III : Layas!!

68 3 0
                                    

Kelly's POV

   

School na naman. Hanggang kailan ba ako mag aaral?! Nakakatamad na ha. Psh =_=

Naglalakad na ako papuntang school. Habang nag lalakad ako eh may nakita akong matanda na tatawid sa kalsada pero di ata niya namalayan na may papuntang sasakyan! Nako!!! Baka kung mapano si lola! Tumakbo ako papunta kay lola pero hindi pa ako nakakaabot eh babangga na ang sasakyan kay lola! Kaya napasigaw ako ng wala sa oras.

"LOOOLAAAAAA!!!!"

*Booggshhh!!*

O _ O !!! Te-teka?! Ba't tumalsik yung sasakyan?! Pa-paano yun nangyari??!!! Argggg! Nakakasakit ng ulo!

Pinuntahan ko si lola at tinanong.

"Lola, ayos lang po ba kayo? Wala po bang masakit sa inyu? " nag aalalang tanong ko.

"Ayos lang ako iha. Maraming salamat. Pero pano mo napatalsik yung sasakyan?" Nagtataka at may pagdududang tingin sakin si lola.

"P-po? Hindi ko po a-alam. Hindi na-naman po ako yung gumawa non." Nauutal kong sabi.

"Ahh, ganun bah? Sige iha, salamat ulit. Akoy aalis na. " sabi ni lola at tumayo na. Naglalakad na siya palayo ng may makita akong kwintas. Isang kakaibang kwintas. Parang may kung ano sa kwintas ehh. Kinuha ko yun at isasa uli sana kay lola ng makita kong wala na siya...  WALA NA SIYA???!! pano nangyari yun??!! Eh hindi pa naman siya nakakalayo ahh?!! Hay nako... minamaligno na naman siguro ako. Tsk.tsk. makapasok na nga. Inilagay ko na lang sa bulsa ko yung kwintas at umalis na.

Someone's POV

    Nakita ko yung pangyayari. Nung malapit na akong masagasaan, may narinig akong sigaw at may tumalsik na sasakyan. Napakalakas ng aurang yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Isa siya sa amin. Dapat malaman to ng head master. Umalis na ako at pumunta sa lugar namin. Sa lugar kung san kami nababagay.

**********

   *KRIIIINNNGG!!*

"Dismiss." Sabi ni mam at lumabas na. Tsk. Wala naman akong natutunan sa mga tinuro niya ehh. Sige ikaw nga, yung tinuturo ni mam eh tungkol sa buhay niya? May gana ka pa kayang makinig?! Hindi ko naman magagamit sa paglaki ko ang kwento ng buhay niya kaya walang rason para makinig. Tapos, sabog pako sa nangyari kaninang umaga, hindi parin maalis sa isipan ko yung nangyari ehh. Pano ba talaga nangyari yun? Alangan namang minagic (magic) ko yun eh wala naman akong kapangyarihan. Ordinaryong tao lng ako no at saka hindi naman nag e exist yang magic magic nayan ehh. Kathang isip lng yan. Tss. Matapos kong ligpitin lahat ng gamit ko eh lumabas na ako ng room. Teka, ako nalang pala natitira dito. Ganyan na ba talaga ako kadaldal? Tsk.tsk.tsk.( sabay iling ng ulo.) Naglalakad ako habang nasa bulsa ang kanang kamay ko. Tapos parang mag nahawakan ako. Kinuha ko yun at napagtantong yung kwintas pala ni lola.

Pero may napapansin ako. Parang lumiliwanag yung loob ng kwintas. Tapos habang naglalakad ako eh mas lalong lumiwanag yung kwintas. Tapos nakita ko nalang ang sarili ko na nandito na naman sa creepy garden nato. Ano ba talagang meron dito at palagi akong napupunta dito. Binalewala ko na lang yun at bumalik na.

Nasa tapat na ako ng bahay ng may nakita akong maleta at mga bag na puno ng damit. Teka , kanino yan.?

Binuksan ko yung pinto pero pagbukas ko palang ay may nagbato sa akin ng mga damit.

"Lumayas kana dito! Hindi ka naman nakakatulong sa akin eh! Pabigat ka lang! Wala ka nang silbi! Lumayas ka na!! " sigaw sa akin ni nanay tsaka padabog na isinara ang pinto.

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pa kasi nag si sink in sa utak ko yung sinabi ni nanay.

Kinuha ko na yung mga maleta ko at umalis na wala sa sarili. Habang naglalakad ako eh biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako.

Sa-saan na a-ako ti-titira ngayon? Wala na nga akong ibang pamilya ehh. Bakit ba ganito kasaklap ang buhay ko?! Bakit!!

Napadaan ako sa park. Umupo ako sa swing at hinayaang mabasa ng ulan.

Bakit?? Bakit?? Ganito ang buhay?! Napaka unfair! Gusto ko lang naman mamuhay ng normal ehh. Gaano ba kahirap yun?!

Napabuntong hininga na lang ako.

Hanggang sa unti unti nang pumipikit ang mga talukip ng mata ko.

And then....

*BLACKOUT*

Shira's POV

    Hi, ako nga pala si Shira Kai Himakuro. Half japanese at half filipino.

Lumabas muna ako ng mundo namin kasi nakakabagot na ehh. Oo may sarili kaming mundo. Ang mundo ng mahika na kung saan ang mga taong nag aaral doon ay may mga kapangyarihan gaya ko rin. Ang kapangyarihan ko ay Gravity. Kaya kung palutangin ang mga bagay at patigilin ang pag bagsak ng isang bagay o tao. Geh, tapos na ang pagpapakilala ko.

Nandito ako sa may park. Nagmumuni. Naglalakad ako ng biglang umulan. Tsk. Panira naman ng moment to ohh.! Tatakbo na sana ako ng may makita ako babaeng kasing edad ko lang.

Nasa may swing siya at parang wala sa sarili. Lalapit na sana ako ng mahimatay siya kaya pinigilan ko kaagad ang pagkakatumba niya. Nilapitan ko siya at kinapa ang noo niya. Nakoo!! Ang taas ng lagnat niya!! Ano ng gagawin ko??! Aish! Bahala na nga. Pinalutang ko siya kasama ng mga bagahe niya at dinala sa mundo namin. Patay ako kay head master nito. ~3~

Tsk. Bahala na si superman!

*******

Ni hao!! Comment and vote naman kayo oh. Para may inspiration ako. Maawa kayo ~3~

Btw, wala lungs.. hohoho ^0^

Sabog ako ngayon kaya pagpasensiyahan niyo na ako.

Abangan ang next chappieeee. ^_____^

Ciao!

Ms. A :*

Caelestine UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon