Acquaintance Party (Part 2)

796 38 17
                                    

Note:  Heto na! Ang Part 2 ng Acquaintance Party.  Tinupad ko lang ang PROMISE ko.  Enjoy reading!  Kindly leave a comment. *U*

 

 

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

 

 

“Sino nga ba ang makakapagsabi ng mga bagay na pwedeng mangyari pagkatapos ng Acquaintance Party?”

 

 

***

“Now that I have you, everything just seems so right..

Now that I have you, I’m alive..

Very special mo—“

Naputol ang pagkanta ko dahil sa biglang pagtunog ng cellphone ko.  Kaya, dali-dali naman akong umalis mula sa harap ng salamin papunta sa kama ko.  Nang tingnan ko, isang mensahe pala galing sa dating crush ko.  Ang dating crush na nagpaiba ng TAKBO ng college life ko sa loob ng halos anim na buwan na.

Kasalukuyang December 19,2012 na at kung tama ang pagkakatanda ko, June 22 ang Acquaintance Party namin kung saan naganap ang isa sa mga pinakamagagandang pangyayari ng buhay ko—ang MOMENT na KINANTAHAN ako ng Dating CRUSH ko at kinuha ulit ang contact number ko.

*Flashback*

 

 

“Pwede ko ba ulit makuha ang contact number mo?” tanong sa akin ni Angel.  Grabe ang kabog ng dibdib ko at sobra na rin ang pamumula ko.  Hindi ko talaga kasi inaasahan ito at isabay pa na nasa paligid namin ang halos lahat na taga-Department of Chemical Engineering.

Tahimik ang paligid na tila hinihintay ang isasagot ko.  Dahil na rin sa sobrang pagkabigla, hindi ako agad nakasagot .

“Pwede ba?”  tanong ulit ni Angel sa akin.  Sa sobrang pagkataranta, ito ang naisagot at nagawa ko.

“Ha? Ah..Eh..Sandali.. CR muna ako..Hehe.” ..Dali-dali akong tumakbo sa CR  at hindi pinansin kung ano at sinuman ang nababangga.  Doon ko sinampal-sampal ang sarili para kumpirmahin kung totoo nga talaga ang mga nangyayari.  Makalipas ang ilang sandali, nasabunutan ko naman ang sarili ko nang mapagtanto kung ano ang ginawa ko.

“Waah!  Ang tanga-tanga ko!”

Inayos ko na muna ang sarili bago lumabas mula sa CR ng walang kasiguruhan kung ano ba ang naghihintay.  Inakala kong maraming mata ang titingin sa akin subalit, kunti lang pala.  Nagresume na kasi ulit ang Programme at magsisimula na din maya-maya ang mga “games”.

Pasimpleng hinahanap ng mga mata ko si Angel subalit, hindi ko na siya nahagilap pa.

“Asan na kaya siya?” sa isip-isip ko.

Nang mapagtanto ang pagiging “loner” ko sa mga oras na ‘yun, napagpasyahan ko na lamang ang lumapit sa ilang mga kaibigan ko para may  makasama.  Tulad ng inaasahan, puro pangkakantiyaw ang natanggap ko mula sa kanila.  Ang haba-haba daw ng buhok ko kaya ang sagot ko naman ay, “alam ko..”.

Di! biro lang! Puro ngiti lang ang isinagot ko sa kanila.  Naiisip ko pa din kasi siya eh.  Baka naturn-off na ‘yun sa akin dahil sa ginawa at isinagot ko sa kanya kanina.  Napabuntong-hininga na lamang ako.   Haaaay!!

Natapos ang ilang Games at lumipas din ang lunch time na hindi ko pa din nasusulyapan ang gwapong mukha ng crush ko.  Nasa gilid ako ngayon ng court kung saan ginaganap ang mga games.

“Anubayan!  Ibibigay ko naman talaga ang number ko eh.   Nataranta lang talaga ako kanina.” Sa isip-isip ko.

Dahil na rin sa panlulumo kaya naisipan kong sa gilid na lamang magmukmok para maupo at manood.

So guys, this time, every team, dalawang representative lang ang kailangan.”  Narinig kong sabi ng babaeng MC.

“Ano naman kaya ang larong ‘yun?”  tanong ng utak ko.

Sa team namin, narinig ko na may sumigaw ng, “Si Angel na lang ‘yung isa!”  Napatayo ako ng marinig ang pangalan niya.  Si Angel kayang crush ko ang tinutukoy nila?

Naglakad ako papalapit sa kanila subalit, hindi ko naman siya nakita.  Baka nga ibang Angel ang tinutukoy nila.  Babalik na sana ako sa gilid ng may narinig akong nagsalita.

 

“Pwede bang ikaw na lang ang partner ko… Diane?”

Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.  Hinarap ko ang taong nagyaya sa akin at hindi nga nagkamali ang pakiramdam ko.  Si Guardian Angel ko nga.

Ngumiti ako sa kanya at sinuklian niya rin naman ito ng isang ubod ng tamis na ngiti na abot sa mata.

-End of Flashback-

 

 

Binuksan ko ang text ni Angel.

My Guardian Angel: Nasa labas na ako ng boarding house niyo.

Pagkabasa ko nun, kinuha ko na agad ang bag ko at tumingin ulit sa salamin para siguruhing maayos na talaga ang itsura ko.  Mag-aattend pa kasi kami ng Christmas Ball ng Department eh na gaganapin lang naman sa isa sa pinakamagagandang hotel sa City.

At OO.  Si Angel ang date ko.

Si Angel—ang dating CRUSH na PINAPANGARAP ko lang noon.

Si Angel na siyang PRESENT at FUTURE LOVE ko na ngayon.

Ako si Diane at ito lang ang masasabi ko..

“Sino nga ba ang makakapagsabi ng mga bagay na pwedeng mangyari pagkatapos ng Acquaintance Party?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 27, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Acquaintance Party (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon