Chapter 18

1.2K 55 15
                                    

Chapter 18

Pagkarating sa ospital ay agad na tinanggal ni Kiana ang kanyang high-heels at tumakbo ng mabilis. Sinundan naman ni Sabrina at Bianca si Kiana.

"Gosh Kiana! Slow down!" sabi ni Sabrina habang mabilis na naglalakad

"Kiana! Please wag kang mabilis! Ang sakit na ng paa ko!" pagmamakaawa ni Bianca

Sumakay sila ng elevator at hindi na napigilan ni Kiana na mapaiyak. Yumakap si Kiana kay Sabrina habang umiiyak. Tinapik tapik naman ni Bianca ang balikat ni Kiana.

"Kiana, it's going to be okay," sabi ni Bianca pagkabukas ng pinto ng elevator

Tumakbo si Kiana papunta sa room 304 ngunit bago niya pa buksan ang pinto ay may nagbukas na nito. Tumingin ang babaeng nasa mid-40's na at nakasuot ng isang napaka eleganteng damit sakanya.

"Are you Elliot's girlfriend?" mangiyak ngiyak nito ng sabi

"Yes Ma'am," sagot ni Kiana at bigla na lamang siyang niyakap nito, "Ma'am? Are you alright?"

Tumango ang babae ng kaunti at kumalas ito ng yakap, "I'm his mother, si Elliot? Kasalukuyan siyang inooperahan."

Napatakip ng bibig si Kiana at halata sa kanyang mga mata na malapit na itong bumigay at tuluyang magbuhos ng luha, "A-Anong nangyari?"

"It's hard to explain, ang alam ko lang ay may nagtangkang pumatay sa anak ko," wika ng mama ni Elliot, "Luckily, nakaiwas siya at sa braso siya tinamaan pero sa pag iwas niya nabangga niya ang isang bus."

Biglang nanghina ang tuhod ni Kiana at bago pa siya mapaluhod sa sahig ng ospital ay agad na siyang inalalayan ni Bianca at Sabrina.

"Oh my God, you're not going to kneel there, kadiri dyan," bulong ni Bianca

                                ***

Ilang oras 'din ang hinintay nila Kiana, Bianca at Sabrina sa kwarto ni Elliot. Si Kiana nakatulog na habang nakaupo sa isang upuan at nakahiga ang ulo sa hospital bed. Si Bianca naman ay busy sa kakaselfie sa C.R at si Sabrina naman ay kausap sa phone si Matt.

"Elliot is so matagal, mapupuno na phone ko sa kakapicture tapos wala pa siya," maktol ni Bianca pagkalabas ng rest room

"Wait a sec Matt ha?" sabi ni Sabrina sa phone at saka niya tinakpan ang mouth piece at tumingin kay Bianca, "You know what? Kaya ka walang love life kasi hindi mo kayang maghintay sa isang lalaki."

Nagroll eyes naman si Bianca, "Duh, what's the connect? Guys are so duwag and torpe when it comes to me kaya wala pang nanliligaw sa akin."

"Whatevs," wika ni Sabrina saka siya tumuloy sa pakikipag usap kay Matt sa phone

"Okay Bae, see you tomorrow ha? Mwah! I love you so much," paalam ni Sabrina at saka niya tinago sa bag ang phone niya

Umupo si Bianca sa tabi ni Sabrina, "Sab, bakit kaya wala pang nanliligaw sa akin?" malungkot nitong tanong

"IDK," sagot ni Sabrina

Bumuntong hininga naman si Bianca, "Maganda naman ako, makinis, maputi, blonde, hindi mataba, malaki boobs, sexy, maganda legs at matalino."

"Matalino daw," sabi ni Sabrina sabay tawa, "Shut up! Wag kang liar."

"You are so mean Sab," sabi ni Bianca sabay roll eyes

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto at bigla itong bumukas. Si Elliot na pala ito tulog siya at hinatid siya habang ang mama niya ay kinakausap ng doktor. Inihiga naman ng mga assistant sa ospital si Elliot sa kama.

"Geez, I hope his fine," sabi ni Bianca, "So, paano 'yun? Hindi siya makakaattend sa pageant bukas?"

"Yah," sagot ni Sabrina habang pinagmamasdan nila si Elliot na natutulog at may benda sa braso

Nagising na si Kiana at ng mapansin niya si Elliot ay agad niya itong niyakap, "Elliot!"

"Ma'am dahan dahan lang po nagpapahinga siya," wika ng isang hospital assistant

Pinunasan ni Kiana ang kanyang mga luha at hinawakan ang kamay ni Elliot, "I love you, sobra mo akong pinag alala, mahal na mahal kita."

Naglakad pa labas ng kwarto si Bianca at pagkalabas niya ay tumingin siya kay Sabrina, "So much drama, I can't take it," sabi niya ng medjo maluha luha na

"Kiana, if it's okay lalabas na muna kami ni Bianca," sabi ni Sabrina then Kiana nodded

Pagkalabas ni Sabrina ay agad na silang tumambay nila Bianca sa isang bench sa gilid ng vendo machine.

"Sino naman kayang nagtangkang bumaril kay Elliot?" sabi ni Sabrina

"IDK, may kaaway ba siya or what?" tanong ni Bianca habang pinupunasan ang kanyang sapatos

Napabuntong hininga na lamang si Sabrina at pinagmasdan ang tahimik na hallway ng ospital, "Wala naman ata, Elliot is a nice guy in school diba? He helped in many foundations, marami siyang kaibigan, he play with kids, wala siyang bisyo or whatsoever."

"That's it! Insecure 'yung gumawa nun kay Elliot!" sabi ni Bianca, "Jealous kay Elliot ang may gawa nun!"

"Maybe," sagot ni Sabrina

Bigla silang tumahimik ng biglang bumukas ang elevator revealing Queenie who has this red puffed eyes na halatang katatapos lang umiyak.

"Girls!" tawag ni Queenie kila Sabrina at Bianca, "How's Elliot? I am so worried!"

"Worried mo mukha mo! Umalis ka dito Queenie," sabi ni Bianca sabay roll eyes

"Queenie stop being such a fugly bitch, Elliot is with Kiana right now," wika ni Sabrina

Nagcross arms si Queenie at nagsalita, "Ako ang gustong makita ni Elliot ngayon, he loves me."

"He loves me daw," natatawang sabi ni Sabrina kay Bianca

"Ayaw niyo talagang maniwala sa akin?" sabi ni Queenie, "You know what? 'Yang Kiana nga na 'yan 'e hindi kilala ni Tita, pero ako kilala."

"So, what?" sabi ni Bianca, "Pwede bang lumayas kana dito?"

"Tatawag na ako ng guard sasabihin 'kong nanggugulo ka," banta ni Sabrina

Maglalakad na sana si Sabrina papunta sa isang area kung saan nandoon ang ilang mga hospital assistant ng biglang dumating ang mama ni Elliot.

"Baby!" sabi ng mama ni Elliot sabay yakap kay Queenie, "Akala ko hindi ka dadating."

"Tita, siguradong pupunta po ako basta kay Elliot," sabi ni Queenie, "Nasaan na nga po pala siya?"

"What the hell is happening?" bulong ni Bianca kay Sabrina, "Bakit sila ganyan kaclose?"

"I don't know! This is pissing me off," wika ni Sabrina

"Halika ihahatid kita kay Elliot," sabi ng mama ni Elliot

"Wait Tita! I think Kiana's in there, ayoko naman po sana siyang guluhin," wika ni Queenie

"No! Pauuwiin ko na si Kiana, since nandito kana," sabi ng mama ni Elliot, "Nakakairita kasi siya 'e iyak ng iyak kala mo naman patay na ang anak ko."

"Really Tita?! Thank you so much! Hayaan niyo po I'll be positive and happy pagkagising ni Elliot, grabe naman si Kiana," sabi ni Queenie ng may naaawang mukha

"Shall we go?" aya ng mama ni Elliot at pagkatapos ay tumingin ito kila Sabrina at Bianca, "Iuwi niyo na si Kiana, nandito na si Queenie."

Pagkatapos niya itong sabihin ay pumasok na sila sa kwarto. Ngumisi naman si Queenie sa kanila.

                                ***
Author's Note:

Hi everyone! Are you still with me? xD

I'll publish the last chapter, plus a BONUS chapter galing sa book 2 ng DTUWF |Summer Edition|

Kapag 9k reads na tayo at magkaroon ang chapter na ito ng 10 comments and 10 votes.

'Yun lang readers! :) Keep on supporting! Try to read my other works habang hinihintay na mareach ang goals ^^

Thank You!

Don't Touch Us We're Famous (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon