(12)
Prince POV
Krriiinnnnggg
~kuya Pogi calling~ 3x(HAHA! Ang baduy ng 3x)
"O bro."
("Bunso nasan ka na ba ha?! Gabi na ah! Nauna pa kaming nakauwi sayo.")
Etong si kuya parang si mama lang kung makaasta. Tsk...
"Kuya drake , chill ka lang pwede? Pauwi na ako diyan. Don't wo-"
(" ANONG DON'T WORRY?!")
"Ayy! Bakit mo niloudspeaker?!"
"Bakit bawal ha?! Hoy! Umuwi ka na! Landi ka ng landi!" Sigaw ni Kuya Izan.
Niloudspeaker kasi ni Kuya drake ang cellphone niya kaya narinig nila Kuya Izan ang Pinaguusapan namin.
"Anong landing?!"
"Anong landing? Landi ng landi ang sinabi ko Hindi landing!"
"Ay yun ba yung sinabi mo? Hindi ako lumandi noh! Kapal mo! PAUWI NAKO!" Binaba ko na ang cellphone at inoff . Bwiset na mga kuya yun! anong landi ng landi?! Ako lumalandi?! Wala sa dictionary ko yan no!
Nang nasa tapat na ako sa gate namin nagdasal Muna ako. Aba baka anong gawin ng mga kuya ko sakin.
*tok!* *tok!* *tok!*
Naputol ang pagdadasal ko dahil sa ingay ng katok sa bintana ng kotse ko.
"Hpancjcksjxkxdkskakx!!!" Sigaw ni Kuya sa labas ng kotse. Haha! Mukha siyang baliw…
"Ha?!" Pabirong sigaw ko.
"Hano!?" Sigaw naman niya.
"Ay ewan." pabirong bulong ko sa sarili ko.
Pinaandar ko nalang ulit ang sasakyan pagkatapos pinasok ko na sa garahe namin.
*
"Hoy, babae! Saan ka galing?" Galit na tanong ni kuya.
"Sa k-"
"Naglakwatsa ka naman?"
"Hin-"
"Ang tigas talaga ng ulo mo no?"
"Wal-"
"Bakit ba nagfefeeling lala-"
"PATATAPUSIN NIYO BA AKONG SUMAGOT? O PURO NALANG KAYO TANONG?"
"Suko diay ka te?" (Galit agad te?)
May nagsalita bigla sa likod ko.. tama ba ang narinig ko?may nag Bisaya?
"Mikai?"
"Dili dili si kaimi ni.." (hindi hindi, si kaimi to)
"Ikaw nga mikai!!! Waaah!! Kailan ka dumating?"
Siya si mikai, Mikai R. Letherford isa pang bestfriend namin ni mackie. Honestly, magpinsan kami. Sa new york kasi siya tumira pero taga davao talaga siya. Dapat nga nageenglish yan eh, pero ayun bisaya ng bisaya parin. Ang cool nga eh. Kung di ko lang to pinsan, niligawan ko na to.
"Kanina lang." Sabi niya.
"Pasalubong kong wig insan? Asan na? Bakit wala kang hawak-hawak na paper bag?"
"Why? Kailangan pa ba ng paper bag? Hindi ba pwedeng celophane lang? Kaarte nimo." (Ang arte mo)
Sarkastikong sabi niya.
"At tsaka insan, hindi ka parin nagbago? Tomboy parin? After how many years hindi ka parin nakapagmove on? Wow insan ang martyr mo, kabalo ba ka?" ( alam mo yun?) Dugtong niya.
BINABASA MO ANG
Ms. T meets Mr. B
TienerfictieWhat if magkabaliktad ang kilos ng babae at lalaki? Ang lalaki ang nanampal at nansasabunot . Ang babae ang nanununtok , astig at nagsusuot ng damit panlalaki. What if Ms. T meets Mr. B ?? Is it the start of their love story? Mapapalitan na ba ang...