Meriedeth Salazar
"Salazarrrrr!"
Iminulat ko ang mata ko, napabangon ako dahil sa nakita ko.
"Anong ginagawa mo dito, Shelanie?"
"Hay naku, nakalimutan mo ba na mamaya ang graduation ball natin?!"
"Pwede bang hindi nalang umattend?"
"Hoy, hoy, hoy, anong naririnig ko na hindi ka aattend?!" napalingon ako sa may pinto.
"Anong ginagawa mo dito, Andrea?"
"We're here to bring you to the graduation ball!"
"Ano ba 'yan, matutulog pa ako," reklamo ko at humiga sa kama.
"Bumangon ka na!" sabay hila ni Shelanie sa akin.
Ayoko talaga yung hinihila ako paalis sa kama ko. Wala naman akong magagawa dahil dalawa sila ni Andrea.
"Oo na, pwede ba? Kakain pa ako."
"Hindi ka pa bumabangon? Hala, anong oras na?" tanong ni Andrea.
"Bawal mga maarte rito," sabi ko at lumabas na ng kwarto.
Bumaba na ako para kumain, nagluto ako ng itlog at pancit canton. May kanin naman. Umalis si Mama at Papa dahil may e checheck daw sila na property namin sa kabilang city.
Wala sila Aunty Rebecca at Kuya Marcus dahil may trabaho sila. Graduation ball mamaya, nakakapagod naman.
"Salazar, nakapili ka na ng course para sa college?" tanong ni Shelanie. "Graduation na natin next week."
"Hindi ko pa rin alam," sabi ko at uminom ng tubig. "Magbabakasyon muna ako sa probinsiya."
"How about kumuha ka ng course about physical education?" suggestion ni Andrea.
"Ayoko maging teacher."
"Bukas, may lakad tayo," sabi ni Shelanie.
"Saan? Nakakapagod."
"Lahat nalang sa'yo nakakapagod," reklamo ni Andrea. "Hindi mo pa nga ginagawa."
"Tss. Just hearing it makes me tired. Ano naman gagawin natin sa graduation ball? Tss."
"Hala, Salazar, maraming hinanda ang student council at teachers para sa atin. Kaya hindi boring mamaya," sabi ni Shelanie.
Pagkatapos kong kumain ay naligo ako habang sila Shelanie ay nag-aayos na. Pagkalabas ko tapos na ang mga buhok nila, inaayos ni Andrea ang buhok ko.
"Ano ang susuotin mo, Salazar?" tanong ni Shelanie.
"Kailangan ba na formal?" tanong ko.
"Shelanie, hindi mo ba siya binigyan ng program? Sumasakit ulo ko kay Salazar," reklamo ni Andrea.
"Formal, ito susuotin ko mamaya," sabay kuha ng kulay pastel pink na gown mula sa isang paper bag. Parang gown ni Princess Aurora sa sleeping beauty ang gown ni Shelanie. Its a cocktail dress, pero ball gown ang disenyo.
"Ito naman sa akin," sabi ni Andrea at kinuha ang isang dark violet na gown, the fabric is silky at backless, babagay 'yon kay Andrea. Its a mermaid cut gown.
"Pwede bang nagslacks nalang?"
"Ano ka? Lalaki? Kung gusto mong lahat ng atensyon na sa'yo, edi gawin mo."
Naalala kong may binili si Mama na gown. Nasabihan ko kasi siya tungkol doon noong nakaraan. Binuksan ko ang cabinet ko, hindi ko kasi 'yon tiningnan. Kinuha ko ang white paper bag.
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Teen FictionMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...