CHAPTER 55: PANGANGAHOY PART 2

32 2 0
                                    

Habang abala ang lahat sa kani-kanilang gawain, hindi na matiis ni Rochel na makitang magkasama si Archie at Shiela sa pamumulot nila ng kahoy, kaya lumapit siya sa dalawa.

Rochel: "Ahh.....Archie, kumusta yan ginagawa nyo jan?"

Archie: "Ayos naman kami. Malapit ng mapuno ni Shiela ang sako nya, kaya ibinibigay ko na sa kanya lahat ng makikita kong tuyong kahoy para matapos na sya at makapagpahinga na rin siya."

Shiela: "Archie, ang bait mo talaga. Salamat at hinayaan mong mapuno yung dala kong sako. Di bale tutulungan din kitang punuin yan sako mo para matapos na tayo pareho."

Rochel: "Hahaha! Buti pa kayo nagtutulungan kayo para mabilis matapos ang trabaho nyo."

Archie: "Oo. Ganyan talaga, kasi magpinsan nga kami. At nagtutulungan ang mga magkakapamilya. Di ba Shiela?"

Shiela: "Oo Archie. Tama ka sa sinabi mo."

Rochel: "Ah...ganun ba?"
(Sigurado ba kayong magpinsan talaga kayo?!!! Ang sarap nyong sakalin pareho sa kasweetan nyo!!!)

Shiela: "Oo nga pala. Asan si Buboy?"

Napansin ng tatlo na tila wala si Buboy sa buong paligid. Kung kaya't nataranta si Shiela.

Shiela: "Archie! Nawawala si Buboy!!"

Rochel: "Grabe ka naman, Shiela. Masyado ka namang natataranta. Eh malay mo kung nanjan lang yun. Naghahanap ng prutas na makakain."

Shiela: "Eh hindi naman basta na lang na lalayo yun at magpapaalam yun kapag may makita syang prutas sa di kalayuan!"

Archie: "Sige hanapin natin sya. Lalo na't nag-aalala ako na baka mailagay sya sa bulletin board ng mga nawawalang tao sa pulis station."

Rochel: "Huminahon nga kayo?! Baka nanjan lang yun at nagpapahinga sa tabi-tabi!"

Archie: "Rochel! Mabuti pa tulungan mo na lang si Mang Fred sa pagputol ng punong kahoy na pinuputol nya. Sasamahan ko na lang si Shiela sa paghahanap nya kay Buboy dahil ayoko na may mangyaring insidente na nawalan ako ng pinsan sa bakasyon ko. Kaya hahanapin ko sya."

Nabigla si Rochel sa sinabi ni Archie sa kanya at pakiramdam nya parang sya pa ang masama sa pagpigil kina Archie at Shiela na hanapin si Buboy.

Kaya naman nagdesisyon na rin syang tulungan ang magpinsan sa paghahanap kay Buboy.

Rochel: "Oh sige! Tutulong na ako sa paghahanap kay Buboy basta tulungan nyo rin kami ni Tiyo Fred sa pinuputol naming puno kapag nahanap na natin si Buboy."

Shiela: "OK! Rochel. Salamat sa'yo.

Rochel: "Walang anuman."

Naghanap ang tatlo sa buong lugar kung saan sila nangangahoy ngunit wala silang makita. Hanggang sa may narinig si Rochel na tila humihilik sa tabi ng natumbang punong kahoy. Nagulat si Shiela sa nakita, na si Buboy pala ang natutulog at nagtatago sa natumbang puno.

Rochel: "Sabi ko naman sa inyo!!! Nanjan lang yan at nagpapahinga lang sa tabi-tabi!!

Archie: "Rochel! Masama bang maniguro na hindi nawawala si Buboy? Kahit na nanjan lang sya, kailangan natin na siguraduhin na hindi sya nawawala para maging kampate tayo sa mga sarili natin walang nangyaring masama sa kanya!! Tsaka bakit ba napakasungit mo magmula pa kanina ha?!"

Rochel: "Wala!! At wala kang pakialam!!"

Archie: "Anung ibig mong sabihin na "wala akong pakialam?" Ha?!!"

Naglakad palayo si Rochel mula kay Archie dahil sa hindi maipaliwanag na inis nito. Ngunit biglang may tunog ng nabubuwal na kahoy silang narinig at nagsisisigaw si Fred.

Fred: "HOY!! MGA BATA!! UMALIS KAYO JAN!!!"

Nagawa na palang putulin ni Fred ang puno na kanyang pinuputol kanina. Ngunit babagsak naman ito sa direksyon kung saan naglakad si Rochel palayo kay Archie. Agad tumakbo si Archie sa direksyon ni Rochel at wala namang kamalay-malay si Rochel na magbabagsakan na pala sya ng puno na pinuputol nila kanina ni Fred.

Nang maabutan ni Archie si Rochel, agad nyang hinila ang kamay nito. Nagulat naman si Rochel sa biglang paghila ni Archie sa kanya na pati katawan ni Rochel ay napasama sa kanyang paghila.

Nawalan sila pareho ng balanse kung saan napadapa si Rochel sa katawan ni Archie at napahiga naman si Archie sa lupa. Sakto namang bumagsak ang puno sa tabi nila kung saan naisip ni Archie na muntik na silang mapisa nito oras na direktang tumama iyon sa kanila.

Agad naman pinuntahan ni Fred ang dalawa upang tingnan ang kalagayan nila Archie at Rochel.

Fred: "Archie!!! Rochel!!!! Ayus lang ba kayo?!"

Archie: "Ayus lang po kami Mang Fred! Hindi naman po kami nasaktan.

Shiela: "Archie!! Si Rochel?! Ok lang ba siya?!

Dahil sa bilis ng mga pangyayari, gulat at hindi makapagsalita si Rochel. Kaya naman tumayo at binuhat ni Archie si Rochel sa may malapit na lilim upang mahimasmasan ito.

Shiela: "Mang Fred!! Mag-ingat naman po kayo! Tingnan nyo, muntikan na sila Archie at Rochel mabagsakan ng puno."

Fred: "Eh...Anu? Hindi ko naman akalain na tutumba sa direksyon nila ang puno. Akala ko kasi walang tao sa direksyon na babagsakan ng puno kanina."

May punto naman ang sinabi ni Fred na walang tao sa direksyon na pagtutumbahan ng puno kanina, bago mainis si Rochel naglakad sa direksyon kung saan ito tutumba.

Kaya naman naisip ni Fred na itigil muna nila ang pangangahoy at magpahinga na muna dahil sa nangyari.

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon