Dedicated to: @MAMEE_SHENGThank you po sa support! I am still waiting for your incoming works!
***
Nanlalaki pa rin ang mga mata ko habang tanaw-tanaw si lola na tumatawa nang pagkalakas-lakas. Awtomatiko naman akong napatingin kina mama at ate at nakitang pareho silang walang alam.
Lito rin silang nakatingin kay lola. Ilang minuto naman akong nag-isip, batid nang nagjo-joke lang si lola, ang 'di ko lang maintindihan ay kung bakit.
Bakit ang saya-saya niya? Well, palagi naman siyang tumatawa, pero iba na kasi ngayon. Pakiramdam ko ay may iba pang dahilan. At kung ano man ang dahilan na 'yan ay 'di ko talaga alam.
"Lola, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ni ate kay lola habang 'di naman inaalis ang tingin sa 'kin. Talagang kuryuso siya kasi panay ang taas ng kilay niya ngayon. Si mama naman, samantala, bumalik na sa pagiging cool, pero halata namang clueless pa rin sa nangyayari.
Sa porma nina ate at lola, masasabi kong galing pa sila sa mahabang biyahe kasi nakasuot ang mga 'to ng itim na jacket at may dala ring malaking maleta. Siguro ay kung walang naganap na kalokohan kanina ay nasa kaniya-kaniya na silang kuwarto ngayon.
"Ako?" natatawang tanong ni lola. Nakita ko naman na alalang-alalang lumapit ang private nurse kay lola. Madalas kasi na kapag nasosobrahan ang pagtawa niya ay mauubo ito. "Tapos na, Isbelle, apo," muli niyang sabi.
Nang bumaling naman si lola sa 'kin ay instinct sa 'kin ang mag-iwas ng tingin. Mayamaya ay sila nang tatlo ang nakamasid sa 'kin, nakatingin sa dala kong make-up kit. Matagal na nilang alam na mahilig ako sa mga ganitong bagay, pero sa tagal ng panahon na 'di kami nagkita nina mama at ate ay siguro'y nakakapanibago para sa kanila ang makita akong may dalang makeup kit.
"Mahilig ka pa rin sa mga ganiyan?" tanong ni Isbelle sa 'kin. "'Di ka naman magkakapera sa mga ganiyan." Nagkibit pa 'to ng balikat at saka nagpatuloy. "Kung ako sa 'yo, isasali ko ang sarili sa mga piano competition."
Natahimik ako dahil doon hindi dahil sa sang-ayun kundi dahil sa ang pagiging tahimik nalang ang tangi kong naiisip na paraan para 'di pa mas lalong lumaki ang tensyon. Kasi sa totoo lang, gusto ko nang magsalita. 'Yung tipong gusto ko nang sumigaw pero hindi puwede.
"Don't force your sister," pagsasaway ni mama kay ate. Bagaman gusto kong magpasalamat sa kaniya ay pinili ko pa ring yumuko para 'di nila makita ang mata ko. Natatakot akong mas lalo pa 'kong manghina. "She is very talented. Kahit pagmi-makeup ay alam mo, Frency, kaya kung ano ang gusto mo, susuporta lang kami."
'Di ko na talaga alam kung ano ba ang dapat kong isipin. Kasi kung babalansehin, suwerte pa rin ako kasi may mga tao na naniniwala sa 'kin, na may mga tao na nagpapalakas ng loob ko.
Sa sinabi na 'yun ni mama, napangiti ako, pero 'di nga lang ako sigurado kung ngiting matamis ba 'yun o ngiting mapait. Dahil ang mas importante sa 'kin ngayon ay nakayanan kong magtimpi kahit gustong-gusto ko nang magsalita. At least, nag-i-improve na 'ko. Iniisip ko lang na ganito na pala ako kalakas ay tuwang-tuwa na 'ko.
"Sige, po, babalik na 'ko sa 'min," sabi ko sa mababang boses. Pero 'di pa nga ako nakakatalikod nang muling magsalita si lola.
"Babalik ka pa, 'di ba, apo?" kung kanina ay puno ng saya ang boses ngayon naman ay ibang-iba na. Sa huli ay napatango ako sa tanong niya. Ayaw kong isipin niya na napakadali kong magtampo. Ayaw kong isipin niya na siya ang dahilan kaya sumama ang loob ko.
Walang-wala ang biro ni lola sa sinabi ni Isbelle sa 'kin. When in fact ay masaya pa nga ako kasi napasaya ko si lola. Ang 'di ko lang nagustuhan ay 'yung inakto ni Isbelle. Well, ano pa ba kasi ang magagawa ko? Siya 'yan, 'di ko na siya mapipigilan pa. Kung si mama nga ay nakayanan niyang suwayin at awayin, papano pa kaya ako na kapatid niya lang?
BINABASA MO ANG
Hopelessly Smitten ✔
Teen Fiction"Gagawin ko lahat ng sinabi mo. Tutulungan ko ang kompanya namin. I will gonna fix myself up... For you... For you deserve better. Give me a decade, and I will make you proud of me." ©2021. Ugly_Writes. All rights reserved.