Chapter XXXV

549 31 30
                                    

Chapter XXXV

"CLASS dismissed. See you next semester."

Tumayo si Elias at niligpit na ang mga gamit.

"Ano, pre?" Inakbayan siya ng kaklase. "Sasama ka ba sa amin mamaya? Laro tayo ng basketball."

"Hindi." Sinukbit niya ang bag. "May pupuntahan ako."

"Ay, alam na! Pupunta ka ulit ng France, 'no? Makikipagkita sa girlfriend." Saka sila muling naghiyawan. "Elias Gentry at your service!"

Tinapik niya sa balikat ang mga ito. "Mauna na ko."

"Ingat, pre! Magbaon ka ng proteksyon."

Napailing na lamang si Elias at lumabas na ng room. Dumaan din siya sa simbahan bago tuluyang umuwi.

"Ma, ako na po r'yan," sambit niya. "Sabi ko naman po ako na ang mag-aayos ng damit sa maleta."

"Patapos na ko, anak. Hubarin mo na 'yang uniporme at magpalit ng damit. Baka mahuli ka pa sa flight."

Sinunod na lamang niya ang ina at pumasok na sa kwarto. Saglit siyang nag-shower at nagbihis. Bitbit ang trench coat ay lumabas siya habang sukbit ang backpack.

"Sana this time magkita na kayo ni Ate," nguso ni Elle. "Four months ka nang pabalik-balik sa France pero hindi pa rin kayo nagtatagpo."

"Magkikita rin kami," ngiti ni Elias. "In God's time."

"Mag-iingat ka ro'n, anak." Inakbayan siya ng ama saka bumulong, "Bili mo ko ng salted butter caramel ha?"

"Narinig ko 'yon." Pinanlakihan siya ng mata ng asawa. "Hindi pwede. Masyadong matamis 'yon. Tataas na naman ang sugar level mo."

"Tama po si Mama," natatawang wika ni Elias. "Loaf bread na lang po bibilhin ko sa inyo."

"Anak, wala namang lasa 'yon."

Kinuha ni Elias ang maleta. "Salamat po, Mama."

"Baunin mo 'to." Inabot nito ang black card. "One week ka ro'n, sigurado akong kakailanganin mo 'yan."

Napabuntong-hininga siya. Iyon ang black card na walang spending limit na binigay sa kaniya ni Jaime na pinapabigay din daw ni Tatiana.

"Hindi mo raw tinanggap sabi ni Jaime kaya sa akin niya binigay."

Napabuntong-hininga siya. "May ipon naman po ako."

"Kuhanin mo na, anak," anang ama nito. "Pang-extra."

Nag-alangan pa siya kaya si Elle na ang kumuha niyon at sinilid sa bulsa ni Elias.

"Pasalubong ko, Kuya."

Pabuntong-hininga naman siyang ngumuso. "Alis na po ako."

Tumango ang mga ito at hinatid siya ng tingin palabas. Pagdating sa airport ay dumaan sa proseso ang passport niya hanggang makasakay sa eroplano at makaupo sa designated seat.

"Hi, Elias!"

Kunot-noo siyang lumingon at gano'n na lamang ang gulat nang makita ang mga kaibigan.

"Yara? Jill? Bakit nandito kayo? Akala ko ba nasa shooting kayo?" Hindi rin siya makapaniwalang tumingin kay Jaime. "Akala ko may business trip ka sa America?"

Drops of DivineWhere stories live. Discover now