rochel: "Alam mo, Buboy, wala din akong ideya kung bakit sya ganyan ngayun. Hindi naman sya ganyan dati.

Shiela: "Hindi kaya, dahil sa nahanap nyang bakal sa loob ng puno na pinutol nila nung nakaraan?

Archie: "Bakal? Anung bakal yun?"

Buboy: "Yung bakal na nakita nila kahapon habang nangangahoy sila Tatay, Tito Arman at si Mang Fred. Siyempre kasama din kami ni Ate nung nangahoy sila."

Shiela: Kaso nagmadali si tatay na umalis nung makita nya yung nahanap nila. Kaya naman hindi din namin nakita ni Buboy kasi umalis na kami nang mga oras na yun."

Archie: "Teka, Shiela. Sabi mo kasama si Tatay sa pangangahoy nila kahapon di ba?"

Shiela: "Oo, Archie. Silang dalawa pa ni Mang Fred at nang tatay mo ang magkasama pa kahapon pag-alis namin."

Archie: "Kung ganun, alam ni tatay kung anu ang bakal na nahanap nila kahapon.

Rochel: "Marahil yun siguro ang dahilan kaya nagmamadali sya na pumuntang bundok ngayun. Upang maghanap nung bakal na natagpuan nila kahapon. Hula ko, malaki siguro kinita ni Tiyo sa benta nya sa junkshop kaya naghahanap sya ulit ngayun."

Archie: "Siguro Rochel, yun ang dahilan nya, pero nagtataka ako sa isang bagay.

Rochel: "At anu naman yun?"

Archie: "Hindi sumama si Tatay sa pangangahoy nya ngayun."

Rochel: "Oh? Ngayun?"

Napagtanto ng magpipinsan na marahil, isang delikadong bagay ang nahanap ni Fred kung kaya't parehong hindi sumama ang kanilang tatay sa kanilang pangangahoy kasama si Fred.

Shiela: "Kaya pala ayaw mangahoy ni tatay ngayun at sinabihan nya kami na kung may mahanap si Mang Fred na kakaibang bagay, umalis na daw kami ni Buboy."

Rochel: "Sinasabi mo ba na may mangyayaring hindi maganda sa ating lahat kapag kasama natin si Tiyo Fred."

Archie: "Hindi naman siguro sinasabi ni Shiela na laging may nangyayaring masama kapag meron si Mang Fred. Ang sinasabi nya ay....."

Rochel: "Kung ayaw nyo siyang kasama dahil lang sa pasubo sya lagi ng kapahamakan!!! Eh di UMALIS NA KAYO!!!"

Nagalit ng husto si Rochel dahil sa mga sinabi nila Shiela at Archie na tingin nila ay lapitin sa kapahamakan ang Tiyuhin ni Rochel na si Fred. Kaya naman pinuntahan ni Rochel si Fred at iniwan ang magpipinsan upang tinulungan itong maghanap ng punong kahoy na puputulin.

Imbes na umalis ang magpipinsan ay nagpatuloy na lang sila sa plano nilang pangangahoy, ngunit nagkanya- kanya sila ng hanap at pwesto sa mga kahoy na mapupulot nila.

Nang makahanap na ng puno ang magtiyuhin, agad nang sinimulan ni Fred na sibakin ang tuyong puno na nahanap nila ni Rochel.

Gusto man sanang tawagin ni Rochel si Archie para tulungan sila sa pagputol sa kahoy, nakita naman nyang tinutulungan ni Archie si Shiela na isiksik sa sako nito ang mga napulot nilang mga kahoy.

Kung kaya't nagselos sya sa ginagawa nila Archie at Shiela na sa tingin nya ay parang hindi sila magpinsan.

Samantalang si Buboy naman, nakakita ng puno ng guyabano na may naglalakihang mga bunga. Lingid sa kaalaman nya na may nagmamay-ari sa guyabano. Kaya kinuha nya ang mga ito at isiniksik sa dala nyang sako tsaka pinaibabawan ng mga kahoy.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon